You are on page 1of 2

ELEMENTO NG AKDA:

Tauhan (Inapan):

Ang mga tauhang nabanggit sa kwento ay ang ama at ang anak niyang lalaki. Nabanggit rin dito ang
tatlong pagkain. Ang carrot kung saan sa una ay matigas ngunit kapag may pagsubok ay lumalambot.
Ang itlog kung saan siya ay mabuti pero kapag may dumating na problema ay nagiging matigas. At ang
huli ang butil ng kape na matatag sa lahat ng pagkakataon

Paano hinabi ng manunulat ang bawat tauhan?


Paano hinabi ng manunulat ang bawat tauhan? Hinabi ng akda ang ama bilang isang tao
na nanghihikayat na magpatuloy ka sa iyong buhay. Ang lalaking anak hinabi niya ito
para sa mga tao na hindi konkento sa buhay.

Oo, ang lalaking anak na pagod na maging mahirap sa buhay, madalas tayo ay napapagod rin minsan sa
buhay pero kahit anong mangayri patuloy pa rin tayo sa buhay. At ang Ama na hindi nawawalan nang
pag-asa, meron talaga mga tao kahit gaano kahirap ang buhay hindi nawawalan ng pag-asa.

Sino at ano kaya ang sumisimbolo sa mga tauhan sa akda?

Ang sumisimbolo sa bawat tauhan sa kwento ay ang mga tao sa mundo, ang carrot ay sumisimbolo sa
mga tao na sinubok ngunit sa simula lang malakas. Ang itlog ay sumisimbolo sa mga tao na sa una lang
mabubuti ngunit pagkalipas ng panahon sila ay nagiging matigas. Sa Butil ng kape ay ang sumisimbolo ito
sa mga tao na matatag sa kahit anong pagsubok.

Tagpuan (Tiguelo):

KUSINA
Dito ipinaliwanag o tinanong ng ama ang kanyang anak kung ano siya sa tatlo na bagay. Kung
siya ay isang karot, Itlog o Butil ng kape.

Banghay (Tiguelo):

Naging maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda?


Oo, ito po ay maayos na pagkasunod-sunod na pangyayari, dahil na unawaan ko naman ang mga
nangyayari dito. Papunta sa simula ng kwento kung, gitna, at ang wakas nito.

Makatwiran at makatotohanan ba ang suliraning hinarap ng tauhan? May mga bahagi bang
hindi na resolba? Mayroon pa bang bahaging nangangailangan ng pagpapaliwanag?
Makatwiran at makatotohanan ang suliraning hinarap ng tauhan, dahil sa ating buhay lahat ng
tao ay may problema, mayroon kang pagpipilian o desisyon na dapat gawin, takasan mo ito o
maging matapang at harapin ito. Wala ng bahaging nangangailangan pa ipaliwanag, dahil nga
ipinaliwanag na sa atin ang kasukdulan o problema at kung paano natin ito haharapin.
Naging kapana-panabik ba ang kasukdulan?

Hindi naman gaano kapana-panabik ang kasukdulan ng mensahe ng Butil ng kape, dahil medyo
maikli lang ang kuwento, pinabasa o pinaliwanag lang saglit ng may akda kung ano-anong uri ng
mga tao kung ito ay may hinaharap na problema sa buhay. Pero mayroon ka talagang
makukuhang Mabuting aral at maaari mo itong ilapat sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Naging epektibo ba ang kakalasan ng Akda?


Oo, Hindi man naayos ang kapagodan ng anak pero epektibo ang kakalasan ng akda, dahil
ipinaliwanag o pinakita niya sa atin o sa anak ng ama na may mga tao na katulad ng carrot sa
una ay matigas ngunit kapag may pagsubok ay lumalambot, itlog kung saan siya ay mabuti pero
kapag may dumating na problema ay nagiging matigas at ang huli ang butil ng kape na matatag
sa lahat ng pagkakataon. At sa huling banda ng kwento binigyan niya ng lakas na gawin muli ang
kanyang pang-araw-araw na gawain at huwag madaling sumuko.

Nag-iwan ba ng kakintalan ang mensaheng taglay ng akda bago ito tuluyang nagwakas.

Oo, nag iwan ng kakintalan ang mensaheng taglay ng akda bago ito tuluyang nag wakas. Ang
mensaheng taglay ng akda ay kailangan mong labanan ang mga pagsubok na dumating sa buhay
mo, wag kang susuko agad sa mga hinarap mong problema, matuto tayong maghanap ng
solusyon. Dapat tayo ay maging matatag sa pagsubok sa buhay ay harapin ito.

Tema (Inapan):

Ang tema ng 'Ang minsahe ng butil ng kape' ay may moral itong paksa na nagbibigay aral sa
mambabasa, na wag susuko sa buhay at magiging matatag kahit anong hirap ang iyong
madatnan sa buhay. Na kailangan mong labanan ang mga pagsubok na dumating sa buhay mo.

Estilo ng Pagsulat (Inapan at Tiguelo):


Isang pamamaraan na epektibong ang ginagmit dito. Ito'y simple ngunit ang mga salita na
ginamit ng may akda ay malalim ang mga kahulugan. Gumagamit ito ng simboliko pangungusap
na tiyak. Na may makukuhang maganda aral.

You might also like