You are on page 1of 3

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


GUINAYANGAN, QUEZON

Filipino 9
Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang
Asya
Modyul 5

Pangalan:
Taon at Pangkat: 9-LOVE
Petsa:

MGA LAYUNIN
(OBJECTIVES / OUTCOMES / LEARNING OUTCOMES)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nasusuri ang mga kaisipang natagpuan sa akda
 Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano
 Nakapaglalahad ng pangangatwiran (debate

Panimula at Pagganyak/Hook
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Pagdarasal Espiritu Santo. Amen

Ama namin……

Ang buhay ay maiksi, ayon sa Santiago 4:14, “Ang buhay ay parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad
nawawala.” Naniniwala ka ba rito? Lagyan ng tsek ang iyong sagot. Oo , Hindi Puwede. Pagkatapos
sumulat ka ng tatlong bagay na sa iyong palagay ay pinakamagagandang nagawa mo sa loob ng maikling
panahon pa lamang ng iyong buhay. Isulat mo sa kahon sa ibaba.

Ako ay _______taong gulang

Pinakamagandang nagawa ko sa Pinakamagandang nagawa ko sa


aking buhay aking buhay

Pinakamagandang nagawa ko sa
aking buhay

1
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

LUNSURAN/ENGAGE
Sa nagdaang aralin ay ating tinalakay ang Tula at mga paksa nito. Ngayon naman ay ating talakayin ang
Pangangatwiran (debate). Simulan muna natin ang talakayan sa pagbasa ng sanaysay na may paksang Tatlong
mukha ng Kasamaan, na isinulat ni U NU at isinalin sa Filipino ni Gng. Salvacion M. Delas Alas, buksan mo
ang iyong aklat sa pahina 81-83.
Ngayong nabasa mo na ang sanaysay masasabi mo bang may tatlong mukha nga ang kasamaan? Tunay ngang
ang kasamaan ay nasa paligid lang, ngunit maaari natin itong mapaglabanan sa pamamagitan ng paggawa ng
kabutihan at pagtakwil anumang makapagdadala sa atin sa masama.

Ngayon naman ay buksan mo ang iyong aklat sa pahina 88-90 at tunghayan ang mga hakbang sa pakikipag
debate. Ngayon alam mo na ang debate ay ang pangangatwiran o pagpapahayag ng mga pangunahing layunin
ay magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan at ipatanggap ang katotohanang iyon sa nakikinig o
bumabasa.

GAWAIN/ACTIVITY

Gawain 1
Buksan mo ang iyong aklat sa pahina 85-86 at sagutin mo ang Sagutin Natin B.

A. Suriin ang mga nakatalang pahayag. Lagyan ng tsek (þ) ang mga kaisipang nakita sa akdang binasa o ng
ekis (ý) ang hindi.

1. _______ 6. ______
2. _______ 7. ______
3. _______ 8. ______
4. _______ 9. ______
5. _______ 10.______

Gawain 2
Malinaw na napalutang sa akda ang tatlong mukha ng kasamaan -- ang kasakiman , galit at kamangmangan sa
batas ng sandaigdigan. Bilang isang kabataang Asyanong naghahangad ng isang mapayapa at maunlad na
mundo ay iyong isulat sa talahanayan ang iyong sariling opinyon kung ano-ano ang mga dapat taglayin at hindi
dapat taglayin ng mga kabataang Asyanong tulad mo upang iyong maiwasan at maiwaksi ang tatlong mukha ng
kasamaan.

Tatlong Mukha ng Kasamaan Dapat taglayin ng mga Hindi dapat taglayin ng mga
kabataang Asyano upang kabataan upang maiwaksi o
maiwaksi o maiwasan ito maiwasan ito
Kasakiman

Galit

Kamangmangan sa Batas ng
Sandaigdigan

2
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

PAGNINILAY/REFLECTION
Sa iyong palagay, alin ang higit na makabubuti para sa tao ang maging mayaman o matalino?

PAGLALAPAT/TRANSFER
Ang magsisilbing transfer ninyo sa module na ito, ay ang transfer nyo sa Araling Panlipunan, upang mabawasan
ang inyong mga gawain. Siguruhin na hindi makakalimot gawin ang transfer sa Araling Panlipunan, sapagkat
dalawang performance ninyo ang magkakaron ng marka.

Sanggunian/References: Pinagyamang Pluma, pahina 77-96

Nagampanan mo ang iyong tungkulin sa modyul na ito.


Magkita-kita muli tayo sa susunod na modyul!

Ama. Maraming salamat po sa araw-araw na biyaya na


ibinibigay mo sa aming pamilya. Gabayan mo po nawa kami
lagi ingatan, at ilayo sa lahat ng uri ng kapahamakan. Salamat
po sa bawat araw na ginagabayan mo kami sa pagsasagot ng
aming modyul at patuloy mo po kaming gabayan. Amen

Lagda ng magulang

You might also like