You are on page 1of 51

PANALANGIN

Magandang Hapon!
Kumusta? 
LAYUNIN
Pagganyak (Motibisyunal)
Hulaan mo ako! (Aktiviti blg. 1)
Panuto: Huhulaan ng mag-aaral ang mga
halimbawa na nakikita sa TV monitor at pipiliin ang
tamang sagot gamit ang mga numero na nakikita sa
pisara na nakasulat sa manila paper. Limang sigundo
lamang sa bawat halimbawang huhulaan.
1. Kapag may isinuksok
may madudukot.
1 Salawikain
2. Butas ang bulsa-
Walang pera.
3 Sawikain/ Idyoma
3. Ang may malinis na
kalooban ay walang
kinatatakutan.
4 Kasabihan
4. Bahay ni Donya Ines,
napaliligiran ng butones.
2 Bugtong
5. Kung walang
tiyaka, walang nilaga.
1 Salawikain
(Aktiviti blg. 2)
PANUTO: Hahatiin ang klase sa apat na grupo
pagkatapos ay sasagutin ang mga halimbawa
na nakasulat sa isang bondpaper. Isang
minuto lamang sa bawat grupo ang ibibigay
para sagutin ang mga halimbawa pagkatapos
ay idikit sa pisara ang tamang sagot at ang
may pinaka maraming puntos ang siyang
mananalo.
Paano mo nasagot ang mga halimbawang
iyong nakita sa TV monitor?
Pagkatapos sagutin ang mga halimbawang
iyong nakita, ano sa tingin mo ang ating pag-
aaralan ngayon?
May alam ka bang mga karunungang-
bayan? Magbigay ng halimbawa.
(Karunungang
-bayan)
Karunungang bayan
- ay isang sangay ng
panitikan kung saan nagiging
daan upang maipahayag ang
mga kaisipan na nabibilang
sa bawat kultura ng tao.
 Salawikain
Salawikain
- isang patalinhagang pahayag
na ginagamit ng mga matatanda
noong unang panahon upang
mangaral at akayin ang mga
bata ng mabuting asal.
Mga halimbawa ng Salawikain:
 Kung ano ang puno,
siya ang bunga

Kapag may isinuksok
may madudukot
 Kung walang tiyaga,
walang nilaga
 Sawikain/Idyoma
Sawikain/Idyoma
- ay salita o grupo ng mga
salitang patalinhaga ang mga
gamit. Ito ay nagbibigay ng di-
tuwirang kahulugan.
Mga halimbawa ng Sawikain:
Halimbawa Kahulugan
Butas ang bulsa Walang pera

Makapal ang Masipag


palad
Pag-iisang dibdib Kasal
 Kasabihan
Kasabihan
-ito ay may tugmang sinasambit ng
bata at matatanda. Karaniwang
ginagamit sa panunukso o pagpuan
sa kilos ng isang tao.
Mga halimbawa ng Kasabihan:
 Ang may malinis na kalooban
ay walang kinatatakutan.
Ang kalahating kasinungalingan
at kalahating katotohanan ay buo
parin na kasalanan
Ang kalinisan ay tanda
ng kasipagan
 Bugtong
Bugtong
-Pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binubuo ng isa o
dalawang taludtod na maikli at
may sukat at tugma.
Mga halimbawa ng Bugtong:
Bugtong- Bugtong Sagot
Tumingin ka saakin, Salamin
ang makikita mo’y
ikaw din.
Bahay ni Donya Ines, Atis
napaliligiran ng
butones
Ito namang pinsan Pako
ko, saka lang kikilos
kung pinapalo
(Aktiviti blg. 3)
PANUTO: Manatili sa dating grupo, gumawa ng
mga halimbawa ng karunungang-bayan na
may kaugnayan ang kaisipan nito sa tunay na
buhay sa kasalukuyan.Tatlong minuto lamang
ang ibibigay sa bawat grupo, pagkatapos ay
idikit sa pisara ang natapos na gawain.
Pangkatang Gawain:
Pangkat Salawikain
 Gumawa ng isang Salawikain na may kaugnay ang kaisipan nito sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
Pangkat Sawikain
 Magtala ng dalawang Sawikain at iugnay ang kaisipan nito sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Pangkat Bugtong
 Gumawa ng tatlong Bugtong na may kaugnayan sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Pangkat Kasabihan
 Gumawa ng isang Kasabihan na may kaugnayan ang kaisipan nito sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
Pamprosesong Tanong:
 Ano- ano ang mga itinuturing na
karunungang- bayan sa panitikang
Pilipino? Isa-isahin ang mga ito.
Bakit mahalaga ang mga nasabing
karunungang- bayan sa pag-aaral
ng kulturang Pilipino?
 Bilang kabataan at kasapi ng
lipunan, ano ang iyong misyon para
mapahalagahan ang kayamang iniwan
sa atin ng ating mga ninuno?

Naririnig mo pa bang ginagamit
ang mga ito sa kasalukuyan?
Pagtataya:
PANUTO: Basahin at suriin ang mga sumusunod na karunungang-bayan. Isulat sa
patlang ang kung ito ay salawikain, kung sawikain, kung bugtong, at kung
ito ay kasabihan.

_______1.
May puno walang bunga, may dahon walang sanga
______2. Kung walang tiyaga, walang nilaga
______3. Amoy Pinipig= Mabango
______4. Kabiyak ng Dibdib= Asawa
______5. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang
______6. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo
______7. Butas ang Bulsa= Walang pera
______8. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin
______9. Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay
______10. Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang
tuloy.
Pagtataya:
PANUTO: Basahin at suriin ang mga sumusunod na karunungang-bayan. Isulat sa
patlang ang kung ito ay salawikain, kung sawikain, kung bugtong, at kung
ito ay kasabihan.

_______1.
May puno walang bunga, may dahon walang sanga
______2. Kung walang tiyaga, walang nilaga
______3. Amoy Pinipig= Mabango
______4. Kabiyak ng Dibdib= Asawa
______5. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang
______6. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo
______7. Butas ang Bulsa= Walang pera
______8. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin
______9. Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay
______10. Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang
tuloy.
TAKDANG - ARALIN:
Panuto: Magtanong sa mga matatanda sa inyong lugar ng mga halimbawa ng
karunungang-bayan na alam nila. Gawing gabay ang graphic organizer.

Mga karunungang-bayan

Salawikain Sawikain Kasabihan Bugtong

Kaugnayan ng mga Kaisipan nito sa tunay na buhay sa kasalukuyan.


Salamat sa
pakikinig!
Hanggang sa muli!

You might also like