You are on page 1of 17

10

Filipino
Kwarter 1- Modyul 7
Katotohanan, Kabutihan at
Kagandahang-asal
Filipino – Baitang 10
Kwarter 1 - Modyul 3: Katotohanan, Kabutihan at Kagandahang-asal

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Mark Jon-Jon F. Navida


Editor: Sonny A. Taugan
Tagasuri: Nora J. Laguda
Tagaguhit: John Ervin Babor
Tagalapat: Jaycel P. Laurente; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno.
Sige, simulan na natin!

ii
Magandang araw, Kaibigan!
Kumusta ka na?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Naniniwala ka ba sa mga sabi-sabi? Kung gano’n tara
Suriin natin kung may katotohanan nga ang ilan sa mga ito.
Halika! umpisahan na natin.

P animula

Ang talinhaga o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang


hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa salitang Ingles na parable
na nanggaling naman sa Griyegong parabole na ang ibig sabihin ay maiksing
sanaysay tungkol sa buhay na maaaring mangyari o nangyayari na kung saan
nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang-asal na magiging gabay ng isang taong
nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
Ang parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang panyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Isang katangian nito ang pagiging
isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isangbagay
ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinhaga nasa Bibliya ay mga kuwentong
sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng kaharian ng Diyos.

L ayunin

Sa modyul na ito, inaasahan na nasusuri mo ang tiyak na


bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal

1
T alasalitaan

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit
mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakayan
tungkol sa ating paksa.

PARABULA
-ay maikling maikling salaysay na nagtuturo ng
kinikilalang pamantayang moral na karaniwang
batayan ng mga kuwento ay nasa banal na
kasulatan

KATOTOHANAN KAGANDAHANG ASAL


-pagpapalagay na kaisa ng -ito ang paggalang sa kapuwa at
katunayan o realidad pinapahalagahan ang
-isang bagay, konsepto o nararamdaman ng iba (Emily Post)
kasabihan na tiyak o tama na
hindi mapagtatanungan

KABUTIHAN
-hango sa salitang-ugat na buti na
nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan at
kabaitan
-pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag-
iisp, damdamin at gawa ng tao hababng
namumuhay ito nang matiwasay

2
P animulang
agsubok

Sa bilang na 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinakamataas, ano kayang


marka ang ibibigay mo bilang isang mabuting anak at paano mo ipinakikita ang
pagiging totoo, mabuti at may kagandahang-asal?

Guhitan ng pulang kulay ang bilang na katapat ng ipinagpapalagay mong


markang aangkop sa iyo bilang isang mabuting kabataan.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Bakit ito ang ibinigay mong marka sa iyong sarili? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Binabati kita!

Nasagutan mo ang panimulang


pagsubok!

Basahin at Unawain ang teksto na nasa ibaba.


MENSAHE NG BUTIL NG KAPE
“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang
anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

3
Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang
buhaydahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama
ang anak at tinawag niya papunta sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang
narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila
angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok,
inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng
kape ang inilahok.
“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking
inilahok?” tanong ng ama.
“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.
Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang
anak sa mga palayok.
“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.
“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin
ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas
na ito dahil sa pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.
“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.
Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at
butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok
sa kumukulong tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog
na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging
matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa
kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na
magpapatingkad dito.
“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas
ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw
ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.
“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok
ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay
nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang
itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit
kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay
nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa
nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa
kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay
at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

4
“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok.
Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,”
dagdag na paliwanag ng ama.
“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay
sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang
maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha
ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?
“Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape...” katulad mo
mahal na ama.
-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Itiman ang angkop na bilog.

Nauunawaan ko ang binasang teksto.


o Oo
o Medyo
o Hindi

Yehey! Masaya akong malaman na pagkatapos mong basahin ang mahahalagang


impormasyon sa aralin ay naging malinaw sa iyo ang konsepto ng karunungang bayan.

Iba ka talaga! Pinabilib mo ko !

Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

5
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

P agsasanay 1

BINASA KO, NAUNAWAAN KO!


Panuto: Sagutin ang mga tanong

1. Ano ang pakay ng ama sa ginawang iyon sa kaniyang anak?


2. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok
sa kumukulong tubig.
3. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging
reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?
4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
5. Paano ipinakita ng ama ang pagiging totoo, mabuti at may magandang-asal sa
anak?
6. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng
maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinahaharap? Patunayan?

Dahil madali mo
lang nasagutan ang
unang pagsasanay,
heto pa ang isa
pang gawaing

P agsasanay 2
magpapatibay ng
iyong kaalaman.

Panuto: Iugnay mo sa buhay mo ang mga larawang nasa ibaba?

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___

6
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___
http://www.clker.com/cliparts/2/2
/e/9/1194986293620936997egg_

____________________________________________________
____________________________________________________
mateya_01.svg.med.png

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Isang pagsasanay na lang upang lubos ang pagtamo ng ating layunin.


Iuugnay mo naman mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

7
P agsasanay 3

Basahin muli ang teskto at itala sa talahanayan ang bahaging para


saiyo ay naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal ng
isang tao.
Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal

Isang pagsasanay na lang upang lubos ang


pagtamo ng ating layunin.

Lodi na kita! Natapos mo ang mga pagsasanay

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

8
P angwakas na
agsubok

Panuto. Basahin ang parabula at suriin ang mga pahayag na


nagsasaad ng katotohanan,kabutihan at kagandahang-asal. Sundin ang
grapikong presentasyon na nasa ibaba.
PARABULA NG LAPIS
Halaw

Isang araw, bago ilagay ng tagagawa ng lapis sa kahon ang isang lapis,
inilagay niya muna ito sa tabi.
“May limang bagay kang dapat tandaan,” sabi niya sa lapis, “bago kita ipadala
sa mundo, lagi mong tatandaan ang mga bagay na sasabihin ko sa iyo at ikaw ay
magiging pinakamahusay na lapis.
“Una: ikaw ay makagagawa ng maraming bagay kung hahayaan mong ikaw ay
nasa kamay ng tao.
“Pangalawa: ikaw ay makararanas ng masasakit na pagtatasa; ito ay upang
gawin kang maging isang mas mahusay na lapis.
“Pangatlo: maaari mong itama ang mga maling iyong magagawa.
“Pang-apat: ang pinakamahalagang bahagi mo ay laging nasa loob.
“Panglima: kailangan mong mag-iwan ng bakas kung saan ka man gagamitin.
Anuman ang mangyari, ikaw ay dapat na magpatuloy sa pagsulat.”
Naunawaan ng lapis ang sinabi ng maygawa sa kanya at nangakong hindi niya
ito kalilimutan. Pumasok siya sa kahon kasama ang layunin sa kanyang puso.

KABUTIHAN KATOTOHANAN

KAGANDAHANG-ASAL

9
Karagdagang
Gawain 1
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Panuto: Kapanayamin o magpakuwento sa inyong magulang tungkol sa


paborito nilang parabula at itala sa inyong kuwaderno ang mga pahayag na
sa tingin ninyo ay nabibilang sa kabutihan, katotohanan at kagandahang-
asal. Sundin ang dayagram na nasa ibaba.

______________
PAMAGAT NG KAGANDAHANG-
KATOTOHANAN PARABULA ASAL

KABUTIHAN

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

10
usi sa

P agwawasto
Panimulang Pagsubok
Subhetibo ang sagot

Pagsasanay 1 (Subhetibo ang sagot)


1. Ang pakay nang ama sa anak kung bakit naipaliwanag niya iyon sa kaniyang anak
ay upang maipamulat ang katotohanan sa likod ng mapanghamong buhay.
Maipamulat sa kaniyang anak na sa buhay nang tao ay punong-puno ng pagsubok
at bawat pagsubok ay kailangang mapagtagumpayan.
2. Ang carrot ay lumambot samantalang ang itlog ay buo at matigas matapos
mabalatan at ang butil ng kape ay natunaw.
3. Ang bawat tao ay may iba’t ibang reaksiyon sa mga pagsubok na kanilang
kinahaharap. May mga nagmimistulang itlog na dati’y mayroong matigas at
matibay sa panlabas at malambot na panloob ngunit ang panloob ay nagiging
matigas matapos ang isang pagsubok. May mga indibidwal din na katulad ng isang
carrots na kapag wala pang problema o suliranin sa buhay ay matigas ang
kalooban ngunit kung dumating man ang problema ay nagiging malambot na wari
mo’y nawawalan ng pag-asa. Ngunit, ang iba naman ay mistulang kape; lumalabas
ang mabangong amoy at magandang kulay matapos ang pagsubok dahil ang
pagsubok na ito ang nagpapatatag sa kaniya at hindi niya sinusukaan ang
problema bagkus ito’y kaniyang binibigyan ng solusyon.
4. Kung ako ang anak, haharapin ko nang buong tapang ang suliranin sa buhay at
pagsusumikapan kung makaahon sa hirap.
5. Naging mabisa ang representasyon ng ama upang maipaliwanag sa kaniyang
anak dahil napagtanto ng kaniyang anak ang mga dapat gawin sa buhay kung may
mga suliraning kahaharapin. At mas lalong kinakitaan ng ama ang kaniyang anak
ng determinasyon upang makaahon sa kahirapang kanilang dinaranas.
Pagsasanay 2
Subhetibo ang sagot

Pagsasanay 3
(Hindi lahat inilagay ang sagot, ngunit ito’y makikita sa parabula)
Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal
o Ang pagbubungkal o Ang pagbibigay ng o Ang hindi pagsuko
ng lupa ng isang payo ng isang sa anumang
magsasaka magulang sa anak pagsubok na
o Pagmamaktol ng kinakaharap
isang anak sa o Ang pagsunod sa
kahirapang magulang
dinaranas
o Bawat indibidwal ay
may suliraninng
kinakaharap

11
Pangwakas na pagsubok
Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal
o ikaw ay maaari mong itama ang ang pinakamahalagang
makagagawa ng mga maling iyong bahagi mo ay laging nasa
maraming bagay magagawa. loob.
kung hahayaan
mong ikaw ay nasa
kamay ng tao.
o ikaw ay
makararanas ng
masasakit na
pagtatasa; ito ay
upang gawin kang
maging isang mas
mahusay na lapis.
o kailangan mong
mag-iwan ng bakas
kung saan ka man
gagamitin.

Karagdagang Gawain
Lahat na maaaring sagot ay tama

12
Peña, Estrella, et.al. (2016) Kanlungan 10 Ikalawang Edisyon (Batayan at
Sanayang Aklat sa Pag-aaral ng WIka at Panitikang Filipino batay sa Bagong K-
12 Kurikulum). ELP CAMPUS JOPURNAL PRINTING: Resedencias Condominium
Inc. Bldg.2 Unit 121, Jesus St., Pandacan Manila, Philippines, 36
Ambat, Vilma, et.al. (2015) Filipino-Ikasampung Baitang Modyul para sa
Mag-aaral. Vibal Group Inc. Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS)
http://www.clker.com/clipart-coffee-bean-8-html

http://www.clker.com/clipart-4096

http://www.clker.com/cliparts/2/2/e/9/1194986293620936997egg_mateya_01.
svg.med.png

13
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

14

You might also like