You are on page 1of 1

REFLECTION

Ang mga hamon natin sa buhay ang nagbibigay sa atin ng tatag na humarap sa anumang
pagsubok na ating nararanasan buhay. Kaya naman kung magpapadala tayo sa pahirap nito'y
malulugmok tayo at hindi makakausad. Kinakailangan ang sipag at determinasyon upang
makaahon sa sitwasyong ibinigay saatin ng panahon.
Isa sa hinagangaan kong kuwento na talaga namang nagbigay ng magandang aral sa akin ay ang
Mensahe ng Butil ng Kape, The story of a Carrot, Egg and a Coffee Bean. Dito'y talaga namang
namulat ako sa iba't ibang uri ng pagharap ng mga tao sa bawat pagsubok na kanilang
nararanasan sa pamamagitan ng karot itlog at butil ng kape ay naintindihan ko ang kabuluhan ng
mga pagsubok sa buhay. Nakasaad sa kuwento na kapag inilagay ang karot sa kumukulong
tubig, ito ay malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina. Ang
nangyayari namansa itlog ay ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan sa puso subalit
nabago ng init ng kumukulong tubig at nagpapaalaala na minsan may mga taong sa una’y may
mabuting puso subalit kapag dumaan na ang sigalot ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang
hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. At sa butil naman ng kape ay nakapagpapabago sa
kumukulong tubig, nadagdagan ang kulay at bango na sumisimbolo na ikaw mismo ang
nagpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo, lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng
magagandang pangyayari. Kaya’t kung papipiliin ako, nais kong maging isang butil ng kape,
sapagkat ang mga pagsubok na nararanasan ko sa buhay ay gagawin kong inspirasyon na
magpatuloy lamang, hindi ako mababago ng pagsubok sa maling paraan, kundi ang mga paraan
ko kung pano ko ito haharapin at magagamit ang mga aral na aking natutunan upang mabago ko
ang aking buhay pati narin ang buhay ng iba. Gagawin kong magandang modelo ang aking mga
naranasan upang magbigay ng positibong enerhiya at pananaw sa akin at pati na rin sa mga taong
nasa paligid ko.

You might also like