You are on page 1of 1

Mensahe ng Butil ng Kape

"The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean"


(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
Habang ang mag-ama ay abala sa pagbubukid ay narinig ng haligi ng tahanan ang
bulalas na reklamo ng kanyang anak na lalaki. Walang salitang pinalapit niya ang
kanyang anak sa kanya sabay salang ng tatlong palayok na may tubig. Nang kumulo ang
laman ay inilagay na niya ang karot sa unang palayok, itlog sa ikalawa at butil ng
kape sa huling palayok. Makaraan ng dalawang minuto, hinango niya ang mga palayok
at ipinaobserba sa kanyang anak ang naging anyo ng bawat bagay na kanyang inilagay
sa kumukulong tubig. Inihalintulad ng ama sa unos, problema at pasakit ang
tubig sa palayok. Ang karot, itlog at butil ng kape sa mga tao at kung paano nila
harapin ang mga dagok sa buhay. Kung ang iyong sarili ay ihahalintulad mo sa karot,
sa una ikaw ay matatag, matigas subalit ng suungin na ng problema ay bibigay tulad
nito na lumambot matapos pakuluan. Itlog na may puting balat na sa simula ay mabuti
subali ng kumulo ay tumigas ang loob, hindi marunong magpatawad. Ang butil ng kape
nang mapakuluan ay siyang nagbigay kulay at lasa sa tubig. Kung sa buhay ay
ihahambing, ito'y tila isang tao na handang humarap sa problema at maging matatag
sa bawat unos ng buhay. Higit sa lahat ay ikaw mismo ang magbibigay at magdadala ng
pagbabago sa iyong paligid.
Pinapili ng ama ang kanyang anak na lalaki kung alin siya sa tatlo at naisip
ng binatilyo na siya at kawangis ng butil ng kape katulad ng kanyang mahal na ama.
Wakas..

You might also like