You are on page 1of 2

PARABULA NG BUTIL NG KAPE

Magandang hapon sa ating lahat. Bago natin pakinggan ang mga paksang inihanda ng aking mga
kasamahan sa hapon ito ay nais ko munang magbahagi ng konting butil ng karunungan para sa
ating lahat. Sa kasalukuyan ay nagtuturo ako ng Filipino sa ika-sampung baiting at may isang
kuwento na naibahagi ko sa aking mga mag- aaral sa Grade 10 na sa tingin ko ay may mapupulot
tayong lahat. Ito ay tungkol sa magkakaiba nating mga tugon sa mga suliranin o konting mga
hidwaang nakahaharap natin sa araw- araw.
Sa larangan ng pagtuturo kung saan kinakailangan nating intindihin ang dalawang bahagi ng
isang barya, sa larangang ito kung saan halos lahat ay may sariling kuwentong maibabahagi,
kung saan ang sarili nating pananaw sa mga bagay bagay ay siyang totoo para sa atin, I found
this an appropriate topic.
Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa magsasaka, narining niyng nagmamaktol ang
kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binanggit ng kanyang anak ang hirap at pagod na
nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon sa anak, ramdam niya na hindi
makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon,
tiningnan ng ama ang anak at dinala ito sa kusina. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig
at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa oras na iyon hanggang sa
kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang CARROT. Sa pangalawa naman ay
ITLOG. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.
“Sa tingin mo, ano ang mangyayari sa CARROT, ITLOG, at Butil ng Kape?
“Maluluto?” kibit- balikat na tugon ng anak.
Makalipas ang dalawampung minuto ay inalis ng ama ang mga baga at kinuha mula sa palayok
ang Carrot, ang Itlog, ang butil ng kape.
“Damhin mo ang mga ito, ano ang iyong mapapansin?”
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng kanyang ama na kunin
ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin nya na buo at matigas na ito dahil
sa pagkakalaga. Kasunod niyang hinigop ang tubig na pinaglagaan ng kape. Napansin niyang
naging malasa ito.
Nagsimulang magpaliwanag ang ama na ang lahat ng mga bagay na inilaga ay pare- parehong
kinaharap ang tubig ngunit iba- iba ang naging reaksyon. Ang carrot na sa una ay matigas,
malakas at tila hindi matitinag na matapos mailahok sa kumukulong tubig ay lumambot at
nanghina. Ang itlog na dati ay likido ang nilalaman ay naging matigas matapos pakuluan.
Samantalang ang butil ng kape ay natunaw matapos pakuluan ay natunaw ngunit kapalit nito ay
karagdagang sangkap nga nakapagpatingkad nito at nakapagpabago sa tubig.
“Alin ka sa kanila?” Tanong ng ama. “ Ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw
ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?

Isipin natin, Saan ka sa tatlong ito?


Ikaw ba ay carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O
kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso ngunit
dahil sa kumukulong tubig ay naging matigas ang kalooban? O ikaw kaya ay butil ng kape na
nakapagpabago sa kumukulo tubig? Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging
matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari
sa iyong paligid.
Bilang mga guro may kinakaharap na pagsubok araw- araw maaring sa personal na buhay man
o sa trabaho, paano natin hinaharap ang mga suliranin sa buhay? Tayo ba sumusunod lamang
sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap ba tayong maging matatag sa harap ng
mga pagsubok. Gayundin, patuloy ba tayong lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng mga
hindi magagandang pangyayari?
Sa ating lahat, nawa’y isaisip natin na hindi masama ang panghinaan ng loob. Manatili tayong
maging matatag sa bawat pagsubok at nawa’y lahat tayo ay maging mga butil ng kape na
nagdudulot ng positibong mga bagay sa ating paligid, sa ating mga mag- aaral, at sa mga taong
nakapaligid sa atin.
MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.

You might also like