You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
Sangay ng Aklan
Purok ng Batan
Mandong Integrated School
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Ikasampung Baitang

Kasanayang Pampagkatuto

A. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na


naglalahad ng katotohan, kabutihan at kagandahang asal
(F10PN-lb-c-63)
I. Mga Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naiuugnay ang mga pangyayari sa tunay na buhay ayon sa
kwentong napanood
b. Naiisa-isa ang mga katangian ng mga ipinakitang
bagay;at
c. Natutukoy ang mga tauhan sa kwento
II. Paksang-Aralin:
 Paksa: Ang Mensahe ng Butil ng Kape
 Sanggunian: Panitikang Pandaigdig nina Vilma C. Ambat et.
Al, pp. 50-52
 Kagamitan: Projector at mga pantulong biswal
Pagpapahalaga: Maging matatag sa oras ng pagsubok
III. Pamamaraan:

Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Tumayo muna ang lahat at tayo ay Opo sir (Sa ngalan ng ama, ng anak,
manalangin. Pakipangunahan mo Kenth. at ispirito santo…… Amen)

Magandang hapon/umaga sa inyo.


Magandang umaga/hapon din po Sir.

Mayroon bang liban sa klase? Wala po sir.

Mahusay! Bago tayo pumalaot sa ating


bagong aralin, atin munang balikan ang Tungkol po sa parabula.
ating tinalakay noong nakaraang araw.
Patungkol saan ito?
Ano ang parabula? Ang parabula ay isang kwento na
hango sa banal na aklat o Biblya.
Ito ang tawag sa mga kwentong
ginamit ng ating Panginoon sa
kaniyang pangangaral.

Mahusay! Mayroon pa ba? Ito rin po ay nagmula sa salitang


Griyego na “parabole” na
nangangahulugang paghahambing
upang makita ang pagkakaiba at
pagkakatulad.

Ano ano naman ang elemento ng


parabula? Ang mga elemento ng parabula ay ang
tauhan, tagpuan, banghay, gintong
aral, at kaisipan.

B. Pangganyak
Bago ang lahat magkakaroon tayo ng Handa na po.
gawain. May ipakikita ako sa inyong
bagay na bibigyan ninyo ng mga
katangian. Handa na ba kayo?

Anong bagay ang hawak ko ngayon?


Ito po ay isang nilagang itlog.

Magaling! Ano ang masasabi ninyo Ito po ay kulay puti at dilaw ang
tungkol dito? nasa loob.

Masustansiya rin po ito at


kadalasang ulam lalo na sa agahan.

Ang nais ko po ay sunny side-up.


Tama! Anong luto ang nais ninyo sa
itlog? Ang gusto ko po naman ay scrambled.

Ang akin naman po ay nilaga.

Mahusay! Ano naman ang hawak ko Ito po ay butil ng kape.


ngayon?
Ang kape po ay kulay itim at
mapait. Kulay lunti kung hindi
hinog na bunga na nagiging pula pag
Mahusay! Ano naman ang masasabi ninyo
sa kape? nahinog.

Iyan po ay isang carrot.


Magaling! Ang hawak ko naman ngayon
ay?

Ang karot po ay kulay kahel.


Magaling! Ano ang masasabi ninyo sa
karot?
Sa tingin po namin ang ating
talakayan ngayon ay may kinalaman
Mahusay! Ngayon, sa tingin ninyo, sa carrot, itlog, at butil ng kape
tungkol saan ang ating tatalakayin
po.
ngayong araw?

C. Paglalahad ng Bagong Aralin


Sa hapong/umagang ito ay tatalakayin
natin ang isang parabula.

Makinig kayong mabuti dahil pagkatapos


ng talakayan kayo ay inaasahang:
Maiuugnay ang mga pangyayari sa tunay
na buhay ayon sa kwentong napanood;
Naiisa-isa ang mga katangian ng mga
ipinakitang bagay;at;at natutukoy ang
mga tauhan sa kwento
Maliwanag ba sa lahat? Opo sir.

D. Pagtalakay
Ngayon, may ipakikita akong bidyu sa
inyu. Ngunit bago iyon ay may mga
dapat tayong isaalang-alang kapag tayo
ay nanonood at nakikinig.
Mag-isip
(May ipapabasa sa mga mag-aaral) Makinig
Magpahayag

Ang tatlong iyan ang dapat isaalang-


alang ninyo kapag kayo ay nanonood
mag-isip, makinig, upang
makapagpahayag.
(Ipanonood ang video)
Ang Mensahe ng Butil ng Kape.
Ano ang pamagat ng kwentong napanood?

Sino-sino ang mga pangunahing tauhan Ang mga pangunahing tauhan sa


sa kwento? kwento ay ang ama at ang kanyang
anak.

Pagkatapos mapakinggan at mapanood


Ano ang naramdaman ninyo matapos ang kwento aking napagtanto na sa
mapanood at mapakinggan ang kwento? pagharap ng mga hamon sa buhay
dapat lagi tayong maging matatag.

Nang araw na iyon, ano ang ginagawa ng Ayon sa kwento, nang araw na iyon
mag-ama? ang ginawa ng mag-ama ay
nagbubungkal ng lupa.

Habang nagbubungkal ng lupa, ano ang Habang nagbubungkal ng lupa, ang


ginagawa ng kanyang anak? Bakit? ginagawa ng anak ay nagmamaktol
dahil sa hirap at pagod na
nararanasan niya sa pagsasaka at
pagbubungkal ng bukirin araw-araw.
Nang marinig ng kanyang ama ang sinabi Ang ama ay nagsalang ng tatlong
ng kanyang anak ay tinawag niya ito at palayok na may tubig at inilagay sa
dinala sa kusina. Ano ang ginawa nila kalan at hinayaang kumulo.
sa kusina?
Ang tatlong bagay na inihalo o
Nang kumulo ang tubig na isinalang ng inilakip ng ama sa palayok ay
kanyang ama, ano ang tatlong bagay na itlog, carrot, at butil ng kape.
inilagay niya rito?
Ano ang nangyari sa karots, itlog, at Ang nangyari matapos iligay sa
butil ng kape nang ilagay sa kumukulong tubig ang carrot, itlog,
kumukulong tubig? at butil ng kape ay naluto ang mga
ito at nag-iba ang kanilang mga
katangian.
Ang karots, itlog, at butil ng kape ay
Nang ilagay ang carrot sa
pare-parehong inilagay sa kumukulong
kumukulong tubig ito ay lumambot
tubig. Subalit iba-iba ang mga naging
mula sa kanyang matigas na
reaskyon ng mga nito. Una, ang karot,
kaanyuan nang hindi pa siya
ano ang nangyari rito nang inilagay sa
naihulog sa kumukulong tubig.
kumukong tubig?
Ano naman ang nangyari sa itlog ng
ilagay sa kumukulong tubig? Ang nangyari naman sa itlog ay
naging matigas ito mula sa malambot
at babasaging kaanyuan.
Samantala, ano naman ang kinalabasan
ng butil ng kape ng ito’y inilagay sa Ang nangyari naman sa kape nang
kumukulong tubig? inilakip ito sa kumukulong tubig ay
nalusaw at nagkaroon ng ibang kulay
ang tubig.
Sa anong bagay o pangyayari
inihalintulad ng ama ang kumukulong Ang kumukulong tubig ay
tubig? Bakit? inihalintulad ng ama sa isang
problema o hamon sa buhay.
Kapag ang mga pagsubok ay dumating sa
ating pintuan o buhay, paano kayo Para po sa akin, ako po ay magiging
tutugon? Ikaw ba ay magiging karot, na isang butil ng kape dahil kagaya ng
sa una lang malakas subalit nang butil ng kape dapat tayong maging
dumating ang pagsubok naging mahina? O matatag sa hamon ng buhay. Kahit na
kaya’y maging itlog na ang balat ay tayo’y nasa karimlan lagging
nagpapakita ng kabutihan ng puso tatandaan na may liwanag na nag-
subalit nagbago dahil sa init ng aantay. Ika nga pagkatapos ng unos
kumukulong tubig? O kaya’y magiging mayroong bahaghari.
butil ng kape na nakapagpabago sa
kulay ng kumukulong tubig.
Sa huling bahagi ng kwento ano ang
pinili ng anak sa tatlo carrot, itlog, Ang pinili ng anak pagkatapos ng
o butil ng kape? kwento ay butil ng kape.

Bakit butil ng kape ang pinili ng


anak? Butil ng kape dahil napagtanto
niyang kahit mahirap ang kanyang
ginagawa sa pang-araw-araw sa huli
ito ay magbubunga ng maganda. Ang
tanging hamon lamang sa kanyang
buhay ay pagbubungkal ng lupa at
pagsasaka upang siya’y maging
matatag.
E. Paglalahat
Tungkol saan ang tinalakay ngayong Ang tinalakay natin ngayong araw ay
araw? tungkol sa Mensahe ng Butil ng
Kape.

Ano ang tatlong bagay na inihalintulad Ang tatlong bagay na inihalintulad


sa buhay ng tao? sa buhay ng tao ay ang carrot,
butil ng kape, at itlog.

Kung kayo ang tatanungin, alin kayo sa Kung ako po ang tatanungin ako po
tatlo carrot, itlog, o butil ng kape? ay magiging butil ng kape dahil
Bakit? nais kong maging matatag sa hamon
ng buhay.
Ano ano ang natutunan ninyo sa kwento? Ang natutunan ko po sa kwento ay
manatiling matatag kahit na marami
ang problema.
Lagi ninyong tatandaan na niloob ng
Diyos na maranasan natin ang maraming
pagsubok sa buhay; ang mawalan,
masaktan, mabigo, mapahiya, magalit,
magkamali,magkasala. Hindi upang
wasakin ang buhay na kaloob sa atin,
kundi ang matutunan natin ang
mapagpakumbaba, mapagpatawad, umunawa,
magbigay, magmalaksakit, at magmahal
nang lubos. At sa bawat pagsubok na
ating napagtatagumpayan, kaloob nito
ang ibayong sigla at pag-asa upang
harapin ang hamon ng bukas.

F. Paglalapat
Pangkatang Gawain: Dulaan (Magsasadula ang mga mag-aaral)
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat.
Pagkatapos ay magsasagawa sila ng
isang maikling dulaan na nagpapakita
ng katangian ng kanilang napiling
tauhan.
Pangkat 1: Carrot
Pangkat 2: Itlog
Pangkat 3: Butil ng Kape

G. Pagpapahalaga/ Value Focus


Gawain: Sino Ako?
Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo
na may kaugnayan sa nagging kalagayan
ng mga tauhan sa binasang kwento.
Magtala ng natutuhang mensahe sa
pangyayari sa buhay. Gamitin ang
kasunod na grapikong presentasyon sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari.
Ako Bilang... Ako Bilang...
Butil ng Kape
Carrot Itlog Ako ay
Butil ng Competitive naging butil
Carrot Itlog akong tao ng kape dahil
Kape pagdating sa kahit anong
Pangyayari Pangyayri Pangyayari akademikong hirap na
gawain ngunit Mabait akong aking
isang araw ako'y tao ngunit pinagdaanan
napagsabihan nagbago ito ngayon sa
na mali ang nung ginawan aking pag-
Mensahe aking gramatika ako ng aaral ako pa
ako'y nanghina masamang rin ay
at nawalan na kwento ng aking pursigido
ng gana . matalik na upang
kaibigan makapagtapo
s.

Dumaan man tayo sa maraming hamon, tayo


man ay sukatin ng panahon gawin itong
motibasyon upang pagbutihin upang makamit
natin ang ating ninanais na magandang buhay

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang wastong
sagot.

_______1. Kwentong hango sa bibliya. Mga sagot:


1. Parabula
_______2. Tauhang naging matigas, 2. Carrot
kalaunan nagging malambot. 3. Butil ng kape
4. Anak
_______3. Tauhang habang tumatatagal 5. Itlog
ay nagbibigay kulay sa buhay.

_______4. Narinig ng ama na


nagmamaktol.

_______5. Tauhan sa kahulu-hulihan ay


naging matigas.

IV. Takdang-Aralin
Para sa inyong takdang aralin, sumulat ng isang sanaysay tungkol
sa anumang paksa. Gumamit ng angkop na mga salitang naglalarawan.
Isulat ito sa isang buong papel at ipasa sa susunod na Lunes.
Antas ng Kasanayan

Disisyong Instruksyonal

Inihanda ni:

JOHN PAUL M. PATRICIO


Gurong Mag-aaral

Binigyan pansin ni:

JANE BELYN L. DE PEDRO


Gurong Tagapamatnubay

Pinagtibay ni:

ELMER N. DALIDA
ESHT-III

You might also like