You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


The Premier University in Zamboanga del Norte
Gov. Guading Adaza St., Sta. Cruz, Dapitan City Registration No.
62Q17082
Province of Zamboanga del Norte

COLLEGE OF EDUCATION

SCHOOL : Jose Rizal Memorial State University GRADE LEVEL :1


GURO : THERESE CARMEL R. BARBASO LEARNING AREA : Filipino
DATE & TIME : November 20, 2021 @ 9:00 AM QUARTER : ikalawa

I. LAYUNIN
A. Pamantayanng Nilalaman
Inaasahan na sa dulo ng araling ito, ang mga mag-aaral ay marunong ng magbilang at
magpantig ng mga salita.
B.Pamantayan sa Pagganap
Inaasahan na sa dulo ng araling ito, ang mga mag-aaral ay marunong ng magbilang at
magpantig ng mga salita.
C.Kasanaayan sa Pagkatuto
Nabibilang ang pantig sa isang salita(F1KP-Iie-4)

D. Mga Tiyak na Layunin


Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay kinakailangang:
1. Marunong ng magpantig ng salita.
2. Marunong ng magbilang ng bawat pantig sa isang salita.

II. NILALAMAN
Pagbibigay ng mga pantig sa isang salita.

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro -
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral -
3. Karagdagang Kagamitan mula sa LR Portal - None

B. Iba pang Kagamitang Panturo


- Laptop, Printed materials, Pictures, Scatch tape, marker.

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula, inaanyayahan
ko kayong lahat na tumayo para sa ating
panalangin, Shandara, pangunahan mo
ang ating panalangin para sa araw na ito
Opo ma’am, sa ngalan ng Ama ng Anak at
ng Espiritu Santo, Amen.
Maari ng umupo ang lahat.
GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL

2. Kamustahan
Magandang hapon mga bata!

Magandang hapon din po ma’am.


Kamusta kayong lahat mga bata?

Mabuti naman po ma’am.


Kayo ba ay nasasabik na sa ating
bagong tatalakayin ngayon?

Opo, ma’am.

Kung kayo ay nasasabik, itaas nyo


nga ang iyong mga kamay at iwagayway?

(itinaas ng mga bata ang kanilang mga


kamay at iwinagayway)
Magaling!

3. Sayaw/ Awit
Ngayon ay magkakaroon muna tayo
ng kantahan. Tumayo ang lahat dahil may
ipapakita ako sa iyong bidyow, sa screen,
at ang gagawin nyo lang ay sundan ang
kanta.

Handa na ba kayo mga bata?

Opo, ma’am.
Ngayon, simulan na natin.

(Kumanta ng sabay-sabay)
Magaling mga bata! Magsiupo na
kayong lahat.

Maraming salamat ma’am.

Ano ang inyong naramdaman


matapos nating kumanta?
Okay lang ma’am, masaya kami sa pagkanta
at nag enjoy po ma’am.
GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL

4. Pamantayan sa Klase
Bago ko sisimulan ang aking
pagtuturo,may nais muna akong itanong sa
inyo. Ano ang gagawin ninyo kapag ang
guro ay nagsasalita sa harap? Pakibasa,
Jacob?
Tumahimik po at makinig ng mabuti.

Magaling! Ikaw naman, Ica?

Umupo po ng maayos, ma’am.

Mahusay!

At ang panghuli? Pakibasa,


shandara?
Itaas ang kanang kamay kapag sasagot.

Magaling!
Kung gayon, maasahan ko ba na
iyong susundin ang lahat ng inyong mga
binasa?
Opo, ma’am.

B. Balik- Aral
Bago natin simulan ang ating paksang
tatalakayin ngayon, ano ang ating tinalakay
nuong nakaraang araw? At ano ang inyong
mga natutunan sa ating mga natalakay
noong nakaraan? Ikaw, Kent? Ang leksyon na ating itinalakay nuong
nakaraan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Magaling!

Magbigay ng pangalan ng tao,


Jessreign?
Pangalan ng tao ay Jacob

Ngayon naman ay magbigay ng


pangalan ng bagay, Henna?
Pangalan ng bagay ay upuan.
Magaling Henna!
GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL

At sa hayop naman?ikaw Shandara?


Ang Pangalan ng hayop ay pusa.

Nakakatuwa naman na naaalala pa


ninyo ang ating mga leksyon nuong
nakaraan!

Ngayon, may tanong pa ba kayo


patungkol sa ating nakaraang leksyon mga
bata? Wala napo, ma’am.

C. Pangganyak

May tanong ako sa inyo, Kayo ba ay


may tanim na prutas at gulay sa inyong
bakuran?
Opo, ma’am.

Talaga? Ano- ano namang klase ng


prutas at gulay na inyong mga tanim? Itaas
ang inyong kanang kamay kung kayo ay
sasagot.
(itinaas ang kanang kamay)

Ikaw, Jacob?

Ang prutas na aming tanim sa aming bakuran


ay Ubas po, ma’am.

Magaling!

Meron pa ba? Ikaw, Justine?


Ang gulay na tanim namin sa aming bakuran
ay Ampalaya.

Nakakatuwa naman na may mga tanim


kayu sa inyong mga bakuran.

Sa araw na ito, may kwento akong


isasalaysay sa inyo. Pero bago ko
isasalaysay sa inyo ang kwento, nais ko
munang ipakita sa inyo ang larawan na ito.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Ikaw Rhine, maari mo bang ilahad


ang iyong nakita sa larawan?

Ang aking nakita sa larawan ay isang matanda.

Magaling!
Ano pa ang nakikita ninyo sa
larawan? Ikaw, Jacob? Ang aking nakita sa larawan ay mga prutas.
Mahusay!
Ang aking ikukwento sa inyo
ngayon ay ang Yaman sa Bakuran. Pero
bago ako magkukwento sa inyo, may mga
pamantayan tayo dapat tandaan sa
pakikinig ng kwento.

Una, Makinig ng mabuti


Pangalawa, Huwag
makipagdaldalan sa katabi; at
Pangatlo, Unawain ang
napakinggang kwento.

Nagkakaintindihan ba tayo mga


bata?
Opo, ma’am.
Magaling!

Ngayon ay babasahin ko na ang


kwento, handa na ba kayo mga bata?
Opo ma’am, handa na po kami.
Yaman sa Bakuran

Si Lolo Tasyo ay may maraming


taniman ng prutas at gulay sa likod bahay
ng kanyang kubo.Maraming bunga ang
mga prutas na kanyang pinitas at itininda
sa palengke. Mayroong papaya, mangga,
pinya, durian, bayabas at saging. Ang mga
gulay ay kalabasa, upo, ampalaya,
singkamas, talong, kamatis. Bukod sa
prutas at gulay ay nag-alaga rin si Lolo
Tasyo ng kalabaw, kambing, kabayo, baka,
mga manok at mga pato. Tuwang-tuwa si
Lolo Tasyo sa malaking benta ng kanyang
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

mga alaga at mga


pananim mula sa kanyang yaman ng
bakuran.

Naintindihan ba ng lahat ang kwento mga


bata?
Opo, ma’am.

Kung may naintindihan kayo sa ating


binasang kwento. Anu-ano ang mga prutas
ni Lolo Tasyo? Ikaw, Shandara?
Ang mga prutas na mayroon si Lolo Tasyo ay
papaya, manga, pinya, durian, bayabas at
saging.
Mahusay!

Ngayon, Anu-ano ang mga gulay na


nakikita sa likod bahay ni Lolo Tasyo?Ikaw,
Jacob.
Ang mga gulay na mayroon si Lolo Tasyo
ay kalabasa, upo, ampalaya, singkamas,
talong, kamatis

Magaling!

Bukod sa prutas at gulay, ano


pa ang nasa bakuran ni Lolo
Tasyo? Ikaw, Kevin.
Bukod sa prutas at gulay mayroon ring alaga
si Lolo Tasyo na kalabaw, kambing, kabayo,
baka, mga manok at mga pato.

Tumpak!

Ang mga pangalan na iyong nabanggit


katulad ng prutas, gulay, at hayop ay isang
uri ng salita.

D. Paglalahad

Ang ating leksyon ngayon ay tungkol


sa pagpapantig ng mga salita.

Pagkatapos ng talakayan, ang mga


mag-aaral ay kinailangang
makapagpapantig ng salita at
makapagbibilang.

E. Pagtatalakay

Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik


ng dila na may kasabay na tunog ng
lalamunan o walang antalang bugso ng
tinig sa pagbigkas ng salita.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Ito ay binubuo ng tunog ng isang katinig at


ng isang patinig. Ito ang pangunahing yunit
ng tunog sa isang salita.

Ulitin natin ang pagbasa sa mga


salitang nasa larawan.

(Paulit ulit na pagbasa sa mga salitang nasa


larawan)
Manok Kalabaw Kambing

Pato Baka Kabayo

Pantigin natin ang mga salita at


bilangin natin kung ilang pantig
ang bawat salita. Iisa- isahin natin ang mga
katinig at patinig upang mabilang ang mga
ito.

Halimbawa:
Ma-nok= 2 pantig
Pa-to=2 pantig
Kam-bing=2 pantig
Ka-la-baw=3 pantig
Ka-ba-yo=3 pantig
Ba-ka=2 pantig

Halimbawa ang salitang bahay. Ilan


ang pantig mayroon ang salita na iyan?
Welyndy. Dalawa po, ma’am.

Magaling!

Ilang pantig mayroon ang salitang


baso? Jacob.
Dalawa po, ma’am.
Mahusay! Tunay nga na kayo ay
nakikinig sa ating mga leksyon.

F. Malinang ng Kabihasnan

Bilangin Kung ilang pantig ang


mayroon sa isang salita. Itaas ang mga
numero na aking ibinigay kung sa palagay
ninyo ay iyan ang sagot.
1. Baso
2. Kalabaw
3. Hayop
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

4. Mangga
5. Gulay
6. Lamesa
7. Bulaklak
8. Ulan
9. Elepante
10.Kariton

Ngayon ay sasagutan natin ang mga


salita kung ilang pantig nga ba ang bawat
salita na ito.

Ano ang sagot sa Unang salita? Dalawa po, ma’am.

Magaling!

Pangalawang salita naman? Tatlo po, ma’am.

Mahusay!

Pangatlong salita? Dalawa po, ma’am.

Tumpak!

Pangapat na salita? Dalawa po, ma’am.

Mahusay!

Panglima na salita? Dalawa po, ma’am.

Napakagaling!

Pang anim na salita? Tatlo po, ma’am.

Magaling!

Pang pito na salita? Tatlo po, ma’am.

Mahusay!

Pang walo na salita?


Dalawa po, ma’am

Magaling!

Pang siyam na salita?


Apat po, ma’am.
Mahusay!

Pang sampo na salita?


Tatlo po, ma’am.
Tumpak!
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

G. Paglalahat

Ano nga ang pantig? Ikaw, Ica?


Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng
dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o
walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas
ng salita. Ito ay binubuo ng tunog ng isang
katinig at ng isang patinig.
Magaling Ica!

Paano binibilang ang pantig ng isang


salita? Ikaw, Shandara? Sa pamamagitan ng pagkilala ng mga tunog
o katinig at patinig na bumubuo ng isang
pantig.

Magaling Shandara!

Magbigay ng isang halimbawa ng


pagpapantig? Ikaw, Jacob?
Halimbawa po ng pagpapantig ay Saging.

Ilan ang pantig sa salitang saging?


Dalawa po, ma’am.
Napakahusay Jacob!

Tunay nga na kayo ay nakikinig sa ating


mga leksyon.

H. Paglalapat

At ngayon mga bata, hahatiin ko kayo sa


tatlong pangkat, bawat pangkat ay mayroon
akong ibibigay na tig-iisang envelop, ang
bawat envelop ay naglalaman ng inyong
gawain. Bibigyan ko kayo ng tatlong
minuto.

Pangkat 1: Pantigin ang mga salita na nasa


ibaba at itala ito sa isang papel.

Pa-pa-ya (2 pantig)
Bayabas Mangga Durian Lansones Mang-ga (2 pantig)
Ba-ya-bas ( 3 pantig)
Pak-wan (2 pantig)
Pin-ya (2 pantig)
Du-rian (2 pantig)
Sa-ging (2 pantig)
Pakwan Pinya Saging Papaya Lan-so-nes (3 pantig)
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Pangkat 2:Bilangin ninyo kung


ilang pantig ang bawat salita. Itala ito sa
isang papel. Sagot:

(2pantig)
(2 pantig)
( 3 pantig)
(2 pantig)
(2 pantig)
Papaya Mangga Bayabas Pakwan 2 pantig)
(2 pantig)
(3 pantig)

Pinya Durian Saging Lansones

Pangkat 3: May mga salita akong dapat


ninyong pantigan at bilangin ninyo
kung ilang pantig mayroon ang
bawat salita. Itala ito sa isang papel. Sagot:

Ka-la-ba-sa ( 4 pantig)
U-po ( 2 pantig)
Ta-long (2 pantig)
Am-pa-la-ya (4 pantig)
Ka-ma-tis (3 pantig)
Kalabasa Upo Talong Sing-ka-mas (3 pantig)

Ampalaya Kamatis Singkamas

Malinaw ba sa inyo mga bata? Mayroon ba


kayong mga tanong?
Wala na po, ma’am.

Rubriks sa pangkalahatang gawain.


Kung lahat ng
Myembro ay
nagtutulungan.
5 Mahusay ang pag
uulat sa bawat
grupo.
May isang mali sa
4 pagbilang
Kung may dalawa
3 o tatlong mali sa
mga sagot

I. Pagtataya
Bilangin kung ilang pantig mayroon ang
bawat salita. Isulat ito sa isang papel.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

1. Palasyo Mga sagot:


2. Kariton /pa/la/syo/ (3 pantig)
3. Puno /ka/ri/ton/ (3 pantig)
4. Aso /pu/no/ (2 pantig)
5. Bulaklak /A/so/ ( 1 pantig)
/Bu/lak/lak/ ( 4 pantig)

J. Karagdagang Gawain

Pantigan ninyo ang sumusunod na mga


salita at bilangin kung ilang pantig mayroon
ang bawat salita.

1. Nanay
2. Tatay
3. Kuya
4. Ate
5. Lolo

V. REMARKS

VI. REFLECTION

________ A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya.


________ B. Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
________ C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
________ D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remdiation.
________ E. Alin sa mga istratehiyang pagturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
________ F. Anong suliranin ang aking naranasan na maaring solusyonan sa tulong ng aking
punongguro o superbisor?
________ G. Anong kagamitang pangturo ang aking naidibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like