You are on page 1of 1

Magpatuloy sa Buhay

Lahat naman po tayo ay dumaan sa pagiging isip bata, makutya, mapahiya, mapagalitan o
magkamali. Sa mga panahon na naranasan natin ang mga ito tayo ay siguradong
nakaramdam ng lungkot. Iyung iba nga'y hinayaan na lang dahil lilipas din daw iyan. Iyung
iba naman din ay dinamdam. Pero sa kabila ng lahat, kahit gaano pa kalupit ang
kinalabasan ng mga karanasan natin sa mga 'yon, hindi natin namamalayan nahubog na
pala ang pagkatao natin sa pamamagitan nito. Magandang araw po, ako po si Evdeth Gulfo.
Ito ang "Magpatuloy sa Buhay".

Ano ba 'yung sinasabi nila na okay lang daw ma-fail? Iyung magkamali ka raw kasi doon ka
mas natututo? Na parte lang daw iyun ng success. Pero para sa 'kin, isang pagkakamali lang,
iyun na ang magiging dahilan kung bakit ka nila ija-judge. Ni minsan nga, hindi ka nila
bibigyan ng pagkakataon na makabawi. Iyung patunayan sarili mo? Kaya ayan tuloy,
mahihirapan kang makatayo uli. Oo, hindi lang ako ang nabubuhay sa mundo. Hindi nila
mapapansin kung ano man ang nangyayari sa 'yo. Pero bakit ang lakas nila manghusga?
I-down ka? Makialam sa mga ginagawa mo? Ano bang nakukuha nila riyon? 'Di ba? For the
love God, I can't wait to show them kung ano ako ngayon. Hindi na ako makapaghintay na
ipakita sa mga taong hindi naniwala sa 'kin na makakaya ko! Pero alam mo, wala ka dapat
pake. Kasi kung iisipin mo, "You shouldn't climb mountains for the world to see you, but for
you to see the world." We don't climb the mountains to look down on others but to show to
others that it's possible, ika nga nila. You shouldn't want to be successful for the people who
doubted you, kundi dapat para sa sarili mo. That's where pressure comes from. You're
doing it para sa iba, hindi para sa sarili mo. Study hard for the exam? Study for yourself
instead. Paano kung bumagsak ka pa rin? At least, you did it para sa sarili mo. At least you
tried! Mas mainam nga na kaya mong sabihin sa sarili mong "at least" kesa sa "what ifs".
Mahilig kasi tayong mag-regret sa huli. Mas pipiliin ko pang piliin ang mahaba at mahirap
na daan kesa sa madali at mabilis. Kahit gaano pa ako sampalin ng mga katotohanan,
pangaral o maraming pagkabigo kesa sa inaasahan ko? Lagi kong tinatandaan na ang mga
pagsubok na tatahakin ko'y para sa paghubog sa sarili ko. Ang hirap ng buhay, 'no? Pero
iyan naman ang rason o kahulugan ng buhay, ang maghirap.

Biruin mo? Ang isang segundo kayang baguhin ang isang minuto. Ang isang minuto kayang
baguhin ang isang araw. Ang isang araw kayang baguhin ang isang buwan. Ang isang buwan
ay kayang baguhin ang isang taon. At ang isang taon ay kayang baguhin ang buong buhay
mo. Gaano man kaliit ang isang bagay na ginagawa mo? Ito ay may kasiguraduhan na isa
'tong parte ng isang malaking bagay. It's either, babaguhin buhay mo nito for the better o
sirain ito.

You might also like