You are on page 1of 1

Napaka komplikado ng buhay

Naging batas na ng Diyos na kung gusto mong magmahal dapat ay handa ka munang
masaktan
Bawat desisyo'y may pananagutang dapat panindigan
Na ang konsepto ng pagsasakripisyo'y may mga bagay tayong nararapat na bitawan

Mga bagay na masakit man pero kinakailangan


Dahil sa pagpapakasakit tayo mas may natututunan
Na kung sing bigat na ng mundo ang iyong pinapasan
Tandaan, may mga bagay na gumagaan kapag binibitawan

Hindi naging mali kung minsa'y matututo tayong humindi


Hindi lahat naging masaya sa mga mas pinili ang manatili
Kung pagod na ay matutong bumitaw sa pagkakakapit
Sabi nga nila, "kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit"

Araw-araw akong pinapatay ng mga alaala nang hindi mo sa akin pagpili


Unti-unti akong dinudurog, napapaisip kung meron bang mali
Sa akin, sa iyo, sa atin
May mga bagay lang siguro talagang di natin pwedeng pilitin

Mga bagay na pwede nating angkinin ngunit ang manatili'y di pwede


Patunay na sa mundong 'to, walang permanente
Lahat pwedeng magbago, pwedeng mawala
At ayoko sanang dumating sa puntong tititigan nalang kita't wala nang nararamdaman
pa

Nakakatawang isiping pareho tayong sumugal pero pareho tayong talunan


Sabay tayong nagbigay ngunit sabay tayong nasaktan
Sadyang siguro sa isa't isay hindi talaga maaari
Ikaw na pinilit angkinin kahit hindi ka naman pag-aari

Marahil ay tama nga lang


Ang bitawan ka't hayaang tadhana nalang ang gumawa ng paraan
Dahil kung talagang para sa akin, di na dapat pang pilitin
May mga bagay na kusang babalik kung talagang atin

Kaya sa pagtatapos ng tulang ito'y, marahil tapos narin ako. Sa iyo


Marahil di na kita mahal at mas nahanap na ang sarili ko.
Marahil ay nasa harapan na naman ako ng maraming tao't nakatayo sa isang entablado
Entabladong tinuring ko nang tahanan at ikaw na minsan ay naging mundo.

You might also like