You are on page 1of 3

Kakaiba talaga ang mundong mayroon tayo,

Tipong kayang punan ang lungkot na dama mo.

Motibasyon na galing sa sarili o sa ibang tao

Ay di na iisipin dahil pwede namang mahalin kahit anong bagay o kahit sino

Sa mundong to.

Gigising sa umaga tutunganga isang oras

Iinom ng kape sabay sindi ng yosi sa labas

Pagpatak ng tanghalian, tapos nako sa sugalan

Maingay pag panalo,aburido pag talunan.

Pag tapos kumain, iinom ng barkada maghapon

Tanong sa sarili’y susugal sa buhay o magsusugal nalang ba sa cellphone

Oras ay lumipas kumagat na ang dapit-hapon

walang akong paki -alam kung anong wala sa bahay at kung anong mayroon.

Kuntento na ako sa ganito,

hangga’t nabubuhay ay magpapakasaya ako.

Di na ako aalis sa sistemang aking binuo

Di ko kailangan magmalinis tatanggapin ko lang ang sarili ko.

ano pa ang aking hahanapin? Kung madaming nagmamahal sakin?

Ano pa ang aking hahanapin? Kung kaya ko naming bilhin mga bagay na nagpapasaya sakin?

Ano pa ang kailangan kong baguhin kung Mahal ko lahat ng meron sakin?

Ano pa ang dapat na sabihin? Minsan lang tayo mabuhay kaya dapat itong sulitin.

Tama naman diba?

Tama bang mabuhay ng walang dahilan?

Tipong iinom ka tapos isusuka mo lang


Tama bang magpaalipin sa bisyo kaibigan?

Oo, Masaya sa umpisa pero aani ka ng sakit kalaunan?

Ginhawang hatid ng mundo ay isang ilusyon

Sayang nadama ay dulot ng imahinasyon

Ganito na lang ba lagi lahat ng solusyon

Baka mamatay na lang tayo dahil sa kumplikasyon

Dapat may bago, Simulan ng maghango

Siyasatin ang puso, Kung ano bang nais nito.

alalahanin si Kristo at kanyang sakripisyo

Maging isang ehemplo, pursigidong deboto

Muling ipalaganap pagibig Niya sa mundo.

Magbalik ka sa pinaka unang umibig satin

Hanapin ang kalinga sa presenya nya’y pumailalim

Hayaan mong manumbalik ang init ng pagibig

Hayaan mong manumbalik ang init ng pagibig

Humayo ka sa panibagong daan

Humakbang pasulong sa pagibig Nyang laan

Lasapin ang pamumuhay ng banal

Lasapin ang buhay na marangal

Ginhawang mula sa Diyos ay hindi ilusyon

Sayang madadama mo’y sukli ng dedikasyon

Sa mga pagsubok ay ito ang tugon

Walang hanggang pagibig ang pangako sayo ngayon.


Hayaan mo silang di maniwala sa bagong ikaw

Hayaan mo silang makita din ang taglay Niyang tanglaw

Iwawaksi ang kadiliman ng pusong bumibitaw

Sa kasalanang dulot ng mundong ibabaw.

You might also like