You are on page 1of 1

IKAW O AKO

Ni: Nathania Kaitlyn M. Lucero

Sa gabi-gabi sa aking pagpikit, lagi nalang napapaisip


Napapaisip kung sino nga ba talaga ang dapat unahin mahalin?
Ikaw ba o ako?

Gulong-gulo na ang aking isip


Ano nga bang bunga ang aking makukuha sa pagpupursigi ko sa pag-ibig?
Mas ikabubuti ko nga bang unahin ka kaysa sa aking sarili?

Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung bakit mas uunahin ko pa ang taong wala akong
kasiguraduhan kaysa sa taong alam kong hindi ako iiwan
Kasi sarili ko lang din naman ang hindi mang iiwan sa’kin, ‘di ba?

Sige, sabihin nating ikaw na, ikaw na ang aking napiling mahalin kaysa sa iba
Ngunit masusuklian mo nga ba ang sakripisyong aking ginawa?

Andaming tanong ‘di ba?


Mga tanong na babagabag sayo hanggang sa matapos ka na ng mga ito
Mga tanong na nagmula lang naman sa taong hindi ka sigurado

Kaya bumalik tayo sa una kong tanong, sino nga ba talaga ang dapat unahing mahalin?
Ikaw ba o ako?

At ngayon ko lang napagtanto na dapat ako


Ako dapat ang piliin ko, ako dapat ang mahalin ko, at higit sa lahat ako dapat ang
unahin ko
Dahil sa kabila ng kay dami-daming taong minamahal ko, ay walang magmamahal
sakin tulad ng pagmamahal ko sa sarili ko
Dahil sa oras ng aking pagkabigo, sino nga bang nariyan para sumalo kundi ako

Titigil na ang pagbabagabag ng utak ko, kaka tanong kung lilisanin nalang ba ako ng
lahat sa mundong ito, kasi alam kong mayroon akong ako

Kaya ko na ‘to, hindi ko na kailangan ng iba pang tao

Kasi sa paglubog ng araw at paglitaw ng buwan, sarili ko lang talaga ang karapat-dapat
na aking mahalin

You might also like