You are on page 1of 3

TITLE: “ AKO NAMAN OH”

Sa hinaba haba ng prosesyon

Hindi naman pala sigurado

Sa mahabang pila papunta sayo

Hindi naman pala ako

Nakakapagtaka

Napapatanong kung bakit ba?

Bakit kailangang andiyan siya

Naging sapat naman siguro ako diba?

Nakakapagtaka

Napapatanong kung bakit ba?

Bakit sa numerong dalawa

ako yata ang hindi una

Sa mga araw na kasama kita

Ako ba ang nasa isip mo sinta?

Sa mga oras na tayo lang dalawa

Naiisip mo rin ba?

Hinihiling mo rin ba?

Na sana ang kamay na hawak mo

Ay hindi sakin kundi sa kanya

Na sana ang babaeng katabi mo

Ay hindi ako kundi siya

Kahit na alam ko namang lumilipad ang isip mo


Ay hinahayaan ko

Nilulunok ko

Kung sa ngalan ng pagmamahal

Hindi kana lugi

Sa lahat lahat ng andiyan ikaw ang napili

Pero hindi mo naman pala sinabi

Na pag nagmahal ka

Hindi ako ang first choice sa napili

Pipiliin mo lang ako

Kapag lahat sila ay humihindi

Ang akala ko naman kasi fairy tale love story

Yun pala hindi naman yata ako ang leading lady

Katunog nalang yata ng buy one take one

Hindi ako yung the one kaya madaling iwan.

Antanga ko na diba

Pero wala eh mahal kita

Ikaw yung sakit na nais kong balikbalikan

Ikaw lang din ang gamot na kailangan

Ikaw ang tahanang nais kong uwian

Kahit na alam ko namang ibang tao ang nakatira jan

Gawin man kitang mundo

Sa kaniya parin iikot ang buhay mo

Kaya naman nakakainis


Nakakayamot magtanong pero

Paano naman ako?

Pwede bang ako naman siguro?

Mabuti pa yata sa panaginip

Buong buo ang desisyon mo

Na piliin ako

Na gustuhin mo

Na walang iba kundi ako

Kaso alam naman natin

Napagdating ng umaga

Reyalidad ang bubungad

Reyalidad na andyan siya

Na parang ako’y nakikipag kumpetensya

Matira matibay kung sino ba sa dalawa

Nanaising ako naman sana

Tatanungin ka parin kahit alam ko na

Sa pag-ibig na eto

Pwede bang ako naman oh

You might also like