You are on page 1of 2

#SilaRMX

SUD x Ronthug x Zelijah


(Ronthug)
Minsan kinakailangan nating masaktan upang maunawaan ang tama at mali
Lumuha para malaman ang halaga ng ating bawat ngiti
Matauhan kung tama nga ba ang ating pinaglalaban
Maalala na Na tao ka lang din makasarili at madamot, takot mag isa sa mundo
Mula nang tanggapin mo ang katotohanan na kalian man ay hindi maaring maging kay
o
(SUD)
Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman
Hindi ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
'Di mapigilan ang bigkas ng damdamin
Walang sagot (Walang sagot)
bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
(Ronthug)
Talaga bang magkaiba pa ang mahal kita at mahalaga ka?
Mahalaga ba ang sabi nila? Nila? Nila? Nila? Nila?
Nilalaman ka lagi ng aking isipan ewan ko ba kung bakit
Minsan ka nalang maakit doon pa talaga sa may sabit
Sabi mo napapansin mo ang aking mga tingin at mga paglapit
Kung sa tingin mo di na to tama bakit hindi mo magawang magalit?

Laging nag lalabing ang mga nagnining mong mga mata


Handa akong ulitin ang mga maling sandaling kasama ka
At kahit pa masakit na bakit ko ba pinipilit pa
Ang aking panaginip na ginuguhit at pinipinta
Yung alam mona Yung kasama ka
Pero sadyang BO-MALA
kaya tulala nalang sa bulalakaw sinasadula mga sandaling nakaw
mga patagong pagtatagpo ng ating dalawang kamay
habang sya ang naka-akbay
Sa makinis mong braso
Ang feeling ko pagsing ko ako na yung kapiling mo
At tang-ina naman ako nalang sana piliin mo
Walang sagot!! Sige na aaminin ko!
Malungkot bakit kailangan pa nating ilihim to?
Siguro mas mainam na idaan ko nalang sa liham
Kaysa pagsigawan ang saliwa kong
Kaysa pagsigawan ang saliwa kong pangangatwiran
At sa tuwina kahit pauwina eto ay sa akin na nanariwa
Kahit di ko sinasadya bakit ka paba nahihiya?
Aminin na may tama ka sakin ng baghaya

Ikaw ang bahaghari maghahari kung sakali


Dumating ang pangayayari na gumuho man ang gusali
Ikaw parin ang nasa dibdib larawan mo saking silid
Sino ba sila? hindi ako nabibilib
Ikaw ang dahilan ng pagbuka ng mata sa umaga
Na kagabi pa pinapatahan habang ako y nakadungaw sa bintana
Tama ba paalam na?
Nakaka ilang kaha na
Tama si tadhana sa kanya baraha
Akoy mag paparaya na
Di Lahat ng tong gusto mo, ay para sa yo
Wala na kami pero meron pa rin SILA
(SUD)
Kung may darating man na umaga
Gusto kita sanang muling marinig, marinig
Ngiti mo lang ang nakikita ko
Tauhin man ang silid
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Ikaw ang araw sa tag-ulan at sa maulap kong umaga
Walang sagot Walang sagot
bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

#PrettyFvckinAwesome #SilaRMX #Ronthug #mcronthug


FOLLOW US: @mcronthug @sudmusic @djzelijah

You might also like