You are on page 1of 2

DEPRESIYON

MARYFLORE COSTALES GUIYAB

Isa, dalawa, tatlo apat lima. Bibilang upang sarili’y mapakalma

Sasabayan pa ng buntong hininga na hindi inakalang mga luha’y nagsitulo na palaa

Dahil di na kinakaya ang sakit na dinadala.

Bakit lagi kang masaya? Wala ka bang problema

Yan ang laging tanong nila

Akala

Akala nila wala akong problema

Akala nila wala akong iniinda

Nasanay na kasi sila na lagi kang nakatawa

Nasanay sila na lagi kang masay, at higit sa lahat nasasanay sila na ganyan ka sa mata nila.

Nakatago sa bawat ngiti sa labi ko ang mga problemang pasan pasan ko

Na sa kabila ng aking pagtawa ay may lungkot na nadarama.

Depresyon, napakahirap na sitwasyon, na hindi malaman kung pano ba umahon

Iniisip nila na nagbibiro lang ako, iniisip nila na hindi ito totoo

Kapatid, depresyon ang pinag uusapan ditto, na hindi dapat gawing biro

Hindi niyo ba alam na may buhay na nakasalalay dito?

Hindi niyo ba alam na unti unti na akong pinapatay nito.

Bakit? Tanong na laging nakatatak sa aking isip

Bakit? Bakit pagdating sa iba ay kaya ko silang mapasaya

Pero bakit? Bakit pagdating sa sarili ko ay hindi ko kaya

Na sa kabilang banda ay may salitang nagnanais na “ako naman sana”


Lunod na lunod na ako sa kalungkutan

Labis na labis na akong nahihirapan

Ginawa ko naman ang lahat ngunit may mga tanong sa aking isipan

Bakit parang di parin sapat?

Hindi ba ako karapat dapat?

Bakit hindi ko magawang maging masaya?

Hindi ba nila nakikita?

O sadyang ayaw lang talaga nilang bigyang halaga?

Nakakatakot isiping biktima ako ng sarili kong kalungkutan

Baiktima ng isip na mapanlinlang, na ang nais lumisan

Hindi ko na kilala ang sarili! Sino ba ako?

Paano at kalian ako makakatakas sa higpit ng kadilimang bumabalot sa isip ko?

Ayoko na!!

Ayoko ng magpanggap pa!!

Magpanggap na masaya ako sa harap ng ibadahil yung totoo?

Hindi ko na kaya.

Sabi nila masarap mabuhay, pero bakit ganito?

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Masisisi niyo ba ako?

Kasinungalingan ba lahat ang sinasabi niyo?

Hindi malaman ang gagawin baliw na ba ako kung ituring?

Kasi ultimo sarili ko gusto ko ng kitilin.

Depresyon, salitang madaling bigkasin

Pero bakit sobrang hirap kalabanin?

You might also like