Professional Documents
Culture Documents
Teka, teka, Hindi ako nagpaparinig ha! Ngunit ANG ISANG KATULAD KO’Y sadyang nagnanais na marinig
Marinig ng mga taong may kakahayahan na baguhin, baguhin ang kapalaran ng kapwa ko Pilipino na
nasa laylayan, mga walang kakayahan at walang boses para sumigaw
Nawa ang pyesang ito’y magsilbing boses at instrumento upang akoy makapukaw ng kahit kaunting
ATENSYON
ATENSYON NG MGA NASA UPUAN NA TILA BA’Y KAGARA, PUNO NG KARANGYAAN, NGUNIT ANO NA?
MAY NAGAWA NA BA? MAY GINAGAWA BA? DAHIL KUNG WALA, SIGURO, TAYO NA LANG DIN ANG
MAGTULUNGAN.
Sa pagkasaksi ko sa kahirapan
Sa mga usaping ito na hindi mo dinaranas, oo ngunit nakikita mo BA ANG KAPWA MO TAO?
Nakikita mo ba kung paano sila maghikahos sa gutom at kalbaryo? Dahil kung hindi, hindi ko kailangan
ang opinion mo. Inuulit ko, wala ka sa lugar na isipin iyan kung ikay isang bulag sa mga bagay na totoo.
Kung oo, muli pakilinawan ako at muli pakilawakan ang isip niyo
Paki-usap pakiusap eto na naman ako, nagpapaulit-ulit ngunit iisa lamang ang gusto kong ipunto
Walang taong ginusto ang maging mahirap. Ngunit may mga taong kayang kaya silang bigyan ng
kaukulang atensyon ngunit ano? Ginagawa ba nila ang trabaho?
trabaho na bigyang prayoridad ang isyung ito, trabaho, trabahong ang ilay hirap na ngunit nananatiling
mahirap at tinuturing na tamad na tao. Ano?
NA ISISI ANG KAHIRAPAN SA TAO DAHIL TAMAD DAW KUNO ANG MGA ITO
Teka lang saglit may naalala lang ako
umulan umaraw o bumagyo may maihain lang sa hapag , makakain lang ng sapat ngunit sa lipuna’y
hindi pa nagging sapat, naturingan pang tamad hindi bat tama ako?
Nagiging sarado ang isipan natin sa mga usaping ganito pero bukas na bukas ang ating mga bibig sa
pangbbatikos, paninisi at pangungutya ng kapwa tao?
Hindi dahil nakakaangat ka, may Karapatan ka na apakan ang sitwasyon ng iba.
Kaibigan, imulat mo ang iyong mata nna imbis na manisi ka sa antas ng buhay ng iba, tumayo ka,
kaibigan, tumayo ka tumulung ka at magsilbing inspirasyon sa iba.
Dahil kung mananatili kang mapagmatyag, bulag, at walang ginagawa, mas kakawawa ka.