You are on page 1of 2

TALUMPATI

"ANG DEPRESYON"
Alam kung lahat ng pilipino ay kilalang masiyahing tao, kahit walang
pera basta andiyan ang barkada. Ngunit lahat tayo ay may iba't ibang
nararanasan sa buhay. Lahat tayo may kaniyang kaniyang problema,
kung saan napupunta tayo sa mundo ng depresyon, kung saan ito ay
dumudulot satin ng sobrang kalungkutan at kahirapan sa pag iisip o pag
papasiya. Parang nasa isang sulok na madilim, tahimik at para bang
wala lang. Isang lugar kung saan parang tayo lang ang naka tira at
walang may nakiki alam.
ano nga ba ang depresyon?
Ito ay isang sakit sa pag-iisip na may kasamang sobrang baba ng tingin
sa sarili, panlulumo lubhang pagkalungkot, at kawalan ng interes sa mga
nakasisiyang gawain.
alam ko naririnig ninyo na iyo sa iba "ay maliit na bagay lamang yan"
kasi ganiyan tayo lumaki e, lumaki tayong matapang na para bang sa
Isang ngiti okay na, ngunit sa ngiting at tawang pinapakita ay may
malalalim na kahulugan. Ngunit hindi lahat ay may ganitong pag iisip,
ang iba ay nilalamon ng kalungkutan.

Ano nga ba ang magagawa natin para ako o sila ay matulungan?


-Una ang pakikinig.
Sa pakikinig ay malaking tulong na ito sakanila.
-pangalawa kung ayaw naman nila ibahagi ang kanilang problema ay
simpleng pag papasaya sa kanila ay okay na.

Kadalasan ay nakakaranas ang mga taong madalas mag-isa at puno ng problema sa


buhay ang mga taong minsay nabubully ng iba.
Ito ay lumalala at nagdudulot ng pagkawala sa sarili,naisipan nilang magpatiwakal
Ito ay hindi dapat natin baliwalain sapagkat ito ay di Biro lamang kung Hindi ito
malulunasan.
Kaya bago Paman mangyari sa atin ito sanay maging bukas tayo sa ating pamilya at
kaibigan,huwag nating sarilihin ang problema o sakit na nararamdaman pagkat sila'y
palaging nariyan upang tayo ay damayan at tulongan.

You might also like