You are on page 1of 2

II.

Panimula
Isa sa mga mahahalagang isyu sa panahon ngayon ay ang pagpapatiwakal o suicide. Ang
pagpapatiwakal ay ang pagkitil o pagpatay ng isang tao sa kaniyang sarili. Ito ay kanilang
kagustuhan dahil sa ilang mga dahilan. At ang kadalasang puno’t dulo nito ay ang depresyon. Ang
depresyon ay isang kondisyon na kung saan ang isang tao ay tila nawawalan na ng pag-asa sa
buhay at gusto na lamang mamatay.
Laganap ang mga balita tungkol sa pagpapatiwakal ng ilang mga tao ngayon lalo na ng mga
kabataan. Dulot ito ng isang kondisyon na kung tawagin ay depresyon. Ang ilan ay nakararanas
ng matinding lungkot dahil sa mga problemang dumaan sa kanilang buhay at hindi nila nakayanan
ang mga ito kaya naman sila’y nagpapatiwakal. Sa aking pananaw naman, ang pagpapatiwakal ay
hindi solusyon para sa iyong mga problema. Alam ko na mahirap ang makaranas ng mga hindi
birong problema pero lagi sana nating tandaan na ang pagkitil o pagtapos sa ating buhay ay hindi
tamang solusyon sa ating problema. Lagi rin nating isipin na matatapos o malalagpasan rin natin
ang mga ito. Ang buhay ay regalo sa atin ng Diyos at dapat lang na ito’y pahalagahan natin at
ingatan.

III. Mga Argumento sa Isyu


Ang pagpapatiwakal ay kailanman hindi solusyon para sa ating mga
problema. Ngunit bakit ng aba may mga ilang tao pa rin ang gumawa nito?
Maaaring nawalan na talaga sila ng pag-asa para mabuhay pa. Maaari ring
iyong mga taong inaasahan nilang susuporta at tutulong sa kanila ay
tinalikuran sila. Ngunit ayon kay Eduardo A. Morato sa kaniyang aklat na
Self-Mastery (2012), para hindi tayo mawalan ng pag-asa, kailangan nating
mag-isip ng mga positibong bagay at mga malalaking psibilidad o paraan
upang malagpasan natin ang mga problema. Sa kabilang banda, may mga
tao namang humuhusga sa mga taong nagpapatiwakal. Ang tingin nila sa
mga ito ay mahina at hindi nagiisip ng mabuti.
Usong-uso na ngayon ang social media at dito, nakakapagpahayag
ang mga tao ng kani-kanilang saloobin tungkol sa iba’t ibang isyu.
Marami na rin ang mga balita tungkol sa mga kabataang nagpakamatay
dulot ng depresyon at lagi mong makikita ang iba’t ibang panig tungkol
sa isyung ito. Ang ilan ay naaawa at ang ilan naman ay tila naiinis.
Marami talaga ang isyu tungkol sa pagpapatiwakal at isa na diyan
ay ang kababalita lang na isang Guhit Pinas Artist na si Aubrey So. Siya
ay nagpakamatay dahil sa depresyon. Kumalat sa Facebook ang
kaniyang ilang mga posts na naglalahad ng labis na kalungkutan. At ang
huling post niya ay isang illustration na siya mismo ang gumawa.
Naging usao-usapan rin ang kaniyang huling post sa Instagram na isang
larawan ng kaniyang mga gamit sa pagguhit na may caption na,
“Sayang di ko na kayo magagamit.”
IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu
Ang pagpapatiwakal ay hindi solusyon para takas an ang mga problema natin sa buhay. Oo,
nahihirapan tayo at parang gusto na nating tapusin ang lahat pero isipin rin natin na maaaring may
iba pang paraan para malagpasan natin ito.
Kung may problema ka at pakiramdam mo gagaan ang iyong loob kapag may napagsabihan
ka tungkol dito, gawin mo. Huwag mong sarilihin at kimkimin iyan habambuhay. Kung ayaw mo
namang sabihin ito sa iba, maaari kang kumuha ng lapis at papel at doon mo isulat lahat ng mga
gusto mong ilabas. Naktututlong ito upang kung hindi man maalis ay mabawasan ang iyong
lungkot.
At kung may mga kakilala naman tayong nakararanas ng deprsyon, huwag natin silang
pababayaan. Hindi natin alam kung ano ang takbo ng utak nila at maaaring sila’y magpatiwakal.
Ipakita natin sa kanila na nandito tayo para makinig at damayan sila sa mga problema.
V. Konklusyon
Gaya ng sabi nga nakararami, ang pagpapatiwakal ay hindi solusyon sa ating mga problema.
Kailangan lang nating isipin na lahat tayo ay nakararanas ng matinding problema at kalungkutan.
Tayo’y maging positibo sa mga bagay at lagging isipin na lahat ng problema ay mayroong
solusyon at hindi pagpapatiwakal iyon. At kung mayroon tayong mga kakilala o kahit sinong tao
man yan na nangangailangan ng ating tulong, huwag tayong magdalawang isip na iparamdam sa
kanila na mayroon pa ring taong nagmamalasakit at handing tanggapin silang muli. Ipakita natin
na kay sarap mabuhay.
VI. Sanggunian:
Aklat
Brizuela, M. J. et. al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang (Modyul para sa
Mag-aaral). FEP Printing Corporation. Meralco Avenue, Pasig City
Mula sa Internet:
Aubrey So Retrieved February 4, 2018, from http://facebook.com/AubreySo.com

You might also like