You are on page 1of 3

Gawain 4:

Suicide

Ang suicide ay ang pagkitil sa sariling buhay.


Ang parasuicide naman ay maaring ang magsubok na patayin
ang sarili o di kaya ay ang pagsakit sa sarili. Karamihan sa mga
natuluyang magsuicide ay may mga pagtatangka sa buhay nila
dati pa. Karamihan din sa kanila ay mga biktima ng depresyon.
Ang pinakaiging paraan kung paano ito maiiwasan ay ang
pagigign matatag, paghingi ng tulong kung may depresyon at
pagdarasal. 

Suicide ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan


ang kinakaharap na problema.Isa sa iniisip ng mga
nagpapakamatay, tulong ito sa kanilang pamilya para hindi na
sila makadagdag pa ng problema. Ganito ang maraming kaso ng
mga may malubhang karamdaman na nagsu-suicide.
Pero sa pamilyang naiwan, lumilikha ito ng karagdagang
problema hindi lang sa usapin ng emosyon.Hindi lang mahihirap
ang nagpapakamatay. Kahit na ang mga sikat at mayayaman ay
nakapag-iisip ding magpakamatay. Hindi lang naman kasi ang
mga mahihirap ang may problema na dahilan ng depresyon nito.

Ayon kay Dr. Sheila Marie Hocson, direktor ng Guidance and


Counseling ng Far Eastern University, isang seryosong usapin
ang pagpapakamatay pero hindi ito gaanong nabibigyan ng
pansin.
Aniya, ang pagpapakamatay ay naiisip ng mga tao na wala ng
nakikitang pag-asa sa buhay. Kapag naramdaman niya na wala
na siyang kuwenta, na wala na siyang halaga at hindi na niya
kayang gawin ang mga bagay na dapat niyang gawin, nade-
depress ito at maaaring siyang mag-udyok para magpakamatay.

Para maiwasan ang suicide depression atbp. ay humingi ng


tulong sa mga professional psychologist, psychiatrist, guidance
counselor atbp.  Malaki rin ang naitutulong ng pagdarasal upang
mas maging maliwanag ang pagiisip ng isang tao.

Gawain 5:
B- Buhay na bigay ng diyos ay pahalagahan
U- Ugaliin na ang diyos ay pasalamatan
H- Huwag hayaang negatibo ang nasa kaisipan
A- Ating tandaan na ang diyos ay palaging nandiyaan
Y- Yayakapin ka, pakikinggan at hindi ka pababayaan sa mga
problemang bumubuo sa iyong kaisipan.
Repleksiyon:
Ang natutunan ko sa araling ito ay ating pahalagahan ang mga
binigay ng diyos sa atin.

You might also like