You are on page 1of 2

Angela Lauren Ewing

ABM211

Sanaysay

Pamagat: Baliw? Baliw daw ako? Hindi naman!

Kadalasan ka bang natatakot o nag dadalawang isip magpakonsulta dahil sa


mga pwedeng masabi ng iba sayo? Maraming tao ang apektado ng mga isyu sa
kalusugan ng isip at maaaring kailangan o gustong humingi ng medikal na tulong ang
ilang tao. Isinulat itong paksang ito upang makapagbigay ng mas maayos at mas
mauunawaan na pagintindi sa mga taong nagpapakonsulta sa mga therapist at para na
din maging maingat bago magsabi ng mga makaka-apekto na mga salita sa mga taong
may problema sa kanilang mga kalusugan ng isip. Madaming tao ay nahihiya na
pumunta sa mga therapist dahil nahihiya sila o ayaw lang nila masabihan ng mga tao
na ‘bakit ka mag papacheck up, baliw ka ba?’

Ayon kay Lindberg (2020), malaki ang ginagampanan ng mga therapist sa isang
taong nangangailangan ng sikolohikal na tulong/tulong na medikal. Mga isyu gaya ng
pagharap sa isang makabuluhang krisis at pagharap dito sa mahabang panahon ng
iyong buhay, pagharap sa isang malaking pagbabago sa buhay, pagharap sa mga
kumplikadong problema sa pamilya, relasyon, pagkagumon/pag-abuso sa sangkap at
nais na magkaroon ng isang mas mahusay na mental at emosyonal na kalusugan.

Ang pakikipag-usap sa isang therapist ay mayroon ding iba't ibang uri at


benepisyo para sa bawat uri ng mga sesyon ng therapy. Ang unang uri ng therapy ay
Indibidwal na Therapy, pangalawang uri ng therapy ay Family Therapy, ikatlong uri ng
therapy ay Couples Therapy, ikaapat na uri ng therapy ay Cognitive-Behavioral Therapy
at ang ikalimang uri ng therapy ay Online Therapy.

Ayon sa BACP counselling changes lives, ang pakikipag-usap sa mga therapist


ay nakakatulong sa iyo na malaman kung ano ang mali sa iyo. Matutulungan ka ng
isang therapist na malaman kung anong mga problema sa pag-iisip ang mayroon ka.
Kung wala kang isyu o problema sa kalusugan ng isip, makakatulong din sila sa kung
ano ang iyong reaksyon o nararamdaman sa isang karamdaman o sakit. Matutulungan
ka rin ng isang therapist sa mga emosyonal na problema tulad ng pagkawala ng isang
mahal sa buhay, galit, kalungkutan, pang-aabuso, pagkabalisa, pambu-bully, atbp.

Ang pagsasalita ng masama sa mga taong possibleng may problema ay hindi


maganda dahil baka mas lalong lumama ang kanilang problema o nararamdaman.
Hikayatin at suportahan natin ang mga taong mayroon man o walang isyu sa kalusugan
ng kanilang isip. Isipin muna natin ng maigi ang mga masasabi natin at ang mga apekto
nito sa kanila. Ipalaganapan natin ang kaligayahan sa kapwa tao natin.
Angela Lauren Ewing
ABM211

Sanggunian:

Lindberg, S. (2020, October 23). Benefits of Therapy for Yourself, Family, and Relationships.
Healthline. Retrieved from https://www.healthline.com/health/benefits-of-therapy

What therapy can help with an A-Z of issues and concerns which may be helped by talking to a
counsellor. (n.d.). BACP counselling changes lives. https://www.bacp.co.uk/about-
therapy/what-therapy-can-help-with/

Benefits of psychotherapy. (2018, August 1). Good Therapy.


https://www.goodtherapy.org/benefits-of-therapy.html

You might also like