You are on page 1of 1

Kiara Lopena

ABM211

“PLANTITA”

Batay sa aking nabasang papel na may pamagat na “Plantita” ito ay pumpatungkol sa mga
taong nahihilig sa mga halaman sa kalagitnaan ng pandemya. Nagsimula ang salitang plantita sa
taon ng 2018 dahil mga mga artistang tinatawag ang kanilang sarili na “certified plantita” ngunit
naging sikat ang salitang Plantita noong simula ng pandemya dahil may mga taong naghahanap
ng pangmatagalang panlibangan at ito ay mag alaga ng mga halaman. Nabanggit din ang mga
sintomas upang malaman kung isa kana bang tita, mayroong dalawang uri ng tita ang kilala
natin isa dito ay ang judgemental sila ang mga titang mapanghusga sa iyong katawan, love life,
at plano sa buhay sila ang mala boy abunda nating tita na grabe mag tanong. Pangalawa naman
ay ang sought-after na tita sila yung mga tita na mabilis makaintindi sa nararamdaman natin
dahil sila ay nasa gitna ng bata at matanda sila rin ay ang mga tita na mayaman na kung ano ang
gusto mo ay ibibili ka. Nagkaroon ng ibat ibang uri ng plantita base sa taon kung kailan sila
naging tita isa dito ang “original plantita” na mga mahihilig sa mga halaman ngunit hindi mahiig
magpost sa mga social media, at meron naman yung mga plantita na nahilig lang nung simula
ng pandemya. Naging daan ang pagiging plantita at plantito upang malibang ang sarili sa gitna
ng pandemya dahil karamihan sa kanila ay ginagawang anak ang mga ito at kinakausap.

Dahil sa pag sikat ng pag aalaga ng halaman maraming mga negosyante ang nagtitinda nito at
tinataasan ang presyo dahil sa dami ng mga taong bumibili ng mga halaman. Marami sa mga
baguhan ang naloloko dahil sa hindi nila alam ang orihinal na presyo ng kanilang binibili.
Mayroon din negatibong epekto ang pag bibili ng mga mamahaling halaman dahil ang mga
nagbebenta nito ay iligal na kumukuha sa likas na tahanan at ito ang tinatawag na “plant
poaching”. Dahil sa mga nag nagpapasok at naglalabas ng halaman sa Pilipinas maaaring maging
masama ito para sa ibang mga halaman dahil sa sakit na maaaring makuha at magdulot ng
pagkamatay ng mga halaman. May pinasang batas ayon sa pag “plant poaching” na maaaring
makulong na hanggang 12 na taon na may kasamang malaking multa.

Dahil sa panganib na dala ng “plant poaching” may mga samahan ng plantito at plantita ang nag
papakalat ng mga kaalaman upang maiwasan ang “plant poaching”, pagtaas ng presyo at iba
pang di magandang pangyayari nang magsimula ang pagiging plantita. Dahil sa pandemya
marami sa mga naging plantita ang pinipiling hindi maganak o magkapamilya isang dahilan nito
ay ang pinansyal. Dahil sa kahirapan pinipili ng mga nasa babang lebel na huwag ng bumili ng
mga mamahaling halaman bagama’t may mga dapat pa silang paglaanan ng pera. Kahit na
libangan lamang ang pagaalaga ng mga halaman ay hindi ito nakakatulong sa kalikasan ngunit
maari pang makasira dahil sa nagpapasok at naglalabas ng mga halaman sa bansa.

You might also like