You are on page 1of 3

YESHANDRA CUARTEROS

ABM211

“PLANTITA”
Sa pagpasok ng taong 2020, sinubok ang buong mundo dahil sa paglaganap ng
naahahawa at nakamamatay na sakit na tinawag na “Covid-19”. Dahil sa pandemya, napilitan
ang iba’t ibang bansa na magpatupad ng lockdown kung saan ang lahat ay kinakailangang
manatili sa kanilang mga pamamahay at limitado lamang ang pisikal na interaksyon. Ilang
buwan rin ang itinagal ng nasabing lockdown at kasabay nito ang pagsulpot ng mga bagong uso
o hindi kaya ay mga fad. Dahil walang kasiguraduhan kung hanggang kalian tatagal ang
pandemya, nagsimulang maghanap ang iba’t ibang indibidwal ng libangang pangmatagalan.

Isa na dito ay ang pag-aalaga ng halaman. Maaalala na bigla na lamang nauso ang
salitang “plantita” na tumutukoy sa mga kababaihang nahuhumaling sa pagbili, pangongolekta,
at pag-aaruga ng halaman. Ang mga indibidwal na ito ay kadalasang nasa middle o upper class.
“Plantito” naman ang katawagan sa mga kalalakihang nakahihiligan ang parehong gawain. Hindi
tulad ng mga “plant mama”, ang mga “plantita” ay may sapat lamang na kaalaman sa mga
halaman at pag- aalaga nito. Sila rin ay naglalaan ng oras upang matutuhan pa ang ibang bagay
tungkol sa kanilang mga alaga. 

Ang “plantita” ay hango sa dalawang salita: plant at tita. Nagsimula itong gamitin ng
opisyal dahil ito ay ginagamit sa iba’t ibang plataporma tulad ng Instagram at Facebook at pati
na rin ng midya. Ang “plant” ay nangunguhulangang halaman habang ang “tita” ay ang kaptid
na babae ng alin mang magulang. May sosyal na konatasyon ang salitang “tita” sa ating kultura
kung saan mayroon itong dalawang kategorya, ang “judgemental” at “sought-after” (Deala,
2019). Ngunit, ang “plantita” ay inihahambing sa ideya ng titang “sought-after” o iyong
nakasasabay sa uso at naiintindihan ang mga detalye tungkol sa Gen Z o milenyal.
Maihahantulad ang mga “plantita” sa ideya ng mga bata-pero-matanda, hindi pa mahusay na
sa nasabing gawain ngunit mayroong sapat na kaalaman at may kahahayan. 

Kasabay ng biglang pag-usbong ng mga nasabing “certified plantita”, may ilan na ring
tanyag na personalidad ang ibinahagi ang kanilang bagong libangan. Isa na rito si Aubrey Miles
na ibinalita pang bumili ng halaman na may halagang Php 300,000. Kasama rin dito sila Kathryn
Bernardo, Heat Evangelista, Bea Alonzo at iba pa. 

Ang isinagawang quarantine at lockdown ay naging pangunahing salik upang dumami pa


ang mga Pilipinong sumasabay sa usong ito. Napupunan nito ang instinct na mangalaga ng
buhay at makasunod sa sinasabing “millennial lifestyle”.

May ilan na ring mga “plantita” at “plantito” bago pa man ito nauso nang magsimula
ang pademya. Mas napadalas pa ang paggamit sa salitang “plantita” dahil sa dami ng milenyal
YESHANDRA CUARTEROS
ABM211

na nagiging interesado sa nasabing libangan dahil na rin sa kilukusang makakalikasan. Ito rin ay
naging paraan upang mabigyang pansin ang isyu tungkol sa climate change. Kaya naman, ma
maraming indibidwal ang nagsimulang gumamit at bumili ng eco-friendly na mga produkto at
sumuporta sa gawaing makatutulong sa pagsalba ng kalikasan. 

Sa pamamagitan ng pag- aalaga ng mga halaman, natutuon ang atensyon ng mga


tagapangalaga rito at nagiging paraan rin ito upang maiwasan ang interaksyon sa tao. Ang
pagkakaroon din ng hardin ay nakatutulong upang madala ang kalikasan sa loob ng
pamamahay. Ayon din sa obserbasyon ni Bond (2019), mas pinipili ng mga milenyal na mag-
alaga ng halaman kaysa gumastos sa pabili ng sasakya, pagpapatayo ng bahay, o hindi kaya ay
pagkakaroon ng pamilya. Ang sanhi nito ay dahil sa kaisipang mas makatitipid at hindi ito
nakaabala sa kanilang pagtatrabaho. Ito rin ay sinasabing nakababawas ng stress at anxiety.
Gayunpaman, ang mga nabanggit na mga benepisyo nito ay may katumbas na mga
masasamang epekto, hindi lamang sa mga “plantita”, pati na rin ang iba’t ibang sektor sa
bansa. 

Una, ang pag-aalaga ng halaman sa panahon ngayon ay may malaking epekto sa ating
ekonomiya. Sabay sa biglang pagdami ng mga nag-aalaga ng halaman at pagtaas ng demand,
sinamantala ng mga namumuhunan at nagtitinda ang pagkakataon upang magtaas ng presyo.
Kahit ang mga dati ng nagtitinda ng halaman at kagamitan para rito ay napilitang magtaas ng
presyo dahil sa lumalaking kumpitensya. Ang ilang mamimili ay wala ring magawa at indahin na
lamang ang malaking gastos para lamang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga
halaman. Ang mga hindi pang-karaniwang halaman ay ipinagbibili na sa hindi makatarungang
presyo na umaabot ng Php 80,000. Ang paggastos sa ganitong mga bagay ay kinikita na hindi
umano makabuluhan. 

Ikalawa, nakasasama ito sa kalagayang ekolohikal. Lumaganap ang plant poaching o ang
iligal na pagkuha sa mga halaman sa kanilang likas na tahanan (Barnett, 2019, tala. 4). Ang mga
nasa lower class ang kadalasang gumagawa nito para na rin sila ay magkaroon ng malaking kita
at gagamitin para sa kanilang pangangailangan. Hindi na nila iniisip kung makasasama ba ito sa
kalikasan. Nagiging dahilan naman ito sa pagiging endangered ng ilang uri ng halaman at
pagkasira ng tahanan ng ibang hayop. Nagaganap rin ang pagpapadala ng mga halamang ito sa
ibang bansa o pagpapadala nito dito sa atin. Ito ay ipinagbabawal sapagkat maaari itong
magdala ng sakit na makasasama sa iba pang pananim. Dahil rito, ipinatupad ng Department of
Natural Resources (DENR) ang matinding pagbabantay sa mga kagubatan upang mabawasan na
ang ang mga plant poachers. (De Vera-Ruiz, 2020, tala.10) Ang sinumang mahuhuli na
isinasagawa ito ay may kaukulang parusa tulad ng 12 na taong pagkakakulong. Mahihigpit na rin
ang mga departamento sa proseso ng pagpapalitan ng mga halaman sa ibang bansa.
YESHANDRA CUARTEROS
ABM211

Ikatlo, ang nasabing libangan ay mayroon ring epekto pagdating sa katayuan sa lipunan.
Ang terminong “plantita” ay magagamit lamang sa mga nasa middle o upper class na kayang
gumastos ng malaking halaga para sa kanilang kinagigiliwan na gawain. Kasama na rin ang
kanilang pag-post sa social media ng kanilang halaman. Sinasabing ito ay pampilipas oras na
maaaring nang mga may kaya. Habang ang mga nasa lower class ay hindi nakasasabay sa uso
dahil sa kakulangan sa panggastos at walang sapat na espasyo para sa hardin. Mas uunahin nila
ang mga pangangailangan tulad ng pagkain kaysa mag-aksaya ng salapi sa mga halaman.
Ipinapahiwatig nito ang dibisyon ng iba’t ibang klase ng katayuang sosyo-ekonomiko.
Ipinapakita rin na ang nasabing gawain ay hindi makamasa at libangan lamang ito ng
makapangyarihan at mayayaman. 

Sa kabila ng lahat ng negatibong epekto nito, naging daan rin ito upang magkakilala at
magka-isa ang mga plantita at plantito. May mga grupo na kanilang kinabibilangan kung saan
sila ay nakakapag-usap usap tungkol sa pag-aalaga at pagpapayabong ng mga halaman.
Nabibigyan din sila ng kaalaman tungkol sa nagaganap na mga plant poaching paano nila ito
maiiwasan. Mayroon na ring gender inclusive na katawagan tulad ng “plant parent”. Tumataas
na rin ang bilang ng mga milenyal na mas pinipiling mag-invest sa paghahalaman upang
makatipid sa gastusin (Bond, 2019, tala.4). Isa rin itong paraan upang mawala ang stress at
anxiety lalo na ngayong panahon ng pandemya. 

Sa biglang pag-usbong ng mga plantita at plantito, nabigyang kamalayan tayo sa iba’t


ibang isyung panlipunan lalo na ang isyu sa katayuan sosyo-ekonomiko. Sinasabing imbes na
makatulong sa kalikasan ay para bang ginagawang luho ang pagtatanim. Ang terminong
“plantita” ay nagpapakita ng katangian ng pagiging magastos o pag-aaksaya ng salapi. Dahil rito,
ang pagtatanim halaman ay may dibisyon na rin depende sa iyong estado sa lipunan. Ang
kinikitang problema rito ay ang paggamit ng katawagan sa isang ordinaryong gawain. Mas
lalong makikita rito kung gaano kalala ang diskriminasyon sa pagitan ng iba’t ibang klase sa
ating lipunan. 

You might also like