____1. Magkaroon ng disiplina sa sarili sa paggamit ng kuryente. ____2. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga sa kalikasan. ____3. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan ng ating kapaligiran. ____4. Disiplinahin ang mga anak. ____5. Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan.sa pagtatanim ng puno. Mga Likas na Yaman na Halimbawa ng Likas Kayang Pag- unlad Ang Talong Maria Cristina ang pangunahing pinagmu- mulan ng koryenteng pinadadaloy sa Mindanao. Ang plantang ito ang kumokontrol sa pag-agos ng tubig sa lawa at 90 porsiyento ng tubig ng lawa ang ginagamit para operasyon ng planta SPRATL Y ISLAND Napapalibutan ito ng dagat na mayaman sa isda at mga malalaking deposito ng langis. Dahil dito, pinag- aagawan ito ng iba't ibang bansa. Pinagkukunan din ito ng enerhiya at kuryente Ang Bulkang Mayon ay isa sa mga mahahalagang parte ng kultura at kasarinlan ng bansang Pilipinas. Ito’y dahil parte ito ng likas na yaman ng ating bansa Dahil dito, maraming trabaho ang nagagawa sa industriya ng turismo, edukasyon, agham, at iba pa. Bukod dito, nagiging “tourist spot” rin ito para sa mga dayuhan Mahalaga ang mga windmill dahil sila ay mga halimbawa ng “renewable energy source” o mga pinakukunan ng enerhiya na maibabalik pa. Crop Rotation-ang tawag dito, na ang ibig sabihin ay ang ipapalit na pananim sa palayan ay mga gulay o kung ano -pa na makatutugon sa pangangailangan ng tao, na hindi nasisira ang kalikasan. ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL. 1. Ano ang pinakamahalagang bigay sa atin na tulong ng mga talon upang mapadali at mapagaan natin ang ating pamumuhay? A. Kuryente B. Paliguan C. Tubig D. Magandang tanawin 2. Ano ang ibig sabihin ng crop rotation? A. Pagtatanim ng palay lamang B. Pagtanim ng iisang uri ng gulay C. Paglalagay ng pataba (fertilizer) sa halaman D. Pagtatanim ng gulay at iba pang kauri nito kapalit ng iba pang pananim. 3. Ano ang naibibigay ng windmill sa atin na tulong? A. Hangin B. Direksiyon C. Enerhiya D. Wala sa nabanggit 4. Saan nagmumula ang enerhiya sa titnatawag na solar energy? A. Hangin B. Bagyo C. Ulan D. Araw 5. Alin ang nakapagbibigay ng enerhiya na makatutugon din sa pangangailangan ng tao na galing sa init ng singaw ng lupa.