You are on page 1of 5

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF ENGINEERING AND ARCHITECTURE


Department of Architecture

KURSO/SUBJECT: SOSLIT 213


PANGALAN: Benedict M. Puzon
ANTAS/SEKSYON: BS Architecture 4-B
Gawain 4

Bumuo ng isang sanaysay na naglalaman ng mga isyung panlipunan. Ito dapat ay may
panimula, katawan, at wakas. Talakayin ang mga nakikitang isyung panlipunan sa isang
malikhaing paraan. Maaaring ipaliwanag ang mga isyung ito at ikumpara sa buhay na
nararanasan ng mga tao sa lipunan. Maaaring bumuo ng isang sanaysay mula sa mga
obserbasyon, karanasan at kathang isip.

Narito ang mga natalakay na Paksa sa Sosyedad at Literatura

1. Panitikan Hinggil sa mga Pangkat Minorya

2. Panitikan Hinggil sa Lipunan/ Kahirapan

3. Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao

4. Panitikan Hinggil sa Kasarian

5. Panitikan Hinggil sa mga Manggagawa

6. Panitikan Hinggil sa Pamilya

7. Panitian Hinggil sa Bayan

Pumili lamang ng isang paksa mula sa mga ito at gawing basehan sa inyong sana

2022
Panitikan Hinggil sa Lipunan/ Kahirapan
Kahirapan Sanhi ng Paninigarilyo: Masamang epekto nito sa lipunan, sa Kalusugan,
Kapaligiran, Kabataan at buhay ng tao
ni: Benedict M. Puzon

Sa panahon ngayon, hindi lingid isa ating kaalaman na laganap na ang paninigarilyo sa
ating bansa, mapa-propesyonal, estudyante, bata-matanda, at kahit ang mga menor de edad ay
sumusubok nito. Hindi lingid sa ating kaisipan na maraming epekto sa kalusugan, kapaligiran at
sa ating mga kabataan o mag-aaral ang paninigarilyo, ngunit ito ay ipinagsasawalang bahala dahil
karamihan ng gumagamit nito ay ang kanilang pangunahing bisyo at paraan upang maisantabi o
maibsan sa maikling oras ang kanilang mga problema. Karamihan sa mga gumagamit nito ay ang
mga tambay o walang trabaho at salat sa buhay, kahit na mahirap ang buhay at walang
pinagmumulan na kita o kaya ay hindi sapat ang kanilang kita, imbis na ibili ng pagkain para sa
pamilya inuuna pa ang kanilang bisyo sa paninigarilyo kaya hindi nakapagtataka na ito ay
tinutularan din ng mga kabataan at hindi maka ahon sa kahirapan.

Ayon sa DOH, 12 sa bawat 100 teenager na edad 13-15 ay naninigarilyo na. Samantala,
16 milyong Pilipinong edad 15 pataas naman ang naninigarilyo. Mahigit 24 milyong tao sa bansa
rin ang nakakalanghap ng hanging may halong usok ng sigarilyo. Ngunit may babala ang DOH
NCR regional director Dr. Corazon Flores, kung ang akala ng karamihan ay sakit sa baga lang
ang maaaring makuha sa paninigarilyo at ayon sa DOH ay mahigit na 100,000 ang namamatay
kada taon dahil sa paninigarilyo at maaring pagka lugmok ang dulot nito.

Bukod sa nakakaadik na nicotine, ang isang stick ng sigarilyo ay may taglay na 12 kemikal
na lubhang masama para sa kalusugan. Kabilang dito ang carbon monoxide na makikita rin sa
buga ng tambutso, butane o lighter fluid, at arsenic na isang uri ng lason. Ang nakakalungkot,
hindi lang daw ang mga humihithit ng yosi ang apektado. Mahigit 24 milyong tao sa bansa ang
nakakalanghap ng hanging may halong usok ng yosi.

"Delikado rin talaga yung second hand smoke dahil nakakadulot din ng sakit. Meron na
rin tayong tinatawag na third hand smoke. 'Yung amoy na naiiwan sa damit o mga kurtina," ani
Flores.

2022
Sa ating bansa, hinidi matatanggi na maraming kabataan ang nalululong sa paninigarilyo
sa muang edad pa lamang. Ang paninigarilyo ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa
buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao sa bawat labintatlong segundo, o 1
milyong tao sa isang taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.

Kabataan and kadalasang gumagamit o biktima ng paninigarilyo. Sinasabi ng karamihan


na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ngunit sa panahon ngayon, mas binibigyan ng pansin
ng ibang kabataan ang bisyo kaysa sa pag-aaral. Maaaring hindi man nila ito ginagamit o
ginagawa, ngunit kung nalalanghap nila ang usok ay hindi maiiwasan na may epekto ito sa
kalusugan, sa kanyang pag-aaral at mentalidad na nagiging sanhi sa paghinto sa pag-aaral at
kadalasang nagiging sanhi ng kahirapan dahil nagiging tambay na lamang ito. Ang paninigarilyo
ay nakakasama din sa kapaligiran dahil nakakaragdag ito ng polusyon na maaaring maka apekto
sa ating lipunan o sa kalusugan ng tao,kalusugan, ng mga hayop, mga kagubatan at halaman.

Ang paninigarilyo ay nagdaragdag din ng panganib ng sakit sa puso, kanser sa baga,


diabetes at sakit sa buto. Madalas din itong sanhi ng hika. Ang mga naninigarilyo ay dumaranas
ng panghihina, igsi ng paghinga, madalas na pagbahin at pag-ubo, pananakit ng ulo, at mga
pagbabago sa amoy at lasa. Ang paninigarilyo ay maaari din maging sanhi ng pangangati ng
balat, paninilaw ng mga ngipin at mga kuko, at mabahong paghinga. Hindi maitatanggi na marami
itong epekto sa ating kalusugan, bakit mo ipagpapalit ang iyong kalusugan sa isang bisyo na
dahilan kung bakit gumagastos ka ng salapi dahilan kung bakit hindi maka ahon sa buhay at
maaaring magbigay ito sa iyo ng malubhang sakit?

Buod at Kongklusyon:

Ang pananaliksik o sanaysay na ito ay nakabatay sa masamang epekto ng paninigarilyo


sa lipunan, sa kalusugan, kapaligiran at kabataan at upang maliwanagan ang isipan ng mga
nalululong sa paninigarilyo sa murang edad pa lamang at makakatulong ito bilang paalala hindi
lamang sa mga kabataan kundi maging sa mga taong kumakayod ngunit ipanambibili ito sa
masamang bisyo na nagiging sanhi ng kahirapan.. Ang kahalagahan ng pagaaral o sanaysay na
ito ay upang mabigyan ng impormasyon ang mga mambabasa tungkol sa masamang epekto ng
paninigarilyo sa kalusugan at kapaligiran, upang maturuan ang mga kabataan, at magkaroon ng

2022
kamalayan sa problema sa ating lipunan upang ito ay malutas o masolusyunan. At bawasan ang
bilang ng mga bata na sumusunod sa masamang bisyo tulad ng paninigarilyo.

2022
Sanggunian/References:

Araza, J. (n.d.). 46321313-Pananaliksik-ukol-sa-Epekto-Ng-PaninigarilyoPananaliksik.docx.

Www.academia.edu. Retrieved April 19, 2022, from

https://www.academia.edu/38381047/46321313_Pananaliksik_ukol_sa_Epekto_Ng_Pan

inigarilyo_Pananaliksik_docx

Comia, J. E. (2010, November 21). Pamanahunang Papel (Pananaliksik Tungkol Sa

Paninigarilyo). Filipino Corner.

http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/pamanahunang-papelpananaliksik-

tungkol.html

Cruz, S. (n.d.). Masamang Epekto ng Paninigarilyo sa mga Kabataan,Kalusugan at Pagaaral.

Www.academia.edu.

https://www.academia.edu/37061330/Masamang_Epekto_ng_Paninigarilyo_sa_mga_Ka

bataan_Kalusugan_at_Pag_aaral

News, A.-C. (2019, May 31). Higit 24 milyong Pinoy biktima ng hanging may halong usok ng

yosi: DOH. ABS-CBN News; ABS-CBN News.

https://news.abscbn.com/news/05/31/19/higit-24-milyong-pinoy-biktima-ng-hanging-may-

halong-usok-ng-

yosi-doh

2022

You might also like