Professional Documents
Culture Documents
Puzon, Benedict M. Gawain4 BSAR-4B
Puzon, Benedict M. Gawain4 BSAR-4B
Bumuo ng isang sanaysay na naglalaman ng mga isyung panlipunan. Ito dapat ay may
panimula, katawan, at wakas. Talakayin ang mga nakikitang isyung panlipunan sa isang
malikhaing paraan. Maaaring ipaliwanag ang mga isyung ito at ikumpara sa buhay na
nararanasan ng mga tao sa lipunan. Maaaring bumuo ng isang sanaysay mula sa mga
obserbasyon, karanasan at kathang isip.
Pumili lamang ng isang paksa mula sa mga ito at gawing basehan sa inyong sana
2022
Panitikan Hinggil sa Lipunan/ Kahirapan
Kahirapan Sanhi ng Paninigarilyo: Masamang epekto nito sa lipunan, sa Kalusugan,
Kapaligiran, Kabataan at buhay ng tao
ni: Benedict M. Puzon
Sa panahon ngayon, hindi lingid isa ating kaalaman na laganap na ang paninigarilyo sa
ating bansa, mapa-propesyonal, estudyante, bata-matanda, at kahit ang mga menor de edad ay
sumusubok nito. Hindi lingid sa ating kaisipan na maraming epekto sa kalusugan, kapaligiran at
sa ating mga kabataan o mag-aaral ang paninigarilyo, ngunit ito ay ipinagsasawalang bahala
dahil karamihan ng gumagamit nito ay ang kanilang pangunahing bisyo at paraan upang
maisantabi o maibsan sa maikling oras ang kanilang mga problema. Karamihan sa mga
gumagamit nito ay ang mga tambay o walang trabaho at salat sa buhay, kahit na mahirap ang
buhay at walang pinagmumulan na kita o kaya ay hindi sapat ang kanilang kita, imbis na ibili ng
pagkain para sa pamilya inuuna pa ang kanilang bisyo sa paninigarilyo kaya hindi
nakapagtataka na ito ay tinutularan din ng mga kabataan at hindi maka ahon sa kahirapan.
Ayon sa DOH, 12 sa bawat 100 teenager na edad 13-15 ay naninigarilyo na. Samantala,
16 milyong Pilipinong edad 15 pataas naman ang naninigarilyo. Mahigit 24 milyong tao sa
bansa rin ang nakakalanghap ng hanging may halong usok ng sigarilyo. Ngunit may babala ang
DOH NCR regional director Dr. Corazon Flores, kung ang akala ng karamihan ay sakit sa baga
lang ang maaaring makuha sa paninigarilyo at ayon sa DOH ay mahigit na 100,000 ang
namamatay kada taon dahil sa paninigarilyo at maaring pagka lugmok ang dulot nito.
"Delikado rin talaga yung second hand smoke dahil nakakadulot din ng sakit. Meron na
rin tayong tinatawag na third hand smoke. 'Yung amoy na naiiwan sa damit o mga kurtina," ani
Flores.
2022
Sa ating bansa, hinidi matatanggi na maraming kabataan ang nalululong sa paninigarilyo
sa muang edad pa lamang. Ang paninigarilyo ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa
buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao sa bawat labintatlong segundo, o 1
milyong tao sa isang taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.
Buod at Kongklusyon:
2022
kamalayan sa problema sa ating lipunan upang ito ay malutas o masolusyunan. At bawasan
ang bilang ng mga bata na sumusunod sa masamang bisyo tulad ng paninigarilyo.
2022
Sanggunian/References:
https://www.academia.edu/38381047/46321313_Pananaliksik_ukol_sa_Epekto_Ng_Pan
inigarilyo_Pananaliksik_docx
http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/pamanahunang-papelpananaliksik-
tungkol.html
Www.academia.edu.
https://www.academia.edu/37061330/Masamang_Epekto_ng_Paninigarilyo_sa_mga_Ka
bataan_Kalusugan_at_Pag_aaral
News, A.-C. (2019, May 31). Higit 24 milyong Pinoy biktima ng hanging may halong usok ng
https://news.abscbn.com/news/05/31/19/higit-24-milyong-pinoy-biktima-ng-hanging-may-
halong-usok-ng-
yosi-doh
2022