You are on page 1of 40

MGA NEGATIBONG EPEKTO SA PAGGAMIT NG SIGARILYO SA

KALUSUGAN NG MGA PILING MAG-AARAL SA IKALABING


DALAWANG BAITANG NG SENIOR HIGH SCHOOL NG HOLY CROSS
COLLEGE OF SASA, INC.
_____________________________________________

Isang Konseptong Papel


na Iniharap sa
Paaralan ng Holy Cross College of Sasa, Inc.
______________________________________
Bilang Pagpapatupad sa
Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang
Filipino 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
______________________________________

Alpetche, Noel
Ancheta, Cyrus Dale
Demillo, Justine
Parafina, Princess Nicole
Rallos, Kris Marco
Sajili, Alyssa Mea

Mayo 2023
RASYONALE

Sa kasalukuyang taon ng pag-aaral ang sigarilyo ang isa sa mga malaking

problema na kinakaharap ng Holy Cross College of Sasa Inc. na hanggang

ngayon ay hindi pa rin na bibigyan ng solusyon. Habang lumalapit ang katapusan

ng taon ng pag-aaral ay siya ring paglala ng problemang ito. May iba sa mga

estudyante ng Holy Cross College of Sasa Inc. ay hindi na lamang naninigarilyo

sa labas na malapit sa paaralan, ngunit sila ay nag-dadala na rin mismo ng

sigarilyo o kung hindi naman ay vape sa loob ng paaralan. Ang problemang ito

ay hindi lamang nakakasira sa pag-aaral ng mga estudyante ng Holy Cross

College of Sasa, Inc. ngunit, masisira rin nito ang pangalan at reputasyon ng

mismong paaralan.

Ang sigarilyo ay unang ipinakilala sa Estados Unidos noong unang bahagi

ng ika-19 na siglo. Bago ang sigarilyo, ang tabako ay ang pangunahing

ginagamit sa mga tubo at cigar, sa pamamagitan ng pagnguya at pagsinghot. Sa

panahon ng digmaang sibil pa lamang ang paggamit ng sigarilyo ay mas naging

papular ito. Ang pangunahing sangkap ng sigarilyo ay dahon ng tabako. Ayon sa

Med India, ang isang sigarilyo ay naglalaman ng mahigit 4,000 na kemikal na

maaring   makaapekto sa kalusugan at pag-iisip ng isang tao. Ilan sa mga

nakakamatay na kemikal nito ay carbon monoxide, tar, benzene, arsenix,

formaldehyde, at nicotine na dahilan kung bakit nakakaadik ang sigarilyo.

Sa panahon ngayon mas lumaganap na ang paggamit ng sigarilyo.

Marami na ring mga klase-klaseng sigarilyo ang naimbento. Sa kabila ng mga


masasamang epekto nito ay marami parin ang mga tao ang gumagamit ng

sigrailyo; isa na rito ang mga kabataan, kadalasan sa mga kabataan ay

nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong taong gulang (7), habang nagiging

regular naman ang paggamit ng sigarilyo sa edad na labing tatlo (13) hanggang

labing limang (15) gulang.

Kadalasan sa mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang

huminga, laging,bumabahing, at umuubo. Ilan lang iyan sa mga sintomas na

nararanasan ng mga naninigarilyo. Ayon sa Department of Health (DOH), isang

tao kada labing tatlong (13) segundo, o isang milyonh katao taon-taon ang

namamatay dahil sa paninigarilyo. Sapagkat, ang paninigarilyo ay nagiging sanhi

kung bakit ang isang tao ay nakakaranas ng sakit sa puso, sa baga,

asteoporasis, at mara pang ibang sakit na maaring sanhi ng paninigarilyo.

Sa isang pananaliksik nila Palmes, M. S., et. al., (2021) nakasaad na

mauugnay ang paninigarilyo sa mababang academic performance ng mga mag-

aaral. Kaya naman mx`asasabi natin na ang paninigarilyo ay napakasama talaga

sa ating kalusugan, lalo na at naging sanhi ito kung bakit maraming namamatay

na tao sa buong mundo taon-taon. Sa pananaliksik na ito ay makikita kung

paano nga ba nakakaapekto ang sigarilyo hindi lamang sa kalusugan ng mga

mag-aaral, ngunit pati na rin mismo sa kanilang academic performance.


MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Gawa ang tabako sa pamamagitan ng pagpapatuyo ng mga dahon ng

mga dahon mula sa dahon ng tabako. Ang nikotina naman ang pangunahing

sangkap nito na nakakalason, pampasigla, at lubhang nakakahumaling

(Australian Government Department of Health Aged Care, 2023). Ang epidemya

ng tabako ay isa sa pinakamahalagang banta sa kalusugan ng publiko na

nararanasan ng mundo, na pumapatay ng mahigit sa 8 milyong tao sa isang

taon, kabilang na rito ang humigit-kumulang 1.2 milyong pagkamatay mula sa

pagkakalantad sa second-hand smoke (World Health Organization, 2022). Kaya

ang lahat ng anyo ng tabako ay nakakapinsala sa kalusugan at katawan ng isang

indibidwal, lalong lalo na ang paninigarilyo na pinaka karaniwang paggamit ng

tabako sa buong mundo. Ayon naman kay West, R. (2017), ang paggamit ng

tabako ay nagdaragdag ng panganib na magkaroon ng iba’t ibang sakit, na

marami sa ito ay nakakamatay. Dagdag pa nito na ang pagtigil ng paninigarilyo

sa anumang edad ay mas mainam kaysa papapatuloy nito.

Ayon sa istatistika na isinagawa sa Statista, (2022) na pinamagatang

“Countries with the highest number of smokers worldwide as of 2019”. Sa taong

2019, ang bansang China ang may pinakatas na bilang ng mga nainigarilyo sa

buong mundo na humigit kumulang 318.1 milyong kalalakihan at 23.3 milyong

kababaihan sa kasalukuyang naninigarilyo. Ayon naman sa American Lung

Association (2022) ang mga taong nag-simulang manigarilyo sa murang edad ay


mas malaking posibilidad na magkaroon ng matinding pagkagumon sa nikotina

kaysa sa mga taong huli na nagsimula Ang paninigarilyo simula sa pagkabata at

pagbibinata ay nagdudulot ng malaking problema sa kalusugan ng mga

kabataan, kabilang na rito ang pagtaas ng maga bilang at kalubhaan ng mga

kabataang nakakaranas ng sakit sa baga at mahina ang pisikal na kalusugan.

Dagdag pa nila kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari tinatayang nasa

mahigit 5.6 milyon ng mga kabataan na nasa edad labing walong (18) taong

gulang ang maaaring mamatay ng maaga dahil sa sakit na maiuugnay sa

paninigarilyo.

Sa Pilipinas, 23.8% ng mga Pilipino ang gumagamit ng mga produktong

tabako. Maraming negatibong epekto ang paninigarilyo, lalo na sa ating katawan.

Ang usok ng tabako ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao at ang

paninigarilyo ng anumang uri nito ay sinasabing nakamamatay. Ang pagsusunog

ng tabako ay naglalabas ng higit sa pitong libo (7,000) na mga kemikal.

Karamihan sa mga kemikal na ito ay nakakalason, at 69 sa mga ito ay

nagdudulot ng kanser. Karamihan sa mga sangkap na matatagpuan sa tabako

ay matatagpuan din sa iba pang mga produkto ng tabako tulad ng snuff. Sinasabi

ng mga eksperto na ang paninigarilyo ay mas mapanganib kaysa sa

paninigarilyo dahil naglalaman ito ng mas mataas na antas ng carcinogens at

toxins. Ang pinsala ng paninigarilyo ay nakakatakot, kahit na para sa mga taong

hindi talaga naninigarilyo. Nakamamatay din ang passive smoking. Ngunit

sinasabi ng mga eksperto sa kalusugan na ang mga naninigarilyo ay tatlong


beses na mas malamang na mamatay kaysa sa mga hindi naninigarilyo.  (Blwn,

K. 2019)

Ayon sa pananaliksik na isinagawa ni Borres, J. E., (2021) sa Holy Child

College of Davao nakakaapekto ang sigarilyo sa ating immune system, na

nagpoprotekta sa atin mula sa iba't ibang sakit. Marami sa mga gumagamit ang

nakakaalam ng mga negatibong epekto ng paninigarilyo, tulad ng sakit sa puso

at kanser, ngunit marami sa atin ang hindi nakakaalam na nangyayari rin ang

nagbabanta sa paningin at mga sakit sa mata

Ayon sa Thombs, B. D., et. al, (2017) 18 porsyento ng mga kabataan sa

Canada ang sumubok na manigarilyo, mula 3 porsiyento sa ikaanim na baitang

hanggang 36 porsyento sa ika labindalawang baitang. Ang pangunahing dahilan

kung bakit nagpasya ang mga kabataan na magsimulang manigarilyo ay dahil sa

kanilang edad, kasarian, impluwensya ng mga kaibigan at pamilya, at sa

komunidad na kanilang tinitirhan. Karamihan sa mga nasa hustong gulang ay

nagsisimulang manigarilyo kapag sila ay 18 taong gulang. Ayon sa Hospice

(2020) marami ang dahilan kung bakit naninigarilyo ang isang tao. Isa na rito ang

impluwensiya ng media dahil ito ay gumaganap ng isang makabuluhang papel sa

paglalarawan ng imahe ng isang naninigarilyo. Ngunit, partikular ang mga

pangkat ng populasyon na may mas mataas na antas ng paninigarilyo ay mas

maaring nasa mga kapaligiran na kung saan ang paninigarilyo ay karaniwan.

Sa kontekstong Pilipinas, ipinahayag ni Tupas, F. P., & Agreda, M. I. V.

(2020) na ang mga mag-aaral sa Northern Iloilo ay nagsimula nang manigarilyo


sa murang edad. Natuto silang manigarilyo noong elementarya sa kadahilanan:

mga magulang, kamag-anak, at mga kaibigan at patuloy na naninigarilyo

hanggang sa maabot nila ang pagtanda. Ang karamihan ng mga mag-aaral na n

Inerekomenda nina Esteban-Ipac, N. A. R., & Torres-Ticzon, V. M. (2022). Na

ang mga faktor ay may isang makabuluhang epekto sa kanilang desisyon na

magsimula sa paninigarilyo. Gayunpaman, kung sila ay isang non-smoker, nag-

sinubukang manigarilyo, o sa kasalukuyang gumagamit ng sigarilyo ay kailangan

nilang mapag aralan ang tungkol sa mga epekto at ng nito, kailangan pa rin

silang mas maturuan tungkol sa mga epekto at bunga ng

paninigarilyo.akikibahagi sa paninigarilyo ay kabilang sa below average na mga

nag-aaral.

Ayon sa news article na inilabas ni Salveron, R. J. D., (2017) ipinahayag

ni Dr. Tamayo, A. na kamakailan lang sa isang survey na isinagawa ng Institute

of Popular Opinion (IPO) ng Universidad ng Mindanaom, lumalabas na ang

kabataan sa lungsod ng Dabawa ay nagsimulang manigarilyo sa edad na

labindalawang (12) taong gulang. Lumalabas rsa survey na 97% ng mga

kabataang naninigarilyo sa lungsod ng Dabaw ay naimpluwensyahan naman ng

sarili nilang kamag-anak.

Backhaus et al. (2017) ay nagsasaad na ang paaralan ay isang

kapaligiran na nagpapakita ng makabuluhang epekto sa mga desisyon ng mag-

aaral sa buhay gayundin sa kanilang mga pagganap sa paaralan. Ang isang

pananaliksik sa Islamabad, Pakistan nina Ullah, S. et al. (2019) ay nagpapakita

na ang paggamit ng tobacco ay isang pangunahing predictor ng mababang


academic performance sa mga estudyante sa unibersidad. Ang mataas na rate

ng mga naninigarilyo ay isang malaking pag aalala at ang epekto nito sa

akademiko ay higit pa. Ang sigarilyo ay natagpuan na may makabuluhang

negatibong epekto na konektado sa academic achievement. Ang mga

gumagamit ng sigarilyo ay mga lalaki, mga bata na may mga magulang na

gumagamit ng sigarilyo o mga kaibigan na naninigarilyo ay may mas mataas na

rate ng mababang pagganap sa akademiya. Inihayag naman nina Attala, S. M.,

et. al, (2020) na ang mga estudyante na naninigarilyo ay may mas mababang

average na grado kaysa sa mga mag-aaral na hindi gumamit, na nagpapakita ng

koneksyon sa pagitan ng paninigarilyo at academic performance. Ayon naman

kay Alqahtani, J. S., et. al, (2023) lumalabas sa kanilang isinagawang

pananaliksik na ang studyante na naninigarilyo ay may makabuluhang mas

mababang GPA, mas mataas na rate ng pagliban, at mas mataas na bilang ng

mga babala sa akademiko kung ihahambing sa mga hindi naninigarilyo.

Robert, P., et. al, (2019) ayon sa kanila bagama't mas laganap ang

paninigarilyo sa mga paaralang bokasyonal kaysa sa mga paaralang hindi

bokasyonal, ang mababang pagganap sa akademiko ay mas malakas na

nauugnay sa pang-araw-araw na paninigarilyo sa mga paaralang bokasyonal

kaysa sa mga paaralang hindi bokasyonal at partikular na malakas sa mga

paaralang hindi sumusubaybay. Ayon sa pananaliksik ni Bantilan, J. L., et. al,

(2022) natuklasan ng kanilang pag-aaral na ang paninigarilyo ay may negatibong

epekto sa academic performance sa mga mag-aaral, lalong-lalo na sa mga mag-

aaral na malakas manigarilyo. Sinabi rin nila na ang mga mag-aaral na may
mababa na grado ay malaking posibilidad na manigarilyo kaysa sa mga mag-

aaral na mayroong magandang grado. Napag-alaman ni Alqahtani, J. S., et. al,

(2023) sa kanilang pananaliksik na makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng

pagkonsumo ng sigarilyo at mahinang pagganap sa akademiko. Ang kanilang

nalaman ay sumasang-ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong 1960s na

natagpuan na mas mababa talaga ang grado ng mga naninigarilyo kumpara sa

mga hindi naninigarilyo.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay pag-aralan at ipaalam ang mga

epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga mag-aaral sa baitang labing-

dalawa (12). Lalong-lalo na at isa ang sigarilyo sa mga dahilan kung bakit

marami ang nagkakasakit at namamatay sa mundo. Balak din pag-aralan ng

mga mananaliksik kung ano nga ba ang ugat kung bakit ang iba sa mga mag-

aaral ng Holy Cross College of Sasa Inc. ay gumagamit ng pinagbabawal na

sigarilyo kahit na ang iba sa kanila ay mayroon ng sapat na kaalaman sa kung

gaano kadelikado ang sigarilyo para sa kanilang kalusugan.

Ang pananaliksik na ito ang siyamg magbibigay gabay upang mas

magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral kung gaano kasama ang epekyo

nito at ano ang kanilang maaring gawin upang maiwasan na ang pagsisigarilyo.

 Para sa mga mag-aaral – bilang isang mag-aaral alam natin na ang

paggmatin ng sigarilyo ay nakasasama hindi lamang sa kalusugan, pati na


rin sa academic performance ng mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay

makatutulong upang maunawan ng mga-aaral ang masamang epekto ng

paninigarilyo nang sa gayon ay mabawasan ang mga mag-aaral na

sumusubok manigarilyo.

 Para sa mga guro – parte sa trabaho ng mga guro na turuan tayo sa kung

ano ang tama o mali at gabayan tayo sa tamang landas. Ang pananaliksik

na ito ay ang mag-sisilbing gabay sa mga guro upang kanilang

mutulungan at magabayan ang kanilang mga mag-aaral, sa pamamagitan

ng pag-alam ng mga sanhi kung bakit naninigarilyo ang mga ito.

 Para sa mga magulang – makatutulong ito sa ating mga magulang upang

may kaalaman sila sa mga ginagawa nang kanilang mga anak at

mapagsabihan o mapigilan silang manigarilyo. Ang ating mga magulang

ang pinaka-unang tao na walang sawang sumusuporta at gumagabay sa

atin.

 Para sa mga susunod na mamanaliksik – mabuting maunawan kung ano

at gaano ng aba kasama ang epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan

hindi lamang bilang isang mag-aaral ngunit bilang isang indibidwal. Ang

pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga susunod pang henerasyon

upang kanilang mas mapaglawak pa ang pag-aaral naming ito.


METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay isang kwantitatibo. Ang kwantitatibong

pananaliksik ay ang proseso ng pagkolekta at pagsusuri ng mga “numerical

data”. Sa pananaliksik na ito ay nais malaman ng mga mananaliksik kung ano

nga ba ang epekto sa kalusugan ng paggamit ng sigarilyo sa kalusugan ng mga

estudyante sa Holy Cross College of Sasa Inc. Ang mga kalahok ng pananaliksik

ay mga estudyante sa ikalabing-dalawang (12) baitang ng Holy Cross College of

Sasa Inc., na nagmumula sa iba’t-ibang strand sa pamamaraan ng pagsasarbey

sa kanila sa loob ng kanilang silid-aralan. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng

tatlumpung (30) mag-aaral na sasagot sa sarbey. Ang mga mananaliksik ay

gumamit ng sarbey kwestyoner bilang pamamaraan ng pagkalap ng datos o

impormasyon upang malaman ang karanasan ng mga estudyante simula ng sila

ay gumamit ng sigarilyo. Ginamit ng mga mananaliksik ang messenger upang

kanilang maipadala ang kanilang sarbey kwestyoner sa mga respondente.


Ang mga nakalap na datos ay itinala, hinanay, at isa-isang sinuri gamit

ang pormulang istatistikal na ito:

                                                              F

P= x 100

              N

Palatandaan:

P — Bahagdan/Porsyento

F — Frequency

N — Kabuuang bilang ng mga respondate

100 — Kabuuang Bahagdan


INAASAHANG BUNGA

Ang makikita sa bahaging ito ay ang bunga at resulta ng aming

isinagawang sarbey para sa aming pananaliksik.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondante

SARBEY STRAND BILANG NG MGA

RESPONDANTE

Mga piling mag-aaral ng HUMSS 11


baiting labing-dalawa ng Holy ABM 3

Cross College of Sasa Inc. GAS 4

TVL (HE) 3

TVL (ICT) 9

Kabuuang bilang ng mga

respondante 30

Ang mga target na respondate ng aming pagsisiyasat ay ang mga piling

mag-aaral ng Holy Cross College of Sasa, Inc., lalo na sa mga mag-aaral na

nasa ikalabing-dalawang baitang na nasa mga mga sumusunod na strand:

HUMMS, ABM, GAS, TVL (HE), at TVL (ICT). Batay sa datos na aming nakalap

na makikita sa talahayan, ang HUMMS ay may labing-isang (11) respondate,

tatlong (3) respodante mula sa ABM, apat (4) na respondate mula sa GAS,

tatlong (3) respondate rin sa TVL (HE), at siyam (9) na respondate naman sa

TVL (ICT). Sa kabuuang bilang, nasa tatlongpung (30) respodante ang sumagot

sa sarbey na isiganawa ng mga mananaliksik batay sa pangangalap ng datos

para sa pag-aaral na ito.

Talahanayan 1.1

Kasarian

Bilang ng mga Bilang ng mga


respondateng Bahagdan respondanteng lalaki Bahagdan
(%) (%)
Babae

5 16.7 25 83.3

Sa bahagdan na inyong nakikita sa itaas ay ang distribusyon ng kasarian

ng aming mga respondante. Nagpapakita ito na may limang (5) o labing-anim at

pitong porsyento (16.7%) ng mga kababaihan ang nakilahok sa sarbey na aming

isinagawa. Samantalang, dalawampu’t lima (25) o walongpu’t tatlo at tatlong

porsyento (83.3%) naman sa mga kalalakihan mag-aaral ang sumagot sa sarbey

na aming isinagawa.

Talahanayan 2.1

Mga gumagamit ng sigarilyo

Bilang ng mga Bilang ng mga


respondanteng respondateng
hindi gumagamit ng Bahagdan (%) gumagamit ng Bahagdan (%)

sigarilyo sigarilyo

11 36.7% 19 63.3%

Batay sa nakikita natin sa talahanayan na ito, labing isang (11)

respodante o tatlumpu’t anim at pitong porsyento ang hindi gumagamit ng


sigarilyo ang nakilahok sa isinagawang sarbey ng mga mananaliksik. Samantala,

labing siyam (19) na respondate o animnapu’t tatlo at tatlong porsyento ang

gumagamit naman ng sigarilyo ang nakilahok sa isinagawang sarbey ng mga

mananaliksik.

Talahanayan 3.1

A. Kaugnayan ng

iyong pamilya at Oo Bahagdan Hindi Bahagdan Mabisa Bahagdan

kaibigan sa iyong (%) (%) (%)

paggamit ng

sigarilyo.

1. May naninigarilyo ba

sa iyong pamilya o
18 60% 11 36.7% 1 3.3%
kamag-anak?

2. Naninigarilyo ba ang

iba sa iyong mga


26 86.7% 4 13.3% 0 0%
kaibigan?

3. Isa ba sa miyembro
ng iyong pamilya o

kaibigan ang nag-


10 33.3% 17 56.7% 3 10%
impluwensya sa iyo na

magsigarilyo?

B. Epekto ng

paggamit ng sigarilyo

sa iyong Academic

Performance

1. Lumiliban ka ba sa

klase para lang


11 36.7% 19 63.3% 0 0%
masigarilyo?

2. Bumaba ba ang

iyong grado simula ng


16 53.3% 13 43.3% 1 3.3%
ika’y magsigarilyo? 

3. Malaya ka bang

naka pagsigarilyo sa

loob at labas ng 8 26.7% 20 66.7% 2 6.6%

paaralan?

C. Epekto ng

paggamit ng sigarilyo

sa iyong kalusugan
1. Alam mo bang ang

paninigarilyo ay

masama sa iyong 29 96.7% 1 3.3% 0 0%

kalusugan?

2. Naging sakitin ka ba

mula ng ikaw ay
18 60% 12 40% 0 0%
naninigarilyo?

3. Naging madalas pa

ang iyong pag-ubo

magmula ng ikaw ay
18 60% 12 40% 0 0%
nagsigarilyo?

4. Nagkaroon ka ba ng

problema sa paghinga
8 26.7% 21 70% 1 3.3%
magmula ng ikaw ay

naninigarilyo?

Ang talahanayan na inyong nakikita sa itaas ay ang sarbey-kwestiyoner

na ginamit ng mga mananaliksik upang mangalap ng datos sa mga respondante.

Ito ay sinagutan ng tatlongpung (30) mag-aaral ng Holy Cross College of Sasa,

Inc. sa piling mag-aaral ng baitang labing-dalawa (12). Ang talahanayan na ito ay

nagpapakita bilang at bahagdan ng mga respondate na sumagot ng Oo, Hindi, at

Mabisa sa aming mga katanungan at ipinapakita rin ang tatlong indikasyon ng


aming mga katanungan. Sa indikasyon A. naglalaman ito ng tatlong katanungan.

Sa unang katanungan ating makikita na mayroong labing walo (18) o

animnapung porsyento (60%) ang sumagot ng Oo, labing-isa (11) o tatlongpu’t

anim at pitong porsyento (36.7%) ang sumagot ng Hindi, at isa (1) o tatlo at

tatlong porsyento (3.3%) naman ang sumagot ng Mabisa. Sa pangalawang

katanungan, dalawampu’t anim (26) or walongpu’t anim at pitong porsyento

(86.7%) ang sumagot ng Oo, apat (4) o labing-tatlo at tatlong porsyento (13.3%)

ang sumagot ng Hindi, at sero (0) o sero porsyento (0%) naman ang sumagot ng

Mabisa. Sa panghuli o pangatlong katanungan sa indikasyon A. sampu (10) o

tatlumpu’t tatlo at tatlong posyento (33.3%) ang sumagot ng Oo, labing-pito (17)

o limangpu’t anim at pitong porsyento (56.7%) ang sumagot ng Hindi, at tatlo (3)

o sampung porsyento (10) naman ang sumagot ng Mabisa.

Naglalaman din ng tatlong (3) katanungan ang indikasyon B. Sa unang

katanungan, labing-isa (11) o tatlumpu’t anim at pitong porsyento (36.7%) ang

sumagot ng Oo, labing-siyam (19) o animnapu’t tatlo at tatlong (63.3%) ang

sumagot ng Hindi, at sero (0) o sero porysento (0%) naman ang sumagot ng

Mabisa. Sa pangawalang katanungan, labing-anim (16) o limangpu’t tatlo at

tatlong porsyento (53.3%) ang sumagot ng Oo, labing-tatlo (13) o apatnapu’t tatlo

at tatlong porsyento (43.3%) ang sumagot ng Hindi, at isa (1) o tatlo at tatlong

porsyento (3.3%) naman ang sumagot ng Mabisa. Sa pangatlong katanungan,

walo (8) o dalawangpu’t anim at pitong porsyento (26.7%) ang sumagot ng Oo,

dawalangpu (20) o animnapu’t anim at pitong porsyento (66.7%) ang sumagot ng

Hindi, at dalawa (2) o anim at anim na porsyento (6.6%) ang sumagot ng Mabisa.
Ang huling indikasyon o indikasyon C ay naglalaman ng apat na

katanungan. Sa unang katanungan, dalawangpu’t siyam (29) o siyamnapu’t anim

at pitong porsyento (96.7%) ang sumagot ng Oo, isa (1) o tatlo at tatlong

porsyento (3.3%) ang sumagot ng Hindi, at sero (0) o sero persyonte (0%) ang

sumagot ng Mabisa. Sa pangalawa at pangatlong katanungan parehas na,

labing-walo (18) o pitongpung porsyento (60%) ang sumagot ng Oo, labing-

dalawa (12) o apatnapung porsyento (40%) ang sumagot ng Hindi, at sero (0) o

sero prosyento (0%) ang sumagot ng Mabisa. Sa panghuli o pang-apat na

katanungan sa indikasyon C, walo (8) o dalawangpu’t anim at pitong porsyento

(26.7%) ang sumagot ng Oo, dawalangpu’t isa (21) o pitongpung porsyento

(70%) ang sumagot ng Hindi, at isa (1) o tatlo at tatlong porsyento (3.3%) naman

ang sumagot ng Mabisa.


KONGKLUSYON

Ang bahaging ito ay ang kongklusyon ng aming pananaliksik na

nakabatay sa mga datos na aming nakalap sa aming isinagawang sarbey na

inyong makikita sa itaas na Talahanayan 3.1

Ayon sa resulta ng aming mga nakalap na sagot sa mga piling estudyante

na nanggaling sa iba’t-ibang strand ng labing-dalawang baitang ng Holy Cross

College of Sasa, Inc. Alam nila na ang paninigarilyo ay may masamang epekto

sa kanilang kalusugan. Ipinapakita sa unang resulta ng indikasyon A na

kadalasan sa kanila ay mayroong pamilya, kamag-anak o kaibigan na

nagsisigarilyo, at ang iba sa kanila ay naimpluwensiyahan lamang ng kanilang

pamilya o kaibigan na magsigairilyo. Ayon sa resulta ng datos ng indikasyon B,

hindi man sila lumiliban o malayang nakakapagsigarilyo sa loob o labas ng

paaralan ay bumaba naman ang kanilang grado simula ng sila ay magsigarilyo.

Sa indikasyon C naman ipinakita na, simula nang sila ay magsigarilyo ay


madalas na silang nakakaranas ng pag-ubo at madalas na din silang

nakakaranas ng sakit.

REKOMENDASYON

Ayon sa resulta ng pananaliksik na ito, ang mga sumusunod ay mga

rekomendasyon ng mga mananaliksik patungkol sa benepisyo at kahalagahan

na ginawang pananaliksik. Para sa mag-aaral, guro, magulang, at sa mga

susunod na mananaliksik.

 Para sa mag-aaral. Nirerekomenda sa mga mag-aaral na tigilan na ang

pagsisigarilyo, sapagkat ang pagsisigarilyo ay walang magandang

maiidulot sa kanilang kalusugan. Kapag ipagpatuloy pa rin nila ang

pagsisigarilyo ay maari lamang itong magpalala sa kanilang mga

nararanasang sakit at mas lalong bumaba ang kanilang grado o pumangit

ang kanilang academic performance.

 Para sa guro. Nirerekomenda sa mga guro na alamin ang mga sanhi kung

bakit nagsisigarilyo ang kanilang mga mag-aaral, nang sa gayon ay


kanilang maipaabot sa mga tagapangasiwa ng paaralan na maglunsad ng

programa na naglalayong mapigilan ang paggamit ng sigarilyo sa mga

estudyante ng paaralan. Mas magiging mahusay at produktibo ang

kanilang mga mag-aaral kung ito ay malusog at walang mga bisyo.

 Para sa mga magulang. Nirerekomenda sa mga magulang na gabayan

ang kanilang mga anak na umiwas sa paggamit ng sigarilyo at hikayatin

ang mga ito na tigilan ang paggamit ng sigarilyo, sapagkat inaasahan ng

mga mananaliksik na ang mga magulang ay may sapat na kaalaman sa

masamang epekto ng sigarilyo sa ating kalusugan. Kaya inaasahan ang

mga magulang na maging mabuting halimbawa para sa kanilang mga

anak at palaging kumustahin ang mga ito.

 Para sa mga susunod na mananaliksik. Nirerekomenda sa mga susunod

na mananaliksik na mas paglawakin pa ang sakop na kalahok ng pag-

aaral na ito, na hindi lamang ang mga piling mag-aaral ng ikalabing-

dalawang baitang ng Holy Cross College of Sasa, Inc. Pag-aralan pa ang

mga dahilan kung bakit nagsisigarilyo ang isang mag-aaral nang sa gayon

mabigyan pansin na ang kanilang mga pinagdaraanan at nararamdan.


SANGGUNIAN

Webliograpiya

Alqahtani, J. S., Aldhahir, A. M., Alanazi, Z., Alsulami, E. Z., Alsulaimani, M. A.,

Alqarni, A. A., Alqahtani, A. S., AlAyadi, A. Y., Alnasser, M., AlDraiwiesh, I. A.,

Alghamdi, S. M., Almarkhan, H. M., Alsulayyim, A. S., AlRabeeah, S. M., &

AlAhmari, M. D. (2023). Impact of Smoking Status and Nicotine Dependence on

Academic Performance of Health Sciences Students. Substance Abuse and

Rehabilitation, Volume 14, 13–24.

Retrieved from: https://doi.org/10.2147/sar.s393062

Attalla, S. M., Ruhi, S., Mud, N. F., (2020) Effect of Cigarette Smoking on the

Academic Achievement Among Management and Science University Students.


Malaysian Journal of Medicine and Health Sciences (eISSN 2636-9346)

Retrieved from:

https://medic.upm.edu.my/upload/dokumen/2020090210465904_2019_0495.pdf

Australian Government Department of Health and Aged Care. (2023). What is

smoking and tobacco?

Retrieved from: https://www.health.gov.au/topics/smoking-and-tobacco/about-

smoking-and-tobacco/what-is-smoking-and-tobacco?

Backhaus, I., Egidio, V., Grassucci, D., Gelardine, M., Ardizzone, C., and La

Torre, G. (2017). The link between perceived smoking behavior at school and

students smoking status: a large survey among Italian adolescents. Public

Health, 151, 169-175.

Retrieved from: https://doi.org/10.1016/j.puhe.2017.07.004.

Bantilan, J. L., Pimentel, M. J., Eneran, K., Vinas, K. M., Montebon, N. A. L.,

Laher, S., Igat, M., Evite, D., Evite, J. A., Evardone, J. P., (2022). Impact OF

Smoking Habits IN Academic Performance OF Grade 12 Students IN TAFT

HIGH School. Cotabato State University.

Retrieved from: https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-

university/teacher-education/impact-of-smoking-habits-in-academic-performance-
of-grade-12-students-in-taft-high-school/39182362

Blwn, K. (2021, December 7). Kasamaan ng Paninigarilyo - Kyla Blwn - Medium.

Medium.

Retrieved from: https://medium.com/@kylablwn/kasamaan-ng-paninigarilyo-

24d28e18ee05?fbclid=IwAR3S_1O-

o8yW3kAgv87WdsgZNfhSyvXFFpY28Egpr8VLNjyaNVSwU3mIkUM

Borres, J. E., Cuevas, P., Israel, F. A., Hontonim, J., Layson, J., Repaso, J.,

(2021) The Effect of Cigarette Smoking habits to Young Adults in the Philippines.

Holy Child College of Davao.

Retrieved from: https://www.studocu.com/ph/document/malayan-colleges-

mindanao/english-for-academic-and-professional-purposes/faye-research-

example/33608288

Esteban-Ipac, N. A. R., & Torres-Ticzon, V. M. (2022). Adolescent Smoking: A

Cross-sectional Study on the Knowledge, Attitude and Practices of Filipino

Adolescents in a Tertiary Hospital. Acta Medica Philippina, 56(9).

Retrieved from: https://doi.org/10.47895/amp.v56i9.5449

Hospice. (2020, December 21). Why Do People Smoke Cigarettes: Reasons for

Start Smoking. All American Hospice.


Retrieved fron: https://myallamericanhospice.com/people-smoke-cigarettes/

Palmes, M. S., Trajera, S. M., & Sajnani, A. K. (2021). Knowledge and attitude

related to use of electronic cigarettes among undergraduate nursing students in

an urban university setting in Philippines. Journal of Preventive Medicine and

Hygiene, 62(3), E770–E775.

Retrieved from: https://doi.org/10.15167/2421-4248/jpmh2021.62.3.1709

Robert, P., Kuipers, M. a. G., Rathmann, K., Moor, I., Kinnunen, J. M., Rimpelä,

A., Perelman, J., Federico, B., Richter, M., Kunst, A. E., & Lorant, V. (2019).

Academic performance and adolescent smoking in 6 European cities: the role of

friendship ties. International Journal of Adolescence and Youth, 24(1), 125–135.

Retrieved from: https://doi.org/10.1080/02673843.2018.1475288

Salveron, R. J. D. (2017, June 6). Survey says Davao youth starts drinking,

smoking as early as 12 years old | Davao Today. Davao Today.

Retrieved from: https://davaotoday.com/economy/health/survey-says-davao-

youth-starts-drinking-smoking-as-early-as-12-years-old/

Statista. (2022). Countries with the highest number of smokers worldwide as of

2019.

Retrieved from: https://www.statista.com/statistics/420968/top-countries-by-


number-of-daily-male-smokers/#:~:text=In%202019%2C%20China%20was

%20the,women%20who%20were%20current%20smokers.

Thombs, B. D., A, J. G., Reid, D., Pottie, K., Parkin, P. C., Kate, M., & Tonelli, M.

(2017b). Recommendations on behavioural interventions for the prevention and

treatment of cigarette smoking among school-aged children and youth. Canadian

Medical Association Journal, 189(8), E310–E316.

Retrieved from: https://doi.org/10.1503/cmaj.161242

Tuano, J. (2021). Paano nagdudulot ng kanser ang sigarilyo? - Philippine Society

of Medical Oncology. Philippine Society of Medical Oncology.

Retrieved from: https://psmo.org.ph/paano-nagdudulot-ng-kanser-ang-sigarilyo

%EF%BF%BC/?fbclid=IwAR1VLO-yXXLmpA7_F_8qpgrnjauuYfNdlP-

UmF0pEiZuIri_S8FJlxn0NeM

Tupas, F. P., & Agreda, M. I. V. (2020). How to Stop Before It Starts: The Case

of an Anti-Smoking Campaign for High Schools in the Philippines. Journal of

Educational and Social Research from: https://doi.org/10.36941/jesr-2020-0048

Ullah, S., Sikander, S., Abbasi, M. M. J., Rahim, S. S. S. A., Hayat, B., Haq, Z., &

Ahmad, I. (2019). Association between Smoking and Academic Performance


among Under-Graduate Students of Pakistan, A Cross-Sectional Study.

Research Square (Research Square).

Retrieved from: https://doi.org/10.21203/rs.2.12718/v1

World Health Organization: WHO. (2022). Tobacco. www.who.int.

Retrieved from: https://www.who.int/news-room/factsheets/detail/tobacco?

fbclid=IwAR0D5MNHRoNNjFAlOtOn1N5DmAwJB102BcQHq5mRfD246YydsL4H

Zyvr7Ng

West, R. (2017). Tobacco smoking: Health impact, prevalence, correlates and

interventions. Psychology & Health, 32(8), 1018–1036.

Retrieved from: https://doi.org/10.1080/08870446.2017.132589


Liham Pahintulot sa Pagbabahagi ng Sarbey Kwestiyoner

Mahal naming Respondante,

Magandang araw po sainyo! Kami po ang mag-aaral ng Holy Cross College of


Sasa, Inc. na nagagalak na ibahagi sainyo ang aming liham pahintulot na sagutin
ang aming sarbey kwestiyoner. Kami po ay humihingi ng permiso na maisagawa
ang aming pananaliksik sa pamamagitan ng paglakanap ng datos sa aming
pamagat na "Mga negatibong epekto sa paggamit ng sigarilyo sa kalusugan
ng mga piling mag-aaral sa ikalabing dalawang baitang ng Senior High
School Holy Cross College of Sasa." Ang mga datos na makakalap po namin
sa sarbey ay siyang tunay na makakatulong sa aming pag-aaral.

Kami po ay lubos tanging nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa aming


pahintulot.

Lubos na gumagalang,
Alpetche, Noel
Ancheta, Cyrus Dale
Demillo, Justine
Parafina, Princess Nicole
Rallos, Kris Marco
Sajili, Alyssa Mea

Sa pahintulot ni:

Bb. Gladys D. Valiao


Punong Tagapayo

SARBEY-KWESTIYONER

“Mga Negatibong Epekto sa Paggamit ng Sigarilyo sa Kalusugan

mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing-Dalawang Baitang ng Holy Cross College

of Sasa, Inc.”

Pangalan (Opsyunal): ______________________________ Baitang: _________

Strand: _________________                   Kasarian:     Lalaki __            Babae __

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang katumbas na sagot sa kasalukuyang bilang o

aytem sa mga sumusunod na katanungan.

Gumagamit ng sigarilyo?: Oo __ Hindi __


A. Kaugnayan ng iyong pamilya at kaibigan sa Oo Hindi Mabisa

iyong paggamit ng sigarilyo.

1. May naninigarilyo ba sa iyong pamilya o kamag-

anak?

2. Naninigarilyo ba ang iba sa iyong mga kaibigan?

3. Isa ba sa miyembro ng iyong pamilya o kaibigan

ang nag-impluwensya sa iyo na magsigarilyo?

B. Epekto ng paggamit ng sigarilyo sa iyong Oo Hindi Mabisa

Academic Performance

1. Lumiliban ka ba sa klase para lang masigarilyo?

2. Bumaba ba ang iyong grado simula ng ika’y

magsigarilyo? 

3. Malaya ka bang naka pagsigarilyo sa loob at

labas ng paaralan?

C. Epekto ng paggamit ng sigarilyo sa iyong Oo Hindi Mabisa

kalusugansa iyong kalusugan 


1. Alam mo bang ang paninigarilyo ay masama sa

iyong kalusugan?

2. Naging sakitin ka ba mula ng ikaw ay

naninigarilyo?

3. Naging madalas pa ang iyong pag-ubo magmula

ng ikaw ay nagsigarilyo?

4. Nagkaroon ka ba ng problema sa paghinga

magmula ng ikaw ay naninigarilyo?


LAGOM-BUHAY

NOEL C. ALPETCHE

Vista Verde, Phase 2. Davao City

129558090043

noelalpetche@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan: Pebrero 27, 2003

Lugar ng Kapanganakan: Davao City

Edad: 20

Magulang: Nora C. Alpetche

EDUKASYON
Elementarya: AFPLC Elementary School

Junior High School: F. Bangoy National High School

Senior High School: Holy Cross College of Sasa Inc.

(2022 – present)

CYRUS DALE L. ANCHETA

Phase 7, Doña Pilar, Sasa Davao City

129479110013

sighrus999@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan: Pebrero 03, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Davao City

Edad: 17

Magulang: Merilyn L. Ancheta


ll. Edukasyon

Elementarya: Doña Asuncion Hizon Elementary School

(2012 – 2018)

Junior High School: Holy Cross College of Sasa, Inc.

(2018 – 2022)

Senior High School: Holy Cross College of Sasa, Inc.

(2022 – present)

JUSTINE D. DEMILLO

Sto. Ñino, River Side, Km. 9, Sasa Davao City

129480110036

justinedemillo23@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan: Septembyere 23, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Davao City

Edad: 16

Magulang: Jerico Demillo


ll. Edukasyon

Elementarya: F. Bangoy National High School

(2012 – 2018)

Junior High School: F. Bangoy National High School

(2018 – 2022)

Senior High School: Holy Cross College of Sasa, Inc.

(2022 – present)

PRINCESS NICOLE M. PARAFINA

Luzville Subdivision, Panacan, Davao City.

129477120330

parafinaprincess446@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan: Disyembre 7, 2005

Lugar ng Kapanganakan: Davao City

Edad: 17

Magulang: Marlyn M. Parafina


ll. Edukasyon

Elementarya: AFPLC Elementary School

(2012 – 2018)

Junior High School: F. Bustamante National High School

(2018 – 2022)

Senior High School: Holy Cross College of Sasa Inc.

(2022 – present)

KRIS MARCO A. RALLOS

Airview Heights, Apitong St., Km. 10, Sasa, Davao City

406651150633

marcorallos8@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan: Pebrero 8, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Metro, Manila

Edad: 17

Magulang: Mary Cris A. Rallo


EDUKASYON

Elementarya: San Isidro Catholic School

(2012 – 2018)

Junior High School: Arellano University Jose Abad Santos Campus

(2018 – 2022)

Senior High School: Holy Cross College of Sasa Inc.

(2022 – present)

ALYSSA MEA M. SAJILI

Km. 11, Zone 5, Sasa, Davao City

129488120547

alyssameasajili@gmail.com

PERSONAL NA IMPORMASYON

Petsa ng Kapanganakan: Septyembre 23, 2005

Lugar ng Kapanganakan: Zamboanga City

Edad: 17

Magulang: Jovelyn M. Sajili


ll. Edukasyon

Elementarya: Vicente Hizon Sr. Elementary School

(2012 – 2018)

Junior High School: F. Bangoy National High School

(2018 – 2022)

Senior High School: Holy Cross College of Sasa Inc.

(2022 – present)

You might also like