You are on page 1of 16

MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO NG PANINIGARILYO NG MGA KABATAAN SA

PUROK-3 NG BRGY.PAYAPAG

ISANG PAMANAHONG PAPEL

NA INIHARAP KAY

GNG.DAISY L. JOTOHOT

BILANG BAHAGING KATUPARAN

SA ASUGNATURANG FILIPINO

IKALABING ISANG TAON

PAARALANG SEKONDARYA NG PAYAPAG

NI

JENELLE REAMBONANZA BARO

GRADE-11 BILLGATES

PAYAPAG NATIONAL HIGH SCHOOL

JANUARY 2019
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I-MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG MGA

KABATAAN

A.PANIMULA

B.MGA TIYAK NA LAYUNIN

C.KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

D.SAKLAW AT DELIMITASYON

E.KATUTURAN NG PAG-AARAL

KABANATA II-SANDIGAN NG PAG-AARAL AT MGA KAUGNAY NA LITERATURA

KABANATA III-ISTRATEHIYANG GINAMIT AT PAGKUKUNAN NG DATOS

KABANATA IV-PAGLALAHAD

KABANATA IV-PAGLALAHAD NG KONKLUSYON

KABANATA V-PAGBIBIGAY NG REKOMENDASYON

KABANATA VII-APENDIKS

KABANATA VIII-BIBLIOGRAPIYA
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA

PANINIGARILYO NG MGA KABATAAN SA

PUROK-3 NG BRGY.PAYAPAG
PANIMULA

Marami pa tayong kailangan na malaman at maunawaan sa mundo.May mga

bagay talaga sa ating paligid noon na di natin maaaring pakialaman,pero

paglipas ng panahon maraming bagay ang magbabago ugali nga nagbabago.Sa

panahon natin ngayon,karaniwan na nating makita ang sigarilyo pag may taong

nakatambay.Madaling kumalat s buong mundo ang paninigarilyo ng mga

kabataan Isa na ang kanilang tambayan nila ay sa kalsada,sa tindahan,at pati na

rin sa loob ng bagay.

Kung inyong mapapansin,tila bawat sulok ng ating bansa ay pinupugaran ng mga

nagbebenta at gumagamit ng sigarilyo.Ma paartista man o propesyunal,driver o

kahit ang mismong doctor at bars sa mga ospital ay kabilang sa populasyong

ito.Na kahit sa mahirap na walang makain sa pang-araw-araw ay malakas ding

manigarilyo.

Ang paninigarilyo ng mga kabataan ay lalong kumalat,kaya patuloy itong

gingawan ng paraan para maibsan.Lalo na't pabata ng pabata ang sumusubok

manigarilyo.Kaya kahit na may mga batas isinasakatuparan upang labanan ito at

para maagang malaman ng iba na Kung ano ang idudulot nito sa kanila.
TIYAK NA LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag-aralan at alamin ang mga

sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan.Ang malinaw na paglalatag ng mga tiyak

na layunin na nagbibigay kahulugan upang matukoy ang tiyak na tunguhin at

kahalagahang dulot.Nang dahil sa mga ginaganap na semonars o sa mga group

activities nakakakuha tayo ng mga ideya at nabibigyan natin ng warning ang mga

kabataan tungkol sa mga epekto ng paninigarilyo.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga salik na nakakaapekto sa

paninigarilyo ng mga kabataan upang malaman ang epekto nito sa mga

kabataan,kung ano ang kahihinatnan ng kanilang buhay dahil sa

paninigarilyo.Dahil ang paninigarilyo kahit isang stick ay marami ng nakukuha na

sakit na galing sa kemikal tulad nalang nito nicotine,chloroform at iba pa,kaya

dapat gumising na sila sa katotohanan na ang paninigarilyo ay maraming

nabibigay na malaman sa katawan.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang limitasyon o hangganan ng pag-aaral sa paninigarilyo ng mga kabataan ay

nililimitahan lamang sapagkat tanging mga kamag-aral at mga kabarangay ang

nakukunan ng impormasyon.
KATUTURAN NG KATAWAGANG GINAMIT

Seminars-nagbibigay impormasyon

Nicotine-tobacco na nakakalason na dahil dito nahihirapan tumigil ang tao sa

paninigarilyo.

Epekto-ito ang mga iba't-ibang sakit na makukuha dahil sa paninigarilyo

Bronchitis-sakit na dinadamage yung mga tubo sa paaralan at inuubo ka ng

malala.

Kanser-sakit na nakakamatay

Teenagers-ito ang kababaihan o kalalakihan na mag-edad


SANDIGAN NG PAG-AARAL

Ayon sa world organization.,mahigit kalahati sa kabuang bilang ng kabataan

Pilipino,partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15,ang gunam na sa Boston ng

paninigarilyo.Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenager

na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa

tobacco at walang humpay na promosyon sa bansang Pilipinas.Sa katunayan,isa

sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang nakakamatay dahil dito

inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa

mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan,lalo na sa Pilipinas.

Nalagdaan ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Tobacco Regulation Act of

2003(RA 9211)na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa

masamang epekto ng paninigarilyo.Sa ilalim ng batas na ito,bawal na ang

paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan,ospital,mga

terminal,restawran,at iba.Bawal na rin ang nagbebenta ng yosi sa mga tindahan

na malapit sa mga pag-aralan,at pinapagbebentahan nito ang mga menor de

edad.Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang

health warning sa harapan ng kaha ng yosi.Iba't-iba na rin Simula 2007 ang mga

ads ng mga sigarilyo sa iba't-ibang media.Ayon sa malakanyang,ang Pilipinas ang

kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ng

WORLD HEALTH ORGANIZATION na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng


mga produktong may nikotina.Ayon kay Dr.Lain,ang paninigarilyo ay

nakapagpapasaya.Ito lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula

Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa kaugnayan ng

paninigarilyo sa psychological well-being ng tao.Sa kanilang mababang antas ng

kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo.Ayon sa mga

pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood

pressure,paglapot ng Diego,kanser sa baga,bibig,lalamunan,matris at

pantograph,katarata,pagkabulag at low birth weight at birth defects ng mga

sanggol sa sinapupunan.Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa

mga sakit na dulot nito,an iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa

kanilang kalusugan.Ang tar at carbon monoxide na nas usok ng sigarilyo ay

nakakirita at sumisira sa mga baga tuning gumising ang taong naninigarilyo.Ang

pangangati ng lalamunan ay lalamunan magiging ubo.Kapag nagtagal ay

magdudulot ito ng paparaming plema.Ang mga ito ay paraan ng ating mga

katawan ng pagprotekta sa usok.Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo

maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso,pati na rin bronchitis,pneumonia at

iba pang malalang sakit sa puso.Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng

emphysema ang isang taong naninigarilyo,kung saan nasisira ang isang bahagi o

kabuuan ng mga baga.Habang lumalala ang sakit ay mahihirapan na ito sa

paghinga at maging sa paglalakad.Ang paninigarilyo ay Isa sa mga dahilan ng

emphysema.May apat na molting kabataang Filipino s pagitan ng edad na 11

hanggang 19 ang naninigarilyo na,ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng


DEPARTMENT OF HEALTH(DOH)at WORLD HEALTH ORGANIZATION(WHO). Batay

sa pag-aaral na pinamagatang Global Youth Tobacco survey,mahigit 60

porsyento o 2.7 milyon nila sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay pawang

mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga Babar.Isinaad din sa pag-aaral na

wali nila sa 10 sa mga na sakit ng pag-aaral ang nakakita ng mga patalastas na

tumatangkilik sa sigarilyo noon 2007.Nagbabala si Dr.Maricar Limping,executive

director ng framework on Tobacco control of the Philippines alliance,na patuloy

na marami ang mga kabataang naninigarilyo hangga't hindi ipinagbabawal ang

patalastas sa paggamit ng tabako.Ayon kay Limpin,noong 2005 ay nasa pagitan

lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo

samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noon 2007.

ISTRATEHIYANG GINAMIT AT PAGKUKUNAN NG DATOS

Sa mga aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo ng mga pag-aaral,tatlumpu't-

siyam na bahagdan ang nagsasabing naaapektuhan ng paninigarilyo ang

kanilang pag-aaral,habang limampung bahagdan ang nagsasabing ang kalusugan


ang naaapektuhan ng kanilang paninigarilyo,labing-isang bahagdan naman ang

nagsasabing pamilya at kaibigan ang naaapektuhan nito.

BILANG NG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA PANINIGARILYO:

-20% ng kabataang pilipino at nagsisimulang manigarilyo sa edad nito pababa.

(MIGUEL-BAQULLOD,M,NEC,2001)

-Isa sa tatlo o 27% ng kabataang pilipino ay naninigarilyo.(GLOBAL YOUTH

TOBACCO SURVEY NG WHO AT CDC,2007)

-Halos 40% ng mga kabataang lalaki ay naninigarilyo(WHO 2002)

-Apat sa walong estudyante na may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo

bago ang edad na 10.(CDC_MMWR_2003)

-Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad

na manigarilyo rin pagtanda:(FCAP)

-62% ng mga batang pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan.

(CDC-MMWR,2005)

PARAAN KUNG PAPAANO IWASAN ANG PANINIGARILYO NG MGA KABATAAN

Animnapu't-pitong bahagdan ng mga respondente ang nagsabing disiplina sa

sarili lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang pninigarilyo.Ang

pinagkakaabalahan naman ang sumunod na sagot ng dalawampung bahagdan

ng mga respondente na siya nilang ginagawa upang maiwasan ang pagyoyosi o


paninigarilyo.Samantalang labing-tatlong bahagdan lamang ang nagsabing

gawaing pangkalakasan ang kanilang ginagawa upang makaiwas.

Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat gawin dahil

alam nilang hindi ito maganda.

IBA'T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SA PANINIGARILYO ANG

KANILANG NAPILING GAWAIN:

-Naaalis ang pagkanegatibo

-Pang-agaw paninigarilyo

-Nagiging masaya

-Nakakalimutan ang problems

-Gumagaan ang pakiramdam

-Makakabuti sa kahulugan

May mga nagsasaad na baka raw tumaba sila kapag itinigil ang

paninigarilyo,subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itinigil ang

paninigarilyo.Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo ay mapalitan ng

panibagong bisyo.Kung kayo gustong-gusto kumain nang matamis mas mabuting

kumain ng prutas.
PAGLALAHAD

Sa pamamagitan ng pagkuha ng impormasyon sa social media o

pakikipanayam at gabay na tanong ang pag-aaral na ito ay nakalap ng datos

tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa paninigarilyo ng mga kabataan,una ay

ang masamang epekto nito sa katawan dahil sa kemikal na nakukuha nila sa

paninigarilyo,pangalawa na bakit kalalakihan ang kadalasan gumagamit ng

paninigarilyo kasi nakokontrol ng mga lalaki ang paninigarilyo.Sa mga aspektong

naaapektohan ng paninigarilyo na mga pag-aaral,tatlumput siyam na bahagdan

ang nagsasabing naaapektohan ng paninigarilyo ang kanilang pag-aaral,habang

limang pung bahagdan ang nagsasabing ang kalusugan ang naapektohan ng

paninigarilyo.Labing isang bahagdang ang nagsasabing pamilya at kaibigan ang

naaapektohan nito.
PAGLALAGOM NG KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo.Ito ay nakakasama sa ating

katawan.Bukod sa magastos ang paninigarilyo,ay nakakadulot pa ito ng

maraming uri ng sakit sa puso,bronchitis at kanser.Nakakapagpahina din ito ng

resistensya ng ating katawan.Ito rin ay nakakamatay.Ang usok ng sigarilyo ay

nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay.Ang paninigarilyo

rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa

solusyon.Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo.Una ay lumayo sa

isang mga naninigarilyo.Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng

tabako na taglay ninyo.


PAGBIBIGAY NG REKOMENDASYON

Matapos ang pag-aaral sa paninigarilyo ng mga kabataan ay dapat gabayan ng

mga anak ang kanilang pag-aaruga upang ang ating mga kabataan ngayon ay

maging pag-asa ng bayan para umunlad ang ating bansa.Ito lang maiirekomenda

na dapat itigil na nila ang paninigarilyo dahil sa mga masamang epekto na

maidudulot nito sa kanilang katawan.Humingi ng tulong at suporta sa pamilya

sa desisyon nang paghinto.Ito ang mag-iiwas sa inyo sa tukso at magpalakas sa

inyong kapasiyahan na tumigil na.Kapag nakadarama ng pagkagustong

manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan.Mag-ehersisyo araw-araw

nakalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan.Kumain ng regular at

huwag tatangkain magpababa ng timbang kung sinisikap na alisin ang

paninigarilyo.

APENDIKS
MANANALIKSIK:JENELLE REAMBONANZA BARO

EDAD:16

KASARIAN:BABAE

NAKATIRA:PAYAPAG BACUAG SURIGAO DEL NORTE

1.Ilang taon ka nagsimulang pumasok sa paninigarilyo?

2.Bakit mo naisipang gawin bisyo ang paninigarilyo sa mura mong edad?

3.Sa tingin mo may naidudulot bang maganda ang paninigarilyo sa katawan mo?

Bakit?

4.Saan mo kadalasan ginagawa ang paninigarilyo?

5.Sa iyong palagay wala bang naaapektuhan na ibang tao sa paninigarilyo mo?

6.Sino ang nag-udyok sayo para sumali sa paninigarilyo?

7.Bakit kalalakihan ang kadalasan gumagamit ng paninigarilyo?

BIBLIOGRAPIYA
http://www.Philstar.com/Article.aspx?articleid=434490

http://ti.articlestreet.com/Article/The_Many_Perils_of_Smoking_Tobacco/bisyo

natoh.blogspot.com/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Bata_Republika_9211

You might also like