You are on page 1of 2

INTRODUKSYON 

SA PANANALIKSIK A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7)taon. Nagiging
regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.Isang tao kada 13 segundo, o
isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sapaninigarilyo.Ang paninigarilyo ang pinakaunang
sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon saDepartment of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang
milyong katao taun- taon,ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga
sakit sapuso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas nasanhi ng
pag- atake ng hika.
B. PAG- AARAL
Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211)
na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamangepekto ng paninigarilyo.Sa ilalim
ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugargaya ng mga paaralan, ospital,
mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin angpagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga
paaralan, at di napagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga
kumpanyanggumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban
na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media.Ayon saMalakanyang, ang
Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunangtumupad sa sa panawagan ng World
Health Organization na i-regulate ng mga bansaang paggamit ng mga produktong may nikotina.Mahigpit
ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula P500 hanggangP400,000 at pagkakulong ng
mula 30 araw hanggang tatlong taon, at administrativesanctions.Inaatasan din ng batas ang Kagawaran
ng Edukasyon an magsawaga ng info campaignat isama sa school curricula angmasasamang epekto ng
pagyoyosi.Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier, isang doktor atsiyang
pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa Senado, na isang magandangregalo daw sa kanya ng
Pangulo ang pagkakalagda sa batas na ito.Nagsagawa na rin ng kampanyang kontra-paninigarilyo ang
Kagawaran ng Kalusugan ngMaynila sa Justo Albert Awditoryum noong ika-2 at 4 ng
Oktubre.Kaalinsabay ng temang “Manila: Smoke-Free City”, nagdaos ng isang forum angkagawaran kung
saan nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay, mga kagawad, atmga kinatawan ng anim na
distrito ng Maynila.Ang dalawang araw na pagpupulong ay may layong ipakilala sa mga nagsipagdalo
ang“Ang Anti-Tobacco Law” o ang Batas Republika 9211 na nagbabawal ng paninigarilyosa mga
pampublikong lugar partikular na sa nasabing lungsod. Ito ay upang bigyang-diin at paigtingin
ang pagpapatupad nito na magsisimula sa bawat baranggay.Kasama rin sa programa ang pamimigay ng
mga leaflets at posters na nagpapakita ngmga masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng
mga mamamayan, sakanyang kapwa at sa kanyang lungsod.

 
C. LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ngpaninigarilyo ng mga
kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyoupang huwag na nila subukan ang masamang
bisyo na ito.Sinuri ng mga mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng gobyerno upang unti-unting
mabawasan ang paninigarilyo sa bansang Pilipinas at ang masamang epekto ngpaninigarilyo.
D. HALAGA
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataangsa murang edad pa
lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sakabataan makakatulong ito kung hindi
na rin sa mga taong hindi na mapigilan angpaninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi
nanninigarilyo upang huwag na nilasubukan ang masamang bisyo na ito.Ayon sa mga mananaliksik, ang
higit na kahalagahan ng pag-aaral ay angmakakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa
paninigarilyo at mapagbigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang
paninigarilyong kabataan.
E. KONSEPTWAL NA BALANGKASF. METODOLOHIYA
Gumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ngterminong papel
hango sa pagsisiyasat ang epekto ng paninigarilyo.Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa
base sa kanilang kaalaman at samga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang
“internet” balita atdyaryo upang makumpleto ang kanilang pagsasaliksik.G. SAKLAW/
DELIMITASYONAng pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Paninigarilyo” ay sumasakop lamang sa
epektong paninigarilyo sa katawan ng mga tao sa bansang Pilipinas. Maaaring masama sapananaliksik
na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikotlamang sa epekto ng
paninigarilyo.
H. DALOY NG PAG- AARAL
Negatibo lahat ang epekto ng paninigarilyo na nabanggit ng mananaliksik dahil angpaninigarilyo ayon sa
mga natanungan ay masarap sa pakiramdam ngunit mali talaga.An paninigarilyo ay mapanganib
sapagkat ang usok nito ay nakakapinsala hindi lamangsa taong gumagawa nito kung hindi na rin sa
taong naka paligid sa naninigarilyomismo.Ayon sa mga suliraning nabanggit, nais ng mga mananaliksik
na tugunan at ipaalam samga mambabasa ang malaking epekto ng paninigarilyo sa mga
Pilipino. Layunin din ngpananaliksik na ito ang makatulong sa pamamahagi ng mga impormasyon tungkol
samasamang epekto nito.Gumawa ang mga mananaliksik ng mga paraan upang matagumpay na
maipamahagi ngpananaliksik na ito ang impormasyon tungkol sa mga epekto ng paninigarilyo sa
mgagumagawa nito. Gumamit ng mga kasanayan sa pagsulat ng akademikong papel atnaghanap ng
mga taong makakapanayam upang kunin ang sariling pananaw ng bawat
 
isa bilang representasyon ng publiko tungkol sa ppaninigarilyo at nangalap din ngkaragdagang
impormasyon sa mga internet sites bilang pang-suporta sa pananaliksikna ito.
II. INTRODUKSYON SA PAKSAANG SIGARILYO
· Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser.· Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000
kemikal na pumipinsala sakalusugan at kapaligiran.· Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng
pagka-adik dito.· Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng
mgtambutso ng sasakyan.· Ang tar ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri.Ayon sa World Health
Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataangPilipino, particular na iyong nasa edad 7
hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ngpaninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang
50,000 Asian teenagers namaagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban
sa tobacco atwalang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawattatlong
lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas paang bilang na ito sa mga
darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo samga kabataan, lalo na sa Pilipinas.
III. KATAWAN
Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng bloodpressure, paglapot
ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog,katarata, pagkabulag at low birth weight at
birth defects ng mga sanggol sasinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga
sakit na dulotnito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan.Ang tar at
Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mgabaga tuwing humihinga ang
taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan aykalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay
magdudulot ito ng paparaming plema. Angmga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa
usok.Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso,pati na rin
bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan aymaaari pang magkaroon ng
emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saannasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga.
Habang lumalala ang sakit, aymahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo
ay isa sa mgadahilan ng emphysema.Ang paninigarilyo ay pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Ang
Nicotine na nasa usok ngsigarilyo ay nagpapataas ng blood pressure. Dahil ditto, nagiging mas mabilis
angpagtibk ng puso, at mangangailangan ng mas maraming Oxygen, ngunit dahil saCarbon Dioxode, ang
kemikal na nasa usok ng sigarilyo, nababawasan ng 15% angOxygen na nakakaating sa puso. Ang
Nicotine ay sanhi ng mga build up ng taba sa mgaugat, na nakapagpapababa ng blood pressure. Ang iba
naming mga kemikal aypumapasok sa agos ng dugo at humahadlang sa normal na sirkulasyon ng
katawan.Dahil sa nababarahan ang mga ugat ay nagkakaroon ng mga sakit at atake sa puso.Maaari ring
magkaroon ng pananakit ng paa, at pamamaga ng hita.

You might also like