You are on page 1of 1

Magandang hapon po sa inyong lahat kami ang ika-apat na pangkat upang mag hayag ukol sa isyung

pansarili, isyung panlipunan at sociological imagination. At ang aming temang napili ay ang tungkol sa
paninigarilyo.

Ang paninigarilyo ay isang problema na patuloy na sinusubukan ng mga kabataan. Ang pagkalulong ng
mga kabataan sa paninigarilyo ay isang malaking isyu sa lipunan natin ngayon.

Paninigarilyo:
Ang Paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan unti-unting sinusunog ang baga ng isang taong
naninigarilyo.

Secondhand smoke:
Ang second-hand smoke naman ay usok na nalalanghap mula sa taong naninigarilyo na maaari ring
makaapekto sa kalusugan nito.

Pagkakatulad:
Ito ay parehong nakakaapekto sa ating kalusugan pati na rin sa ating kinabukasan.

Social imagination:
● Ang pagkalulong ng mga kabataan sa paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan. Sapagkat ito'y
maaaring magdulot ng iba't ibang sakit tulad ng kanser, sakit sa puso, at iba pang respiratory
diseases.

● Maaari rin itong makaapekto sa isang tao na hindi naninigarilyo lalo na sa mga mahihina ang
baga, bata man o matanda, dahil sa nalalanghap nitong usok mula sa ibang taong naninigarilyo.

● Ang pagka-adik sa sigarilyo ay maaari ring makaapekto sa budget ng isang pamilya.

● Nakakaapekto rin ang paninigarilyo sa mga nagdadalang- tao.

● Ang pagkalulong ng mga kabataan sa paninigarilyo ay nagdudulot din ng masamang epekto sa


kanilang pag-aaral.

● Hindi rin ito magandang pag-uugali na maaaring maging bad influence sa ibang kabataan.

● Ito rin ay nagdudumi sa kapaligiran bilang karagdagan sa nakakapinsalang kalusugan.

● Gayundin sa banta ng kalikasan tulad ng global warming.

Bilang konklusyon, hindi lamang ito nakakasira sa kalusugan ng naninigarilyo at sa mga nakakalanghap
nito, ngunit nakadaragdag din ito sa pandaigdigang problema sa kapaligiran dahil sa mga pabrika ng
sigarilyo na gumagawa ng polusyon sa atmospera, deforestation, pagbuo ng basura at sunog sa
kagubatan.

You might also like