You are on page 1of 2

Lana Somera

ABM211

“PLANTITA”

Ayon sa pananaliksik, sa kasagsagan ng pandemiya nuong 2020 dulot ng Covid-19, nagkaruon


ng lockdown o Enhanced Community Quaratine (ECQ). Dahil dito, ang mga Pilipino ay napilitan
manatili sa kanilang mga tahanan at umiwas sa paggamit ng mga pampublikong transportasyon
upang malutas ang pagkalat ng sakit. Di nagtagal ay nayamot ang mga tao sa pagkulong nila sa
kanilang mga tahanan, at itong pagkabagot ay nag-udyok ng mga kakaibang trends o fads na
umusbong sa internet. Kabilang sa mga fads na ito ay ang sayawan sa tiktok kagaya ng Savage
Love, at mga pagkain kagaya ng ube pandesal, sushi bake, dalgona coffee, at ang fad ng
pagiging plantita. 

Ang plantita, ayon sa artikulo, ay tumutukoy sa mga middle class o upper class na babae na
nangongolekta at nagaalaga ng mga halaman (plantito kapag lalaki). Ang mga plantita daw ay
nagbibigay halaga at nagtutuon ng pansin sa kanilang mga halaman na kinokolekta. Batay sa
pananaliksik, ang salitang plantita ay hindi nakasulat sa diksonaryo, ngunit itong salita na ito ay
legal na salita sa internet sapagkat ito ay madalas na ginagamit sa mga hashtags sa Facebook at
Instagram. Sa sobrang pagkasikat ng pagiging plantita, mapa celebrity man o pangkaraniwang
tao ay napapasabak sa uso. Padadag rito, ang plantita ay hango sa mga tita na tinatawag sa mga
kapatid ng magulang at iba pa. May dalawang uri ng tita: ang machismis na tita at ang mayaman
at cool na tita, at ang plantita ay nakabase sa mayaman at cool na tita. 

Batay sa pananaliksik, ang pagiging plantita ay hindi bagong konsepto ,sapagkat noong bago pa
man magkaruon ng pandemiya, may mga matatanda na mahilig maghardin sa kanilang
bakuran. Ayon din sa artikulo, dahil sa lockdown at sa kulang ng pagsasalamuha ng mga tao,
ang pagiging plantita ang naging coping mechanism. Ito ay dahil ang hardin ay representasyon
ng kalikasan, at ito ay nagiging alternatibo ng mga tao na maranasan ang labas sapagkat bawal
pumasyal dahil sa Covid. Bukod dito, ang 

pagiging plantita ay natutugunan ang “need to nurture” ng mga tao at ito ay mas hindi
magastos. At dahil din sa pagaaruga ng mga plantita sa kanilang mga halaman, nagkakaruon ng
masmalawakang kamalayan ang mga tao sa climate change. 

Pagdating sa ekonomiya, ayon sa pananaliksik, ang demanda sa halaman ay masumusbong sa


market dahil sa mga plantita. Subalit ang demanda ng halaman ay masmataas kumpara sa
supply, kaya nagkakaruon n pagtaas ng presyo at halaga ng mga halaman. Pagadating naman sa
ekolohikal, dahil mataas ang demanda at maliit ang supply ng halaman, ang mga supplier ay
nagsasagawa ng illegal poaching para makakita ng masdaming pera. Itong illegal poaching na ito
ay delikado para sa kagubatan ng Pilipinas at para sa mga ibang bans ana pinagiimport ng mga
halaman. Pagdating naman sa kultura, ang plantita na fad ay gumawa ng masamalawak na
Lana Somera
ABM211

paghahati sa estado ng socio-ekonomiko dahil ang mga mas mayaman lamang ang kaya maging
plantita na hindi maihirapan ang bulsa. 

Sa pangkalahatan, ayon sa pananaliksik na nabasa, ang plantita ay isang fad na napauso sa


internet upang pampalipas ng oras dahil bawal lumabas ng bahay dulot ng pandemiya. Ang
pagiging plantita ay hango sa pagiging tita na mahilig sa halaman, at ito ay nagpataas ng
demanda sa halaman. Ang pagiging plantita ay mayroong naidulot sa ekonomiya, ekolohiko, at
kultura, at ito ay naging masama at mabuti. Hindi naman daw masama maging planitia, ngunit
dapat maging maalam ang mga tao sa dulot ng pagbili at alaga ng mga halaman. 

You might also like