You are on page 1of 4

Iannalie Varon

ABM211

Dahilan nang Pagtutol ng Karamihan sa


Pagpapatupad ng Mandatory Military Service

Isa sa mainit na usapin ngayon, hindi lang sa mga kabataan, ang pagpapatupad ng

mandatory military service ng bise-prisedente ng susunod na administrasyon. Ito ay isa sa mga

plataporma ni Sara Duterte para sa mga kabataan noong kumakandidato pa ito. Ang

pagpapatupad ng mandatory military service ay makatutulong sa pagpapaunlad ng depensa at

opensa ng ating bansa at sa buong kaligtasan nito, ngunit hindi ito ang prayoridad ng ating

bansa sapagkat mayroong mga ibang problema na kailangang unahin ng gobyerno sa

kasalukuyan. Marami pang malalaki at kinakailagang iprayoridad na mga problema at isyu na

kinakaharap ng Pilipinas sa ngayon tulad nang pag-ahon mula sa pandemya kaya ang

karamihan ay labag sa kagustuhang ipatupad ito. Wala ring nagbabanta sa seguridad ng

Pilipinas upang kinakailangan na kaagad na isabatas ito.

Ayon sa panayam kay Sara Duterte ng UNTV News and Rescue (2022), hindi lamang Reserve

Officers' Training Corps (ROTC) ang ipapatupad kung saan isang asignatura lamang isang

beses sa isang linggo o buwan sa isang taon, kundi ang pagsasabatas ng mandatory military

service kung saan ang mga 18 taong gulang pataas na Pilipino ay iimbitahang magsilbi sa ilalim

ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at bibigyan ng subsidiya. Ngunit marami ang hindi

sumasang-ayon dito at isa na ang NUSP. Ayon sa balita ni Baron (2022, tala. 1-3), ang National

Union of Students of the Philippines (NUSP) ay tutol sa panukalang pagpapatupad ng

mandatory military service para sa mga kabataang Pilipino ni Sara Duterte dahil hindi ito

kailangan sa kasalukuyan dahil na rin sa pandemya. Bukod pa rito, may mas malaking

problema pa ang bansa na hinaharap na dapat iprayoridad na solusyunan tulad ng problema sa

edukasyon, hindi pagkakapantay-pantay ng pagtatrato sa katayuan sa lipunan, at kawalan ng

katarungan. Hindi pa nga nasososlusyunan ang problema sa edukasyon ng mga kabataan,

ipapatupad pa ito na magdaragdag lang sa poproblemahin nila. Ayon din sa Samahan ng

Progresibong Kabataan (SPARK), ang panukala ng mandatory military service ay hindi tintugon
ang mga isyu kagaya ng mga pagdagsa ng kaso ng COVID-19, korupsyon sa sektor ng

kalusugan, at ang kakulungan sa tulong panlipunan (Baron, 2022, tala 2 & 3). Ang dalawang

orginasasyon na ito ay pinaglalaban ang karapatan ng mga kabataan, kung saan sila rin ang

pangunahing maapektuhan sa pagpapatupad nito, at nanagsusulong na unahin o iprayoridad

muna ang paresolba ng mga pambansang problema at isyu tulad ng nabanggit sa itaas.

Si Sen. Ramon Magsaysay Jr. ay isa rin sa mga hindi nakakakita ng kahalagahan ng

pagpapatupad ng mandatory military service sa kasalukuyan. Ayon sa kaniya, “dahil wala mang

anumang pagbabanta sa seguridad ng bansa, ang nasabing programa ay hindi na

kinakailangan. Makikita rin na karamihan ng mga mag-aaral ay hindi interesado sa pagsali sa

militar.” (Viray, 2018, tala. 16-19) Kagaya ng nasa sa introduksyon, wala namang kalaban ang

Pilipinas pagdating sa seguridad kaya dapat hayaan ang mga kabataan na pumili kung paano

nila paglilingkuran ang bansa at hindi lamang ang pagsali sa militar ang pangunahing solusyon

dito. Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagamat bukas siya sa usapin ng

mandatory military service, nakikita niya na magiging mahirap ang pagpasa sa nasabing

panukala dahil kinakailangan ng malakihang pondo para sa mga kampo kung saan gaganapin

ang training, sapat na manpower upang mapaunlakan taon-taon ang nasa higit milyon na bilang

ng mga 18 taong gulang (Andrade et al., 2022, tala. 16-18). Imbis na ipanggastos ang pondo ng

bansa para rito, ipanggastos nalang muna ito sa mga mas mahalagang pagtuonan ng pansin na

mga problema at isyu.

Bagama’t makatutulong ang mandatory military service para sa Pilipinas, hindi ito ang

dapat unang pagtuonan ng pansin ng gorbyerno dahil may mga mas malalaking pambansang

problema pa na kinakaharap pa ang bansa tulad ng pandemya, problema sa edukasyon, at

kawalan ng katarungang panlipunan. Ito ang dahilan kaya marami ang tumututol sa

pagpapatupad nito, lalong lalo na ang mga kabataan. Nawa’y alamin muna ng susunod na

administrasyon ang dapat na iprayoridad sa bansa.


Iannalie Varon
ABM211

Sanggunian:

Andrade, J. I., et al. (2022, January 21). Mandatory military service proposed. INQUIRER.Net.

https://newsinfo.inquirer.net/1543131/mandatory-military-service-proposed

Baron, G. (2022, Enero 23). Sara Duterte's mandatory military service proposal 'unnecessary'

— students' group. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2022/01/23/sara-dutertes-

mandatory-military-service-proposal-unnecessary-students-group/

Baron, G. (2022, Enero 22). Youth group opposes Sara Duterte's mandatory military service

proposal. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2022/01/22/youth-group-opposes-sara-

dutertes-mandatory-military-service-proposal/

Sara Duterte, isusulong ang mandatory military service. (2022, Enero 20). UNTV News and

Rescue. https://youtu.be/pkkBGH1mtv8

Viray, P. L. (2018, November 26). Why ROTC is no longer mandatory. Philstar Global.

https://www.philstar.com/headlines/2018/11/26/1871897/why-rotc-no-longer-mandatory
Iannalie Varon
ABM211

You might also like