You are on page 1of 3

Yeshandra Cuarteros

ABM211

Tunay na Dulot ng Mandatory Military Service sa Bansa

Wika nga ni Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ang pag- asa ng bayan.” Lagi nating naririnig ang

mga katagang ito lalo na sa paaralan na ipanaaalala ang mahalagang papel ng mga kabataan.

Kamakailan lang ng ipinahayag ng nangunguna sa pagka-bise presidente na si Sara Duterte-

Carpio ang kaniyang plataporma na gawing mandatory ang military service sa mga labing-

walong taong gulang. Bagama’t maganda ang layunin nito para sa kabataan, hindi naman ito

kinikitang kapaki-pakinabang sa ngayon. Ang pagpapatupad nito ay makatutulong sa

pagpapaunlad ng depensa at opensa ng ating bansa at sa buong kaligtasan nito, ngunit hindi ito

ang prayoridad ng ating bansa sapagkat mayroong pang ibang problema na kailangan unahin

ng gobyerno sa kasalukuyan.

Maalala na ang isa sa mga dahilan sa abolisyon ng mandatory ROTC program noon ay ang

pagkamatay ni Mark Chua na isang estudyante at kadete. Siya ay pinatay dahil sa kaniyang

pagsiwalat sa korupsyon na nagaganap sa UST ROTC Program. Ayon sa panayam ng

Varsitarian (2018), wika ng ina ni Mark na “Partial justice lang ‘yung binigay, hindi full

justice. Hindi ko alam kailan ko matatanggap ‘yong full justice, kung mayroon mang justice ang

Pilipinas,” (tala. 2). Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ang ibang sinasabing suspek. Hindi

maitatanggi na maaaring maulit ang nasabing pangyayari kung maipapatupad ang mandatory

military service at maraming anumalya sa programa ang hindi naisaasyos.

Mula naman isang balita ukol sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang ROTC

program noong 2018, si Sen. Ramon Magsaysay Jr., na tumulong sa abolisyon ng mandatory

ROTC, ay nagpahayag “na kahit naging makabuluhan ang programa sa bansa bago ang

ikalawang pandaigdigang digmaan, iba na ang sitwasyon sa paglipas ng panahon.” Kaniya ring

sinabi na wala anumang pagbabanta sa seguridad ng bansa kaya hindi ito kinakailangan.

Makikita raw na karamihan ng mga mag-aaral ay hindi interesado sa pagsali sa militar at

Page 1 of 3
Yeshandra Cuarteros
ABM211

naniniwala siya na dapat mabigyan sila ng pagkakataon na makapili kung paano sila makapag-

lilingkod sa bansa (Viray, 2018, tala. 16-19). Kaugnay nito, sinabi ni UP Vanguard’s Guido

Delgado na hindi raw maaring gamitin ang kabataan bilang reserve component nang hindi

lumalabag sa protokol. Maaaring maharap ang pamahalaan sa mga temporary restraining

orders. Dagdag niya, ang mandatory ROTC para sa Grade 11 at 12 ay maaaring lumabag sa

Philippines’ declaration in its ratification of the Optional Protocol to the Convention of the Rights

of the Child on the involvement of children in armed conflict (Cepeda, 2018, tala. 13-14).

Hindi rin magiging madali ang pagpapatupad ng nasabing panukala. Bagamat bukas si Defense

Secretary Delfin Lorenzana sa nasabing usapin, nakikita niya na magiging mahirap ito.

Maraming hadlang tulad na lamang ng kinakailangan malakihang pondo at sapat na manpower

upang mapaunlakan taon-taon ang nasa higit milyon na bilang ng mga labing-walong taong

gulang(Andrade, Corrales, Subingsubing, 2022, tala. 16-18). Masasabi rin na sapat na ang

lakas sandatahan ng bansa Ayon sa Global Firepower Report (GFP) para sa kasalukuyang

taon, Ang Pilipinas ay pang-51st pagdating sa lakas ng militar nito, kabilang ang 139 pang

bansa. Mayroon itong higit kumulang 48 milyon na magagamit na military manpower at hindi

bababa sa 280,000 na tauhan sa militar (Baclig, 2022, tala. 1- 3).

Pinatutunayan ng mga sumusunod na impormasyon na walang nakikitang magandang

maidudulot ang mandatory military service sa ngayon. Maraming isyung panlipunan ang dapat

munang solusyunan at mayroong mas mabubuting paraan upang magampanan ng kabataan

ang kanilang papel nang hindi nakokompromiso ang kanilang mga pangarap at hangarin.

Page 2 of 3
Yeshandra Cuarteros
ABM211

Sanggunian:

Andrade, J. I., Subingsubing, K., & Corrales, N. (2022, January 21). Mandatory military service

proposed. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1543131/mandatory-military-service-

proposed

Baclig, C. E. (2022, January 21). PH 51st on list of world’s most powerful militaries.

INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1542851/ph-51st-on-list-of-worlds-most-powerful-

militaries-2

Cepeda, M. (2018, December 10). Mandatory ROTC will expose students to corruption, says

lawmaker. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/218628-mandatory-rotc-expose-senior-

high-school-students-corruption/

Online Editor. (2018, March 18). Family still hopes for justice 17 years after Mark Welson

Chua’s death. The Varsitarian. https://varsitarian.net/special-reports/20180318/family-still-

hopes-for-justice-seventeen-years-after-mark-welson-chuas-death

Viray, P. L. (2018, November 26). Why ROTC is no longer mandatory. Philstar Global.
https://www.philstar.com/headlines/2018/11/26/1871897/why-rotc-no-longer-mandatory

Page 3 of 3

You might also like