You are on page 1of 2

PANGALAN: FERNANDEZ, CIELO MAE O.

SEKSYON: STEM 03
PETSA: 10/17/21 GAWAIN BAHAY 2

Ikaanim at huling State of the Nation Address ni Pangulong Duterte I SONA 2021

(Reaksyong Papel)

Inihatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address
(SONA) noong Hulyo 26. Ito ay nabuod sa pagtalakay ng naihatid ng administrasyon sa bansa at sa mga
Pilipino sa huling limang taon, partikular na sa usapin ng kapayapaan, seguridad, pagpapaunlad ng
imprastraktura, pamamahala, patakarang panlabas, ekonomiya, at pagtugon sa kasalukuyang
lumalaganap na sakit na COVID-19. Nasa kalagitnaan ito ng paglaban natin sa naturang epidemya kaya
naman may mga takapakinig na nasa bulwagan ng Batasang Pambansa, at may sumali lamang sa
pamamagitan ng video call.

Isa sa mga natandaan ko ay ang isinaad niyang “Dahil sa kumpiyansa ng mga namumuhunan,
nakaumang na sana ang ekinomiya natin na makipagsabayan sa fastest-growing economies ng mundo,
hanggang ninakaw ng pandemyang COVID-19 ang lahat.” Sa tingin ko ito ay may malaking punto, dahil
sobrang laki ng naidulot ng pandemya sa ating ekonomiya, maraming mga trabahador ang tumigil sa
pagtatrabaho dahil malaki ang tyansang sila’y mahawaan ng kumakalat na sakit, maraming
imprastraktura nagsara sa kadahilanang hindi sapat ang mga mamimili upang mapataas ang benta nito.
Nabanggit din ni Pangulong Duterte ang kanyang ‘giyera kontra-droga’ kung saan ayon sa kaniya ay
milyon-milyong gumagamit ng droga ang sumuko, at libo-libong kasangkot sa droga ang napatay,
nadakit, at nausig. Naniniwala ako na ito ay may katotohanan ngunit hindi natin makakailang ang
problemang ito ay hindi pa natin kumpletong nasosolusyunan dahil maging ngayon ay marami pa ring
mga kaso ang nababalita tungkol sa dami ng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, marami rin ang
bumabatikos sa pamamalakad na ito ng Administrasyong Duterte dahil maging ang mga inosenteng
walang kinalaman sa gulong dulot ng paggamit at pagtutulak ng droga ay napapatay. Iniutos din
Pangulong Duterte ang kumpletong rehabilitasyon ng Marawi, ayon sa kaniya kailangang madaliin ang
pagsasaayos ng lungsod na sinira ng digmaan upang ang mga pamiyang naapektuhan ng gulo ay
makauwi na sa kanilang orihinal na tahanan at makapagsimula ng bagong buhay, ito ay magandang
usapin dahil tulad ko ay hangad ko din ang pagsasaayos ng lungsod na iyon at sana’y hindi na masira pa
ng kahit anong gulo. Tinalakay din niya ang isyu ng pastillas scam kung saan apatnapu't tatlong (43)
tauhang sangkot ay batay kay Pangulong Duterte ay kaniyang isinisante, ako’y naguluhan dahil ayon sa
aking pananaliksik sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang mga sumusunod na tauhan ay
hindi natanggal o natanggal nang wasto sapagkat ang pagsisiyasat diumano sa kanilang mga kaso ay
nagpapatuloy pa rin, sa usaping ito ay talagang ako’y nagduda. “Ngayon, habang papalapit ako…sa
katapusan ng aking termino, mas kaunti ang mga bisyon ko ngunit mas marami ang pagbabalik-tanaw.
Pero hindi ito para pagsisihan o paghinayangan kung ano sana ang nangyari. Para ito suungin ang mga
di-inaasahang pangyayari at dagling matugunan ang mga ito.” Marahil madami ang humanga sa naging
pahayag na ito ng Pangulo ngunit naniniwala din ako na mayroon ding mga kumwestiyon ngunit kahit
ano pa man ay sana sa huli maging reponsable tayo sa ating mga desisyon at lagging isaalang-alang ang
kaayusan ng lahat.
Sa kabuuan ang State of the Nation Address (SONA) ay isang obligasyong konstitusyonal at taunang
tradisyon, kung saan ang nahalal na pinuno ay nag-uulat tungkol sa katayuan ng bansa, na inilalantad
ang agenda ng gobyerno para sa darating na taon, at imungkahi sa kongreso ang ilang mga hakbangin sa
pambatasan. Sa mga tinalakay ng Pangulong Duterte mahihinuha natin na may mga aspetong
matagumpay na nagampanan at mayroong mas kailangan pa ng matalinong pagbibigay ng solusyon,
may kaniya-kaniya tayong saloobin kung epektibo nga ba o hindi ang pamamalakad ng Pangulong
Duterte ngunit ang mga saloobing ito ay patunay lamang na gusto lamang natin ng mahusay na
papamahala at kung walang kooperasyon ng mga mamamayan nito, ang lahat ng ito ay mapupunta
lamang sa wala.

Pinagbasehan ng mga nilalaman nitong Reaksyong Papel:

https://www.youtube.com/watch?v=rirna6kqmcM

You might also like