You are on page 1of 4

EDITORYAL - Kapayapaan at pagbabago

“LAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan o katahimikan– hindi nang katahimikan para sa mga patay kundi
katahimikan para sa mga buhay,” sabi ni President Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang unang State of the
Nation Address (SONA). Tumagal ng isang oras at kalahati ang pagsasalita ng Presidente na unang napabalita
na 30 minuto lang tatagal. Maraming isiningit si Duterte sa kanyang talumpati katulad nang simpleng
pagpapatawa na nagdulot naman ng kasiyahan sa mga bisita.

Dapat nang wakasan ang karahasan at tamasahin na ang sarap ng kapayapaan. Inihayag ni Duterte kahapon
ang unilateral ceasefire sa mga rebelde. Sana raw, ganito rin ang gawin ng mga rebeldeng komunista. Sabi pa
ng Presidente, nakatakda na ang usapang pangkapayapaan sa mga rebelde sa susunod na buwan na gagawin
sa Norway.

Maganda ang hakbang na ito ni Duterte. Ang pagkakamit ng kapayapaan ay dapat nang magkaroon ng puwang
upang umusad ang bansa at tuluyan nang umunlad. Kapag nagkaroon ng positibong resulta ang usapang
kapayapaan laban sa mga rebeldeng komunista, mahihikayat na ang investors na maglagak ng kanilang
puhunan sa bansa. Wala na silang katatakutan para dito sa Pilipinas magnegosyo. Ang resulta nito ay ang pag-
angat ng ekonomiya at maraming mahihirap na pamilya ang makikinabang. Wala nang magugutom at wala
nang gagawa nang krimen. Ang kahirapan ang ugat ng krimen.You can close Ad in 4 s

Nararapat namang tuparin ng Duterte administration ang naunang pangako na susugpuin ang kriminalidad at
ang pagkalat ng bawal na droga. Tiyakin na wala nang drug lords sa bansang ito sa loob ng anim na buwan.
Ipatupad din ang madaliang pagkuha ng mga papeles at anumang dokumento na hindi na pipila. Wakasan na
ang contractualization at ganundin naman ang bawas tax sa mga karaniwang manggagawa.

Kapayapaan at pagbabago ang mensahe ni Duterte kahapon. Aabangan ng mamamayan ang mga pangakong
ito.
Editoryal: Utang na solusyon sa krisis
Ang kasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapital ay pinaglagablab ng krisis pinansyal.
Ang pambansang ekonomiya sa Pilipinas ay pangunahing nabubuhay sa pangungutang.
Nagkaroon ng krisis sa sobrang produksyon dahil nakopo na ang internasyonal na pamilihan.
Hindi na kayang bilhin ng populasyon ng mundo ang labis-labis na produktong naiipon ngayon sa pamilihan.

Dalawa ang dahilan nito:


Una, dahil kalikasan ng kasalukuyang sistema na magkakaroon lamang ng sahod ang manggagawa kung lilikha ito ng labis na
halaga.
Ikalawa, ang tumitinding kompetisyon para sa pandaigdigang pamilihan ay nag-uudyok sa mga dambuhalang negosyante na
baratin ang sahod ng manggagawa.
Ang magkaugnay na relasyon ng dalawang punto sa itaas ang nagpatindi sa krisis sa sobrang produksyon sa kasalukuyan.
Walang bagong solusyon na inilalatag sa krisis. Ang kasalukuyang solusyon nagawa na ng paulit-ulit sa loob ng 40 taon. At ito pa
rin ang resulta – mas matinding krisis.
Meron tayong budget deficit na humigit kumulang sa P200 bilyon. Ang ibig sabihin nito, hindi lang tayo kundi pati ang ating mga
anak at mga apo ang magbabayad sa deficit na ito dahil utang ang ipambabayad dito at tayo ang magdurusa.
Sa dating gawi, o sa kadalasang solusyon ng iba’t-ibang pinuno, utang ang laging solusyon sa kahinaan ng ekonomiya.
Utang din ang solusyon sa pagpapalakas ng ekonomiya.
Pero lalo tayong nababaon sa utang at walang ganap na pag-unlad na nangyayari.
Panahon na para pag-aralan ang iba pang solusyon sa krisis.
Panahon na para baguhin ang solusyon.
EDITORIAL: Hulyo, buwan ng tamang nutrisyon
Ang buwan ng Hulyo bawat taon ay itinakda ng pamahalaan na “Nutrition Month” o Buwan ng Nutrisyon. Ang selebrasyon
nito ay nakapaloob sa Presidential Decree No. 491, series of 1974 at naging bahagi na dito ang mga paaralan at mga lokal
na pamahalaan. Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa upang mapukaw ang kamalayn ng mga
Filipino sa pagpapahalaga ng tamang nutrisyon upang mapalakas ang katawan.

Sa taong ito, ang National Nutrition Council (NNC) ay nagsusulong sa pagdiriwang na may temang “ Ugaliing magtanim, sapat na
nutrisyon ay aanihin.” Sa nasabing tema, ang operasyonal na salita ay “ magtanim”- magtanim ng mga gulay, punong kahoy, atbp.
para magkaroon ng sapat na pagkain sa mga hapag kainan.
Ang mga paaralan ay ginugunita ang pagdiriwang ng ito sa pamamagitan ng mga paligsahan sa pagluluto, paggawa ng mga
“slogan” at mga “poster”, subalit nawawala na ang paghikayat sa mga mag-aaral na magtanim sa kanilang mga bakuran. Kulang
na rin ang espasyo para taniman sa mga paaralan dahil sa pag-usbong ng mga bagong gusali at silid-paaralan.
Bakit hindi ang mga lokal na pamahalaan ang magsulong sa pagtatanim sa mga bakuran ng kanilang mga sinasakupang
residente? Maaari silang bumili ng mga binhi ng gulay at ipamigay sa mga tao sa kanilang mga barangay at itanim ang mga ito sa
kanilang bakuran o di kaya sa mga gilid ng kalsada. Nangyari na ito noong panahon ni dating Pangulong Ferdinad Marcos na kung
saan ay inilunsad niya ang “Green Revolution”. Noong panahon na yaon, umusbong ang napakaraming gulay sa mga paaralan,
mga bakuran, at mga gilid ng kalsada at di na problema ang mga gulay para sa pagkain. Nakapanlulumo lang na hindi nagpatuloy
ang ganitong programa sa mga sumunod na administrasyon.
Ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga mag-aaral ay hindi nakaatang sa mga guro sa paaralan. Dapat ang pangunahing
nagsusulong nito ay ang mga magulang. Sa bahay pa lang, titingnan na ng mga magluang ang dapat na ilulutong mga pagkain na
may sapat na nutrisyon. Hikayatin din nila ang kanilang mga anak na huwag kumain ng mga tsitserya o “junk foods” upang
mapanatili ang kanilang mga kalusugan. Kung minsan, dahil na rin sa kakulangan ng impormasyon at pagkasalat sa pera ang mga
mag-aaral o mga bata ay hindi nabibigyan ng mga sapat na nutrisyon kaya tumataas ang antas ng “ malnourished at
undernourished children” sa ating bansa.
Sa ngayon, isa ng batas yong isinulong ni Senador Grace Poe na libreng pagpapakin ng mga mag-aaral sa mga paaralan. Ito ay
bibigyan na ng sapat na pondo ng pamahalaan upang walang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na hindi kumakain ng
sapat at kulang sa nutrisyon. Isang magandang batas ito na naglalayon ng isang malusog na pamayanan sa buong Pilipinas.
Subalit, huwag lang tayo umasa sa pamahalaan. Simulan natin ang mga nararapat na hakbang patungo sa sapat na nutrisyon para
sa ating mga anak. Simulan na ang pagtatanim upang may aanihin.

You might also like