You are on page 1of 2

Angela Lauren Ewing

ABM211

“PLANTITA”
Sa pananaliksik na ito, napagusapan ang bagong salita na “plantita”, na naging uso lalo’t
na nung COVID-19 pandemya at ito ay binigyan ng kahulugan at importansya sa pananaliksik na
ito. Sa abstrak ng pananaliksik na ito sa madaling salita, ito ay sabing ginagamit para sa babae
na ginagamit ang oras, tiyaga at pera para sa mga halaman nila. Sinabi rin na ito ay nakakaonti
ng dulot ng stress sa isang tao, pinapalaki ang koneksyon sa pagiging isang makakalikasan na
tao pero ito ay may masamang dulot rin sa biodibersidad ng mga halaman. Ngayon ayon sa
pangunahing pahina ng pananaliksik na ito, madaming tao ay nagsasabi at nagiging plantita
dahil uso at para sa stasus-symbol na makukuha dito. Dahil sa pandemya, madaming trend ang
naging uso pero may iisang uso na laging asa feed ng mga tao sa social media na sinasabi nilang
“pinaganda, pinayabong at pinasosyal na bersion ng paghahalaman” na tawag nilang pagiging
isang plantita. Pagiging isang plantita ay ang paghilig mangolekta at mag-alaga ng mga
halaman. 
 
Ayon kina Pino-Oca (2018) na ang Instagram at Facebook ang madaming “#plantita” na
posts na mayroong statistika ng 136,000 nung 2020, 166,000 nung 2018 at mahigit 55,000 sa
facebook. Madami rin mga artikulo ang nalabas tungkol sa mga tao na certified na plantita.
Kagaya ni Aubrey Miles at Gretchen Fullido na sobrang daming koleksiyon o hilig sa halaman ng
mga bahay nila. Ang mga kilalang tao sa Pilipinas kagaya nina Kathyrn Bernardo, Heart
Evangelista, Bea Alonzo, Pauleen Luna at Jinkee Pacquiao ay naging viral para sa pagiging
plantita nila na may halaga ang Variegated Alocasia na Php 20,000 ngunit hindi nila matatalo si
Aubrey Miles sa Php 300,000 na halaga ng koleksiyon niya ng mga halaman.  
 
Ayon sa pananaliksik na ito, pag inalis ang salita na “plant” at inisip lang ang salitang
“tita”, ang tita ay may maraming sintomas ng pagiging ‘tita’ at mayroong dalawang kategorya
ito. Ang pagiging judgemental sa mga pamangkin at madaming tsismis at maraming tanong na
parang interbyuwer daw at yung isa pa ay ang “sough-after” kung saan ang mga pamangkin ay
laging close sa ‘tita’ na yun dahil lagi sila ay may padala o bigay na mamahalin. Tulad ng
pagiging “plantita”, ito ay parang yung pangalawang kategorya ng tita kung saan madami kang
gagatusin na pera para sa mga halaman hindi para sa mga pamangkin neto. Bago daw mag
2020, marami na daw ang naghahalaman noon bago pa magyare ang pandemya. Ngunit dahil
sa pandemya, ginawang solusyon ang paghahalaman para sa mga kailangan sa buhay
(pagbenta) at sa millenial lifestyle (pagiging plantita). Nasabi rin na, ang mga “plantita” daw ay
ginawang coping mechanism ang paghahalaman nila para sa pandemya na kung saan di sila
makaalis habang ang iba naman ay nasabing mas pinili maging plantita imbis maging nanay o
magkapamilya dahil sa finansyal nila (di magatos), problema sa pagbubuntis o dahil lang para
hindi sila maiistorbo habang nagtratrabaho sa bahay nila. At dahil sa uso na “plantita”,
nagmahal ang mga presyo nito dahil sa mataas na demanda ng mga middle at upper class. 
Angela Lauren Ewing
ABM211

 
Ngunit, maraming problema ang naiidulot ng pagiging uso ng “plantita” na ito sa
Pilipinas. Dahil sa mataas na demanda ng mga halaman, tumaas ang presyo kung saan wala
naman supply pero need ng mga tinatawag na “plantita”. Dahil jan, yung mga mahihirap o
lower class ay hindi nakakabili ng mga halaman rin kung saan nakikita ang agwat ng mga taga
mataas na klase sa mga mabababang klase. Mga ibang problema rin kagaya ng “plant poaching”
na ilegal gawin ay naging sanhi ng mataas na demanda sa mga halaman. Sa huli, sinabi nila sa
pananaliksik na walang problema sa magustuhan ang pagkolekta ng mga halaman ngunit dahil
sa mga problemang nakapalibot sa pagiging isang “plantita” maraming problema ang
naidudulot sa panahon ng pandemya at nagiging dulot ito ng mas malalalim na problema sa
mga hirarkiya ng lipunan ng Pilipinas. 

You might also like