You are on page 1of 1

“Naisasangkalang Kinabukasan”

Opinion- Inflation
By: Abegail Tinga
Ang pag-taas ng presyo ng bilihin ay may kaakibat na pagbaba
ng nutrisyon at edukasyon ng mga kabataan at ang pagbagal ng pag-
unladng mga simpleng pamilya. Ang pagmahal ng halaga ng bilihin ay
tinatawag na Inflation. Maraming pamilya ang pilit na pinagkakasya ang
minimum na sahod,na kung hindi sakto lang ay kadalasang kulang at
kulang parin. Dahil ditto,mahigpit na pagtitipid ang sagot ng mga
mamamayan. Ang noong pagkain sa labas,pagbili ng mga gustong
kagamitan at ang maluhong pagsasaya ng mga pamilya ay hjindi na
nagagawa dahil mas pipiliin na nilang unahin ang higit na mas
mahalagang bagay. Naaapektuhan na rin ng inflation ang normal na buhay
ng tao at ang iba pa nitong epekto ay hindi na maganda sa pag-aaral at
nutrisyon ng mga kabataan. Maaaring naisakatupaaran na ang free tuition
fee na malaki ang naitulong sa mga mag-aaral pero di poarin maiiwassan
ang pag-gastos ng mga estudyante para sa pamasahe(na tumataas na
rin),pag-kain at iba pa nilang pangunahing pangangailangan sa pagpasok.
Makapasok man ang mga estudyante,kalusugan naman nila ang
nakasangkalan dahil ang kanilang gagastusin na pang-kain ay maiisipan
nalang na gamitin bilang pamasahe pauwi upang ang matitira ay
magagamit pa kinabukasan. Ang mga estudyanteng nalilipasan ng gutom
ay syang madalas na hindi maka-concentrate sa pag-aaral at kalimitan
pang nahihirapang maka-catch up ng lessons. Hihina nag kanilang
resistensya at magiging mas madali silang dapuan ng sakit na nagduddulot
ng mas komplikado at malalang sakit. Mas magagastusan na,mailalagay
pa sa peligro ang buhay. Isa pang sagot ng mamamayan sa inflation ang
pagdadagdag ng ekstra pang trabaho para sa dagdag na sahod na dahilan
rin kung bakit sila nagkukulang sa pahinga at nababawasan ang oras ng
pag-aaral. Pagod na ang isip at katawan,hindi pa nabibigyan ng tamang
atensyon ang sarili at pamilya.

At kung nahihirapan ang mga anak,mas nahihirapan ang


kalooban ng kanilang mga magulang dahil walang magulang ang gusto o
kayang makitang nahihirapan ang mga anak. Hindi man maganda ang
epekto ng inflation sa tao,magagamit naman itong instrumento para
mapatatag ang kalooban ng bawat taong nakakaranas nito at ito’y matuturo
kung paanong mamaluktot sa oras na maikli ang kumot. At isa na rin itong
paraan para maalala natin na may iisang Diyos na makatutulong sa ating
mga suliranin.

You might also like