You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Tarlac State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
CENTER OF DEVELOPMENT
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level III by the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines
(AACUP), Inc.

Bilang kahingian at pangangailangan sa kursong


EDUC 303: TEACHING INTERNSHIP

Masusing Banghay-Aralin
sa Health 4

PAKSA
Malnutrisyon

Inihanda ni:

Bb. May Flores B. Manalili


Gurong nagsasanay

Sinuri ni:

DR. JESSICA MARIE I. DELA PEÑA


Gurong Tagapatnubay
I. LAYUNIN

sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa grade 4 ay inaasahang;


a. natutukoy ang kahulugan ng Malnutrisyon;
b. nabibigay ang mga uri ng Malnutrisyon;
c. nakabubuo ng isang concept map gamit ang kaalaman sa konsepto ng Malnutrisyon;
at
d. naisusulong ang kamalayan sa epekto ng Malnutrisyon sa tao.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Malnutrisyon IV
Sanggunian: Health unang markahan - Modyul 3: Uri ng Malnutrition: Ano Ito at
Paano ito Malalabanan? DepED
https://www.scribd.com/document/494207226/Health#
https://www.slideshare.net/LLOYDSTALKER/health3m11?fbclid=IwAR1Y0L8oQK3
Nyc6oxIu_n2bOuzCv89odcdMhhsUELovsygKUkxOMjchmLc
Kagamitan: laptop, powerpoint, instructional materials

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Pagbati

Magandang araw grade 4! Kumusta kayo? Okay lag po.

Mabuti naman. Ako nga pala ang inyong guro sa


Health, ako si Bb. May Flores B. Manalili. Pwede niyo
akong tawaging teacher/ Maam May. Maliwanag ba
grade 4?
Opo!

- Pagtatala ng Lumiban

Ngayon, sino sa inyong mga kaklase ag lumiban?


Tignan niyo nga ang inyong mga katabi kung sila ay
nariyan. Maam si Carl po.

Si Reccie rin po wala.


Nako, wala si Carl at Reccie baka may dahilan kung
bakit sila wala.

- Balik-aral

Okay, bago ang lahat sino ang nakinig sa ating


talakayan kahapon? (sasagot ag mga bata)
Sige nga, tungkol saan ang ating aralin nung nakaraan? Tungkol po sa nutrisyon.
Mahusay!

Ano ng aba ang Nutrisyon? Ito po ay tumutukoy sa lahat ng bagay na


kailangan ng ating katawan upang
umunlad at maging malusog.

Tama! tumutukoy sa lahat ng bagay na kailangan ng


ating katawan upang umunlad at maging malusog.

Oh mahalaga baa ng nutrisyon at bakit? (ang bata ay sasagot)


Para hindi madaling magkasakit.

Pero tanda niyo ba kung kalian ang nutrisyon month?


Sige kalian? (July po)

Wow, natatandaan ninyo ah. Dapat lang na hindi niyo


ito makalimutan.

B. Pagganyak

Okay class, meron akong picture dito, kilala niyo ba


sila? Hindi po.

Sila ang aking mga kaibigan na sila Jen at Jin,


Mamaya ipapakilala ko sila sa inyo. Pero bago iyan
maaari niyo ba akong tulungan na sagutin ang mga
tanong na narito.
(ang bata ay sasagot)
1. Bakit kaya sa palagay ninyo malungkot si Jen?

2. Bakit kaya mukhang nagulat si Jin? (ang bata ay sasagot)

3. Sabi sakin ni Jen kanina madalas siyang


magkasakit, ano kaya ang dahilan? (ang bata ay sasagot)

4. Ano ang napapansin ninyong pagkakaiba ni


Jen at Jin? maliban sa magkaiba sila ng (ang bata ay sasagot)
kasarian.
5. Magkaano-ano kaya silang dalawa? (ang bata ay sasagot)

Tandaan ninyo ang mga sagot niyo at mamaya


malalaman atin ang mga tunay na dahilan kung sila
ganon.

C. Paglalahad

Sige, tayo ay magsisimula na sa ating aralin. pero


bago iyan pakiayos ang inyong mga upuan at
umupo ng maayos. (ang mga bata ay susunod)

Sa ating talakayan kailangan ko na kayo’y making


na mabuti at saakin lamang ang inyong attention, Opo!
maliwanag ba?

Kanina nagpakita ako ng mga larawan ng aking


mga kaibigan na sina Jen at Jin. Ngayon sila ang
ating paguusapan. Pero nag paalam ako sa
kanila ha.

Dahil silang dalawa at may kinalaman sa ating


aralin na tungkol sa malnutrisyon, sabihin niyo
nga malnutrisyon? Malnutrisyon.

Salamat. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Mga


bata basahin ng sabay sabay.
Ang malnutrisyon ay isang kondisyon
na nagreresulta mula sa kakulangan
ng nutrisyon o labis na pagkonsumo.

Ibig sabihin ang malnutrisyon pala ay kondisyon


na nagreresulta mula sa kakulangan ng nutrisyon
o labis na pagkonsumo.

Kung ang isang tao ay nakakaranas ng


malnutrisyon ay maaring kulang ito sa nutrisyon.
Maaring kakaunti lamang ang kanyang kinakain o
kaya naman sobra. Minsan tinatawag din na
malnourish ang may kalagayan na ganito.

Ano nga ulit ang tawag?


(ang bata ay sasagot)

Tama, malnourish.

Maraming pwedeng maging sanhi ang


malnutrisyon. maaaring dahil sa kakulangang ng
bitamina, protina, calories at mineral.at
naapektuhan nito ang ating katawan dahil din dito
ay naaapektuhan ang ating paglaki at ang ating
isip.

Ano nga ulit ang malnutrisyon?


(ang bata ay sasagot)
Ating alamin ang dalawang uri ng malnutrisyon
upang mas lalo natin itong maintindihan.

Una na rito ang undernutrisyon (kakulangan sa


nutrisyon). Si Jen ay undernutrisyon.sabihin niyo
nga undernutrisyon.
Undernutrisyon

Mga bata, pakibasa ng sabay sabay.


Ang undernutrisyon ay ang resulta ng
kakulangan ng nutrisyon at ang mga
bata o taong kulang sa nutrisyon ay
madaling kapitan ng sakit.

Ang undernutrisyon pala ay uri ng malnutrisyon


na kung saan kulang ang isang bata o tao ng
utrisyon at maaaring tayo ay manghina o madalas
magkasakit kapag kulang ang protina at bitamina
sa ating katawan.

Ano nga ulit ang pwede nating maranasan kapag


kulang sa nutrisyon?
(ang bata ay sasagot)

Sa tingin ninyo ano kaya ang mga dahilan kung


bakit nagiging undernutrisyon o kulang sa
nutrisyon ang isang bata? hindi kumakain ng saktong pagkain.

Tama, hindi kumakain ng saktong pagkain.

Ano pa?
Hindi masustansyang pagkain ang
kanyang kinakain.

Nagpapalipas ng gutom.

Magaling, ilan lamang ang mga sinabi ninyo na


dahilan ng pagiging undernutrisyon o malnourish.
Maaaring tayo ay manghina o madalas
magkasakit kapag kulang ang protina at bitamina
sa ating katawan. Kung hindi kumakain ng
masustansya at sapat na pagkain.

Naintidihan baa ng undernutrisyon?


Opo!

Ang sunod na uri ay ang Overnutrisyon. Si Jin


naman ay overnutrisyon.

Sabihin niyo nga overnutrisyon?


Overnutrisyon

Mga bata basahin ng sabay-sabay. Ito naman ay ang labis na


pagkonsumo ng ilang mga nutrisyon,
tulad ng protina,kaloriya o taba, ay
maari ring humantong sa
malnutrisyon. Kadalasan ito ay
nagreresulta ng labis na timbang o
labis na katabaan.

Ang overnutrisyon pala ito ay pagiging labis na


timbang o kaya naman laki ng sukat ng katawan
dahil sobra sobra ang kinakain at minsan hindi
masustansya.

Ang ganitong kondisyon ay may mga negatibo


ring epekto sa isang bata o tao.

Pero hindi lamang ito dahil sa pagkain, minsan ito


ay namamana or asa lahi ng kanilang pamilya.

Maliwanag ba grade 4?
Opo!

Pero mga bata alam niyo bang maaari nating


maiwasan ang malnutrisyon?

Kung may sanhi at bunga syempre mayroon ding


solution.
Gaya ng tamang pag aalaga sa sarili,paano niyo Maligo araw-araw.
iaalagaa ang inyong sarili?

Tama! Maligo araw-araw.

Kasama rin syempre ang pagkain ng


masustansyang pagkain? Kumain ng gulay at prutas

At kailagan din ng pag eehersisyo upang


mapanatiling malusog ang ating mga katawan.

munting paaala lang mga bata na huwag na


huwag nating tutuksuhin o aasarin ang mga
nakikita natin na payat o mataba, maliit man o
Malaki, sa halip atin silang tanggapin at irespeto
dahil gaya ninyo meron din silang puso at
pakiramdam. At lagging tatandaa huwag mong
gagawi sa iba ag ayaw mong gawi sayo. Yes po, Maam
Maliwanag ba?

At alam niyo bang hindi lahat ng mataba o payat,


maliit o Malaki ay malnourish. Kase pwede ring
mataba ang isang bata pero hindi siya
overnutrisyon kase minsan naka depende rin ito
sa edad at height ng isang bata, maliwanag ba Opo!
mga bata?

O kayo ba, sa tingin niyo kayo ba ay underweight,


overweight o normal? (ang bata ay sasagot)

D. Paglalapat

Ngayon naman magkakaroon tayo ng isang


game, ito ay tinatawag na “SAGOT MO,
PILAHAN MO!” ang gagawin niyo lamang ay
tutukuyin at sasagutin niyo kung ano ang aking
tinatanong, kung ito ba ay Undernutrisyon o
Overnutrisyon, pero ang gagawin ninyo ay
tatapatan o pipilahan ninyo kung ano ang
magiging sagot ninyo. Maliwanag ba? Opo, Maam
Kung sino ang pinakamaraming tama ay siyang
mananalo. Walang magulo at maingay.

1. ito ay ang labis na pagkonsumo ng


pagkain.
(ang bata ay pipila)
Sagot mo, Pilahan mo!
(ang bata ay sasagot)
Bakit ayan ang iyong sinagot?

2. Isa sa epekto nito ay hindi sapat ang


kanyang kinakain.
(ang bata ay pipila)
Sagot mo, Pilahan mo!
(ang bata ay sasagot)
Paano mo nasabing iyan ang sagot?
3. Ito ang uri ng malnutrisyon na kapag ang
bata ay kulang sa timbang at hindi
kumakain.

Sagot mo, Pilahan mo! (ang bata ay pipila)

Bakit ayan ang iyong sinagot? (ang bata ay sasagot)

4. Ito naman ay ang sobra sa timbang at


hindi akma ang kanyang edad at taas.

Sagot mo, Pilahan mo! (ang bata ay pipila)


Bakit ayan ang iyong sinagot? (ang bata ay sasagot)
5. Isang kondisyon na sanhi ng kakulangan
o labis na pagkain.

Sagot mo, Pilahan mo!


(ang bata ay pipila)
Sure kang tama sagot mo?
(ang bata ay sasagot)

Sino ang may pinakamaramig tamang sagot? Ako po!

Napakahusay nama ninyo, dahil diyan bibigyan


ko kayo ng chips.

Hindi pa tayo tapos, maglabas ng papel at lapis.


Sagutan ninyo ang mga tanong na inihanda ko, (Ang mga bata ay naglabas ng papel at
isulat sa inyong papel. lapis)

PANUTO: sagutin ang mga sumusunod na


tanong ayon sa iyong sariling opinion. Isulat ito sa
inyong papel.

1. Ikaw ay nasa paaralan, nakita mo si


John na pinagtatawanan si Mark dahil
malaki ang sukat ng katawan nito. Ano
ang gagawin mo? (ang mga bata ay sumasagot sa papel)

2. Naglalakad ka sa kalye, may hawak


kang pagkain at may nakita kang
batang humihingi ng pagkain at
mukhang hinang-hina na siya.
Bibigyan mo siya oo o hindi? (ang mga bata ay sumasagot sa papel)
Ipaliwanag.

3. Nakita mo si Rey sa canteen


napakarami nitong kinakain at tila
hindi na tama ang labis nitong pagkain
dahil baka siya ay maging
overnutisyon, paano mo ito sasabihin
sa kanya ng hindi siya nasasaktan o
nao-offend? Ipaliwanag. (ang mga bata ay sumasagot sa papel)
4. Ano ang gagawin mo upang makaiwas (ang mga bata ay sumasagot sa papel)
sa malnutrisyon?

5. Sa iyong palagay, bakit kailangan


nating respetuhin, tanggapin at
mahalin ang mga taong nakakaranas
ng Malnutrisyon? (ang mga bata ay sumasagot sa papel)

E. Paglalahat

Magaling mga bata, natatandaan niyo pa ba ang


ating pinag-aralan ngayong araw? Opo, teacher!

Sige nga kung nakinig at may natutunan kayo sa Ito po ay resulta ng kulang o sobrang
ating aralin, Ano ang malnutrisyon? nutrisyon.

Tama! Ito ay resulta ng kakulangan o kaya


sobrang nutrisyon.
Magaling, anu-ano naman ang uri ng
malnutrisyon? Undernutrisyon at overutrisyon.

Kapag sinabing undernutrisyon? Ito po ay kakulangan sa nutrisyon.

Eh yung overnutrisyon? Sobra po sa nutrisyon o kaya naman


hindi masustansiya yung kinakain
tapos pwede ring namana.

Mahusay, dahil diyan bigayn ninyo ng tatlong


palakpak ang inyong mga sarili.
Ako’y natutuwa dahil napaka-aktibo niyo sa ating
klase at kayo ay natuto sa ating aralin.
IV. EBALWASYON

PANUTO: Gumawa ng concept map at magbigay ng sampung (10) salita na konektado o natutunan sa
Malnutrisyon. Maaring sanhi, resulta at solusyon. Ilagay sa long bondpaper.

Halimbawa:

Malourish

MALNUTRISYON

V. TAKDANG-ARALIN

Panubaybay na Takda:

PANUTO: tukuyin ang sagot na hinahanap sa sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa
inyong papel.

1. Ito ay ang labis na pagkonsumo ng ilang mga nutrisyon, tulad ng protina,kaloriya o taba, ay
maari ring humantong sa malnutrisyon. Kadalasan ito ay nagreresulta ng labis na timbang o
labis na katabaan.

2. Isang kondisyon na nagreresulta mula sa kakulangan ng nutrisyon o labis na pagkonsumo.

3. Resulta ng kakulangan ng nutrisyon at ang mga bata o taong kulang sa nutrisyon ay madaling
kapitan ng sakit.

4. Magbigay ng isang sanhi ng undernutrisyon.

5. Magbigay ng isang solusyon upang makaiwas sa overnutrisyon.

Paghahandang Takda:

PANUTO: Magbigay ng limang (5) paraan Kung paano mapapanatiling malusog ang ating
katawan. Isulat ito sa inyong kuwaderno.

You might also like