You are on page 1of 20

HANDBOOK SA

NUTRISYON
Para sa 0 - 19 taong gulang.
MGA GABAY AT ALITUNTUNIN SA
PAGGAMIT NG BOOKLET
Ang materyal na ito ay naglalaman ng paksa na
patungkol sa nutrisyon. Ang unang paksa ay tumatalakay
sa malnutrisyon pati narin ang mga sanhi at komplikasyon
nito. Sa modyul din na ito matutunan ang kahalagahan ng
mabuting nutrisyon, at tamang dami ng pagkain.

Naglalaman din ang booklet na ito ng mga larawan


patungkol sa iba’at I bang pagkain na mahahalaga sa
nutrisyon. Ang mga larawan na ito ay mula sa DOST-FNRI
ang pangunahing taga-pagsaliksik sa nutrisyon sa ating
bansa. Layunin ng booklet na ito na turuan ang mga
mambabasa na maging pamilyar sa iba’t ibang pagkain
na maaaring gamitin upang makamit ang sapat na
nutrisyon, kaya maaring gamitin din ang modyul na ito sa
paghahanda o pagplaplano ng mga lulutuin.
TALAAN NG NILALAMAN

Pangkalahatang Ideya Pg. 5

Kabanata 1: Mga uri ng


Pg. 6
Malnutrisyon

Kabanata 2: Wastong Pg. 11

Nutrisyon

Kabanata 3: Mga pagkain


Pg. 16
na pinagmumulan ng
mahahalagang sustansya

Kabanata 4: Food Portion Pg. 18


PANGKALAHATANG IDEYA
Ang Malnutrition ay tumutukoy sa kakulangan o kalabisan
sa pagkaing masustansya, at pagka kapos sa
mahahalagang sustansya o pagkakaroon ng problema sa
paggamit nito. Ang dobleng pasanin ng malnutrisyon ay
binubuo ng parehong kakulangan sa nutrisyon,
pagkakaroon ng sobrang timbang, at pati na rin ang mga
nararanasang diet-related non-communicable diseases.

Makikita ang kakulangan sa nutrisyon sa apat na malawak


na anyo: Wasting, Pagka-bansot, Kakulangan sa timbang,
at Micronutrient deficiencies. Ang mga nabanggit ay
taimtim na ipapaliwanag sa mga susunod na parte ng
libro na ito.

5
KABANATA 1: MGA URI NG
MALNUTRISYON

Ang Wasting ay tinutukoy bilang pagkakaroon ng


mababang timbang na hindi angkop sa tangkad. Makikita
na ang matinding pagbabawas ng timbang na
nararanasan ay ang senyales ng ganitong klase ng
malnutrisyon at maaari itong magpatuloy sa mahabang
panahon.

Kadalasan itong nangyayari


kapag ang tao ay hindi
nakakakuha ng pagkain na may
sapat na kalidad, dami, at
kalimitan may pang matagalan
na karamdaman. Sa mga bata,
ang Wasting ay nauugnay sa mas
mataas na tsansa ng
pagkamatay, kung hindi ito
magagamot nang maayos.

6
Ang Pagkabansot naman ay tinutukoy bilang
pagkakaroon ng mababang tangkad-para-sa-edad.
Nagreresulta ito sa paulit-ulit na kakulangan sa nutrisyon
at karaniwan itong naiuugnay sa kahirapan, hindi
magandang kalusugan at nutrisyon ng ina sa
pagbubuntis, madalas na pagkakaroon ng sakit, at hindi
angkop na pagpapakain at pangangalaga sa mga bata.
Bukod pa rito, pinipigilan ng pagkabansot ang pisikal at
kognitib na potensyal ng mga bata.

Img src: https://www.concernusa.org/story/what-is-stunting/

7
Ang Underweight nama’y tumutukoy sa mababang
timbang-para-sa-edad at ang bata na kulang sa timbang
ay maaaring bansot, wasted o parehas. Tumutukoy naman
sa micronutrient deficiencies ang kakulangan sa mga
bitamina at mineral na ginagamit sa pagpapagana ng
katawan upang makapagprodyus ito ng enzymes,
hormona, at iba pang mga sangkap na kinakailangan sa
paglaki. Bawat bansa ay apektado ng malnutrisyon.

8
Ang Overweight ay ang
kalabisan sa timbang ng isang
tao kung ikukumpara sa
kanyang tangkad. Ito ay
kadalasang nangyayari kapag
labis-labis ang kinakain ng
isang tao at dahil dito
nagkakaroon ng abnormal na
dami ngtaba sa katawan. Kung
iuugnay naman ito sa chilhood
overweight, masasabi na
overweight ang isang bata
base sa kanilang Body Mass
Index (BMI).

Ang BMI ay isang instrumento na


gingamit upang malaman ang
nutritional status ng isang tao.

9
MGA SANGGUNIAN

Lang, J. (2012). Obesity, Nutrition, and Asthma in Children.


Retrieved from:
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3377949/

WHO (n.d.). Malnutrition. Retrieved from:


https://www.who.int/health-topics/malnutrition

Img src:
https://www.concernusa.org/story/what-is-stunting/
https://www.unicef.org/nutrition/child-wasting

10
KABANATA 2: WASTONG
NUTRISYON
Isang paraan upang magkaroon ng tamang nutrisyon sa
mga bata ay ang pagkain ng tama. Base sa DOST-FNRI
mahalaga ang mga sumusonod na nutrient upang
magkaroon ng tayo ng tamang nutrisyon :

Calories:
Ang pagkakaroon ng sapat na
calories sa pagkain ay importante
para masigurado ang paglaki ng
mga bata at upang magkaroon
ng sapat na enerhiya sa pang
araw-araw.

Carbohydrates:
ang carbohydrates naman ay
maituturing bilang pinaka-
pangunahing pinagmumulan ng
enerhiya sa ating katawan.

11
Protein: Mahalaga ang Protina sa pagpapanatili at
paggagawa ng ating mga tissues sa katawan, at
pagbabago ng komposisyon sa ating katawan. Ang
protina ay responsable sa pagsasagawa ng ating muscle,
buto, at balat habang tayo ay lumalaki.

12
Fats:
Ang fats ay nakakatulong sa paggawa ng mga hormones,
at higit sa lahat, ito ay mahalaga sa pag-develop ng ating
utak. Maari rin itong maging pagmulan ng enerhiya para
sa ating katawan, at ito rin ay nakatutulong sa pag absorb
ng bitamina at minerals.

13
Vitamins and Minerals: Katulad ng mga naunang
nutrients, ang vitamins at minerals ay mahalaga sa
tamang paglaki ng mga bata. Ang hindi pagka- karoon ng
sapat na bitamina ay maaring mauwi sa iba’t ibang
komplikasyon at sakit. Halimbawa, Ang vitamin A ay
mahalaga para sa malinaw na mga mata, ang vitamin C
naman ay para sa ating immunity at maiwasan ang mga
sakit. Ang mga mineral naman katulad ng Calcium ay
mahalga para sa paggawa at pagtibay ng buto, at Zinc sa
paglaki at mabilis na paggaling.

14
MGA SANGGUNIAN

Carbohydrates (n.d.). Retrieved from: https://healthy-


kids.com.au/food-nutrition/nutrients-in-food/carbohydrates/

DOST-FNRI (n.d.). Daily Nutritional Guide Pyramid. Retrieved


from: https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/tools-and-
standard/nutritional-guide-pyramid

Ruiz A. at Claudio V. (2010). Basic Nutrition for Filipinos 6th


edition. Merriam and Webster Bookstore Inc. Manila, Philippines

15
KABANATA 3:
MGA PAGKAIN NA PINAGMUMULAN
NG MAHAHALAGANG SUSTANSYA
Ang mga nutrients na nabanggit sa kanina ay tama
lamang na makamit sa ating hapagkainan upang
masiguro na tama ang paglaki at pag-unlad ng mga bata.
Nararapat lamang na magkaroon ang mambabasa ng
sapat na kaalaman sa mga uri ng pagkain na naglalaman
ng mga partikular na mga nutrients na ito. Upang mas
mapadali maintindihan ang pagkakaiba ng bawa’t
pagkain, marapat na alalahanin ang tatlong pangunahing
uri ng pagkain o 3 basic food groups:

16
Go Foods – ang mga pagkain na
nagbibigay enerhiya gaya ng
carbohydrates. Ang mga
halimbawa ng mga pagkain na ito
ay ang mga: pasta, grains, cereals,
bread, and crackers.

Grow Foods – ang mga pagkain na


nakakatulong sa pagbuo at
pagpapalakas ng ating buto,
ngipin, at muscles gaya ng protina.
Ang mga halimbawa ng mga
pagkain na ito ay ang mga beans o
buto, nuts, meat, fish, eggs, at
dairies.

Glow Foods – ang mga pagkain na


maraming dalang sustansya at
bitamina gaya ng mga gulay at
prutas. Ang mga pagkain na ito ay
nakatutulong sa ating balat, buhok,
at mata at ito rin ay nakakatulong
upang maiwasan
Img src: NNCRVII Pinggang Pinoy for teens

ang mga sakit.

17
KABANATA 4: FOOD PORTION
Ano nga ba dapat ang nasa plato mo?
Ngayon at alam na natin ang iba’t ibang pagkain na mga
pinagmumulan ng mahahalagang sustansya, nararapat
lang na matutunan kung gaano karami or kung ano ang
dapat natin ihain sa atingmga plato. Ayon sa “Pinggang
pinoy” na inilunsad ng DOST-FNRI, ang plato sa ating
hapagkainan ay dapat naglalaman ng: kalahating plato
ng gulay at prutas, kanin o mga alternatibo na mas
marami kesa sa mga karne, at mga pagkaing protina
gaya ng karne at isda. Upang mas maunawaan ang mga
nabanggit, maaring tignan ang larawan ng Pinggang
pinoy sa susunod na pahina.

18
Img src: DOST-FNRI Pinggang Pinoy for Adults

Maaari ding gamitin ang food pyramid bilang gabay


upang makamit ang tamang dami ng pagkain sa
hapagkainan. Mahalaga na masunod ang tamang dami
ng kinakain upang makamit ang sapat na nutrisyon at
maiwasan ang mga nararanasang komplikasyon sa
pagtanda gaya ng high blood, Sakit sa puso, Diabetes,
Cancer, panghihina ng mga buto at kasukasuhan, at pati
narin ang pagsakit ng ngipin.

19
MGA SANGGUNIAN

DOST-FNRI (n.d.). Pinggang Pinoy for Adults. Retrieved from:


https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/116-pinggang-pinoy

Ruiz A. at Claudio V. (2010). Basic Nutrition for Filipinos 6th


edition. Merriam and Webster Bookstore Inc. Manila, Philippines

WHO (n.d.). Healthy Diet. Retrieved from:


https://www.who.int/initiatives/behealthy/healthy-diet

20
ONLINE CONTENT!
Maaaring Iscan ang mga sumusunod na Qr code gamit ang
inyong mga Smartphone upang magkaroon ng access sa
mga sumusunod na nilalaman online:

DOST-FNRI Daily Nutrition Guide Pyramid


https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/tools-and-
standard/nutritional-guide-pyramid

DOST-FNRI Pinggang Pinoy


https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/116-pinggang-pinoy

Nutrition Modules
https://drive.google.com/drive/folders/1-w_flnMRR1IsHJ2qsz-
HqFAqrhaaPTn1?usp=sharing

Ayon sa UNICEF halos 95 na bata ang namamatay araw-araw dahil sa


malnutrition. Layunin naming masolusyunan ang mga problemang ito
at patuloy na magbigay ng sapat na nutrisyon, kaalaman, at mga
serbisyong makatutulong sa ikauunlad ng lahat.

You might also like