You are on page 1of 2

Andielle Kahlil C.

Dela Torre Filipino


STEM 212

Siyentipikong Relasyon ng Malnutrisyon sa Kalidad ng


Pag-unawa ng Mag-aaral

Ayon sa datos ng United Nation noong 2019, ang populasyon ng


Pilipinas ay umabot sa 108 bilyon na tao. Maliban dito, ayon sa
Philippine Statistics noong 2015, 26.1 na porsyento ang mga
nabubuhay sa kahirapan. Dahil dito, masasabi ng mga tao na
maaaring marami ang nakakaranas ng malnutrisyon sa bansa, at ang
natatamaan nito ay ang mga bata na nag-aaral sa eskwelahan.
Ngunit, nasaan ang siyentipikong relasyon nito sa kalidad ng
pag-unawa ng mga mag-aaral sa silid aralan? Ating alamin.

Malnutrisyon ang isa sa mga problema ng mga bata na wala


masyadong kaya sa lipunan. Ang pagkagutom at pagkakapos sa
mahahalagang nutrisyon na kailangan ng ating katawan ay isa sa
mga dahilan kung bakit ang isang estudyante ay walang ganang
mag-aral, hirap sa lohikal na isipan, hirap sa konsentrasyon, at
hirap sa pag-unawa ng mga leksyon. Maliban dito, ang
malnutrisyon ay isa sa mga humahadlang sa pag-unlad ng kaisipan
ng bata. Wernicke encephalopathy, Ito ay isang sakit kung saan
may malalang kakulangan sa thiamine (vitamin B1) dahil sa dulot
ng malnutrisyon. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng mga sugat sa
utak ng tao kaya’t nagkakaroon sila ng mga pagkakataon na sila
ay nalilito at nahihirapan umunawa sa mga bagay na dapat
unawain. May mga kaso sa ating lipunan na ang mga batang nabuhay
sa kahirapan ay may ganitong sakit kaya sila ay nahuhuli
Andielle Kahlil C. Dela Torre Filipino
STEM 212

pagdating sa mga akademikong gawain. Maliban dito, hindi din


nila ito maagapan ng mas maaga dahil sa kanilang kalagayan sa
lipunan.

Ayon sa American Psychological Association, nagkakaroon ng


mga problemang sikolohikal ang mga batang may malnutrisyon. Isa
sa mga na obserbahan ng mga mananaliksik ay ang pagkakaroon ng
mga bata ng depression, anxiety at withdrawal kung saan ito rin
ay nakahahadlang sa pag-intindi at pag-unawa ng mag-aaral sa mga
tinalakay na leksyon.

Sa konklusyon, may relasyon ang malnutrisyon sa kalidad ng


pag-unawa ng Mag-aaral at ito ay hindi kaaya-aya sa lipunan.
Hindi masyadong masisisi ang mga batang kulang sa pribilehiyo
kung sila ay nahuhuli sa mga pag-unawa sa talakayang akademiko.
Subalit, may paraan kung paano masosolusyonan ang problemang
ito. Kaunting pasensya, pag-unawa sa sitwasyon at pagtulong ang
solusyon sa suliraning ito, kaya hanggat sa maaari, ating
bigyang pansin ang malnutrisyon sa mga batang mag-aaral.

You might also like