You are on page 1of 21

MALNUTRISYON SA MGA ESTUDYANTE NG MT.

SIOAN

ACADEMY TAONG 2021 2022

PAMANAHONG PAPEL NA IPINRISENTA SA AKADEMIYA

NG MT. SIOAN ACADEMY

GIMONGALA, VINCENT R.

MARSO 2022
DAHON NG PAGPAPASIYA

Ang pananaliksik na pinamagatang “Malnutrisyon Sa Mga Estudyante

ng Mt. Sioan Academy Taong 2021 2022” na inihanda ni Vincent R.

Gimongala bilang bahnagi ng pagtupad sa mga pangangailangan sa

asignaturang Komunikasyon At Pananaliksik sa Wika At Kulturang Fi;lipino

sa Sekondarya Baitang XII ay itinagubiling tanggapin at pagtibayin sa isang

eliminasyon.

Mrs. Maricel Kristine L. Solayao

Tagapayo

PANEL NG TAGASULIT

pinagtibay ng lupon ng pagsusulit sa eliminasyon ng pananaliksik ng

may promedyang .

Mrs. Milagros Macawile Mrs. Marife Tadle

Kagawad Kagawad

Tinatanggap at pinagtibay bilang bahagi ng mga pangangailangan sa

asignaturang Filipino. Pumasa sa pagsusulit sa eliminasyon noong ika 25 ng

Marso.

Mr. Carl Jones A. Julba

MSA OIC

I
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

Filipino XI Komunikasyon At Pananaliksik sa Wika At Kulturang Filipino,

ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Malnutrisyon Sa Mga Estudyante

ng Mt. Sioan Academy Taong 2021 2022” ay inihanda ni Vincent R.

Gimongala ng ikalabing dalawang baitang para sa mga guro.

Isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino XI

Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Filipino

Petsa

II
DAHON NG PAGPAPASALAMAT

Ako ay taos pusong nagpapasalamat sa aking mga magulang na sina

Jimmy R. Gimongala at Jennifer R. Gimongala na hindi nagsawang sumuporta

sa akin habang ginagawa ang pananaliksik na ito. Ako rin ay nagpapasalamat s

aking tagapayo na si Mrs. Maricel Kristine L. Solayao na walang sawang

gumagabay s akin at nagtatama sa aking mga pagkakamali habang ginagawa

ang pananaliksik na ito

Higit sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa ating kataas taasang Diyos

Ama. Kung hindi dahil sa kanyang gabay ay hindi magiging posible ang

pananaliksik na ito.

DAHON NG DEDIKASYON

Inaalay ko ang pananaliksik na ito sa aking mga magulang na walang

sawang nagmamahal sa akin at sa lahat ng bagay na aking ginagawa. Akin

ding inaalay ito sa mga batang hindi napagtutuunan ng pansin ang kanilang

kalusugan upang magkaroon sito ng kaalaman tungo sa tamang nutrisyon at

matulungan sila sa ganitong problema.

III
TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman Pahina

DAHON NG PAGPAPASIYA I

DAHON NG PAGPAPATIBAY II

DAHON NG PAGPAPASALAMAT AT DEDIKASYON III

TALAAN NG NILALAMAN IV

Kabanata I

PANIMULA 1

BACKGRAWND NG PAG AARAL 3

PAGLALAHAD NG SULIRANIN 5

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL 6

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS 7

SAKOP AT DELIMINASYON NG PAG AARAL 8

DALOY NG PAG AARAL 9

DEPINISYON NG MGA SALITA 10

Kabanata II

PAGSUSURI NG LITERATUTA 11

METODOLOHIYA, DISENYO AT LOKAL 13

IV
POPULASYON,RESPONDENTS AT INSTRUMENTO 14

PARAAN, PAGSUSURI, SCORING AT KWANTIPIKASYON 15

Kabanata III

PRESENTASYON NG MGA DATOS 16

ANALYSIS 17

INTERPRETASYON 18

Kabanata IV

PAGLALAGOM 19

RESULTA AT KONKLUSYON 20

REKOMENDASYON 21

BIBLIOGRAPIYA 22

V
Kabanata I

PANIMULA

Alam natin na ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa. Dahil

dito, maraming problema ang ating kinakaharap. Maraming pamilya ang

naghihirap dahil sa ekonomiya ng ating bansa at dito nagsisimula ang mga

problema na hindi natin maiiwasan. Isa na dito ang problema ng Malnutrisyon

lalong lalo na sa mga kabataan. Ang nutrisyon ay isang mahalagang paksa na

dapat tugunan ng pamahalaan sa panahong ito lalong lalo na at may

pandemya.

Ang Malnutrisyon ay isang kalagayan o kondisyon na kung saan ang

ating katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina, mineral, at sustansya

upang mapanatili ang kalusugan ng ating katawan at hindi dapuan ng anumang

sakit. Kaya ang mga masisikip, Overpopulated, at malalayong lugar na malayo

sa kabihasnan ay isa sa may mga pinakamaraming kaso ng malnutrisyon sa

ating bansa. Kasama na dito ang bundok ng Sioan. Hindi maiiwasan na

maraming bata ang nakakaranas ng malnutrisyon dahil hindi nabibigyan ng

sapat na nutrisyon ang mga bata dahil ang kinakain lamang nila ay mga

pananim na nanggagaling sa kabundukan. Ang pamahalaan ay gumagawa ng

paraan uoang ang malnutrisyon ay matugunan o maibsan kahit paano. Isa sa

mga hakbang ng pamahalaan ay ang mga Feeding Program na ang layunin ay

1
ang maabot ang malalayong lugar na kadalasan ay kapos sa pagkain dahil na

din sa kakulangan ng hanapbuhay o mapagkakakitaan.

Layunin ng pananaliksik na ito na matugunan ang mga bata sa bundok

ng Sioan kung anu ano ang mga maaaring gawin upang matugunan ang

malnutrisyon lalong lalo na sa mga kabataan.

2
BACKGRAWND NG PAG AARAL

Lahat ng mga bansa sa mundo ay may kanya kanyang problemang

pagkalusugang kinakaharap at isa na dito ang Malnutrisyon. Para sa isang

mahirap na bansa katulad ng Pilipinas, isa itong problemang nagdudulot kung

bakit naghihirap ang isang bansa.

Ayon sa Kagawaran Ng Edukasyon o DepEd, ang malnutrisyon ay is

sa mga itinuturong dahilan kung bakit hindi nakakapag aral ng maayos ang

mga estudyante sa bansa. Ayon na rin sa kanilang tala, mahigit s dalawang

milyong estudyante ang kulang sa timbang. Ayon sa Food and Nutristion

Research Institute (FNRI), halos isa sa bawat Pilipino edad 6 hanggang 10 ay

kulang sa timbang at taas o hindi eksakto para sa kanilang edad. At edad 9

hanggang 10 ang pinakamataas na bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon,

Ang salitang Malnutrisyon ay karaniwang tinutukoy ang mga taong

payat o kulang sa timbang. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, ang

malnutrisyon ay nahahati sa dalawang klase, ang kulang sa timbang

(Malnourished) at sobra sa timbang (Obese).

Ang kulang sa timbang ay nangyayari lamang kapag ang ating katawan

ay hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon. Ang mga batang nakakaranas nito

ay karaniwang madaling dapuan ng mga sakit.

3
Ang sobra sa timbang naman ay isang kondisyon na kung saan sobra

sobra ang nutrisyong ating nakukuha sa mga pagkain na hindi na kaya ng ating

katawan. Ito ay nagreresulta sa pagtaba ng isang tao at hindi pagbalanse ng

mga nutrisyon sa katawan dahil sa sobrang pag inom ng mga gamot

pangpapayat.

4
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa panahon ngayon, ang malnutrisyon ay isa sa mga dahilan at hadlang

sa mga kabataan upang magkaroon ng maayos na edukasyon dahil sa

kakulangan ng lakas at ang hindi maayos at mabagal na pagbabago ng

kanilang isipan. Maraming bata ang napag iiwanan dahil sa kakulangan ng

nutrisyon at ang iba pa nga ay nagdudulot ng maagang kamatayan. Layunin ng

mananaliksik na alamin ang mga dahilan kung bakit marami ang mga batang

nakararanas ng malnutrisyon at kung ano ang mga epekto nito sa katawan at

kung paano nila masusugpo at maiiwasan ang ganitong kalagayan. Ang mga

tanong na nais masagot ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga dahilan kung bakit marami ang mga “Malnourished

Children” sa paaralan ng Mt. Sioan Academy?

2. Ano ang mga epekto ng malnutrisyon sa katawan ng isang bata?

3. Ano ang mga maaaring gawin upang matugunan at maiwasan ang

ganitong kondisyon?

5
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman kung anu ano ang dahilan

kung bakit marami ang mga batang may malnutrisyon sa Mt. Sioan Academy

taong 2021 2022. Ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

 Magulang ~ Mahalaga ito sa mga magulang dahil ito ay magbibigay

kaalaman sa kanila kung paano maiiwasan ang malnutrisyon at kung

paano matutugunan ito sakaling ang kanilang anak ay mayroong ganitong

kalagayan.

 Kabataan ~ Mahalagang malaman ng mga bata ang tama at wastong

pagkain upang hindi nila makuha ang ganitong kondisyon

 Guro ~ Bilang pangalawang magulang, kailangang masiguro ng mga guro

ang kalusugan ng mga bata upang maging maayos ang kanilang pag aaral.

At;

 Pamahalaan ~ Mahalaga ang pag aaral na ito upang malaman ng

pamahalaan ang mga dapat gawin upang matulungan ang mga bata na

malunasan ang Malnutrisyon at magbigay impormasyon ukol sa tama at

wastong pagkain.

6
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung

paano matutulungan ang mga batang may malnutrisyon sa mga estudyante ng

Mt. Sioan Academy. Ang Konseptuwal na Balangkas ay ginagamitan ng

Process Output Model. Kung saan sa Input Frame Survey ng estudyante ng

Mt. Sioan Academy.

INPUT PROCESS OUTPUT

Mga estudyante ng Mt. Survey Questionnaire Malnutrisyon sa mga

Sioan Academy estudyante sa MSA.

7
SAKOP AT DELIMINASYON NG PAG AARAL

Sakop

Ang mananaliksik ay mamamahagi ng mga nakatakdang tanong sa

mga estudyante na may kondisyon ng Malnutrisyon ng Mt. Sioan Academy.

Deliminasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa malnutrisyon sa Mt.

Sioan Academy tanong 2021 2022 at tinatayang tatlumpung (20) respondents

lamang ang napiling tagapagsagot at hindi ito lalagpas sa mataas na antas.

8
DALOY NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa Malnutrisyon sa mga estudyante ng

Mt. Sioan Academy taong 2021 2022. upang matugunan ang problemang

kinakaharap ng mga batang may malnutrisyon. Ang layunin ng pananaliksik

na ito ay upang malaman ang mga dahilan ng malnutrisyon at kung ano ang

mga epekto nito sa katawan ng isang batang may ganitong kondisyon at upang

malaman ang mga maaaring gawin upang matugunan at maiwasan ang

ganitong kalagayan. Ang kahalagahan ng pag aaral na ito ay upang malaman

kung ano ang mga hakbang na pedeng gawin upang maibsan ang malnutrisyon

sa ating lugar. Ito ay ginagamitan ng Process Input Model na kung saan

mailalahad ang kwalipikadong pagtugon ng mga estudyanteng may

malnutrisyon. Sinasaklaw ng pananaliksik na ito ang mga estudyante ng Mt.

Sioan Academy at tinatayang nasa tatlumpung (30) respondents lamang ang

napiling tagapagtugon at ito ay hindi lalagpas sa mataas na antas.

9
DEPINISYON NG MGA SALITA

 Overpopulated - Isang sitwasyon kung saan napakaraming tao o hayop

ang naninirahan sa isang lugar.

 FNRI (Food And Nutrition Research Institute) -

 Malnourished -

 Obese -

 Process Input Model -

 Survey Questionnaire -

10
KABANATA II

PAGSUSURI NG LITERATURA

DOH: Malnutrisyon, Nananatiling Problema

(ABS CBN, PATROL PH)

Hindi pa rin natatapos ang problema ng bansa sa Malnutrisyon, ayon sa

lumabas na pag aaral ng international organization na Save The Children.

Sa ginawang eng of childhood report ng Save The Children, nasa ika

96 ang bansang Pilipinas sa listahan ng 2017 end of childhood index rankings.

Ika 9 naman ang pilipinas sa sampung bansa na pinakamaraming bansot o

Stunted sa edad lima pababa.

Aminado ang Department of Health (DOH) sa laki ng problema ng

malnutrisyon sa bansa.

Lumabas sa datos ng 2015 Food and Nutristion Research Institute (FNRI) na

Stunted o bansot ang 3 sa 10 bata sa bansa.

“Ang stunting o ‘yung pagkabansot ay outcome ng pagkakaroon ng

pangmatagalang kakulangan sa pagkain ng isang bata,” paliwanag ni DOH

11
National Nutrition Program Coordinator Luz Tagunicar. Dagdag pa ng DOH,

maaring magsimula ang pagkabansot habang pinagbubuntis ang isang sanggol.

Maging ang Teenage Pregnancy, isa umano sa dahilan para maging bansot ang

isang bata. Pero hindi naman umano dapat ang DOH lang ang may

responsibilidad para masolusyunan ang problema sa malnutrisyon.

Suhestion ni Tagunicar, “Dapat sa farm to market roads ng DPWH na

project, dapat ‘yung hire nila d’yan ‘yung mga may malnourished sa family,

para ma o augment ang income ng family at magiging food secure sila at

makakabili ng mas maraming pagkain at masisiguro ang nutrisyon ng

pamilya.” Sinabi rin ni Tagunicar na malaki rin ang papel ng Department of

Agriculture na magbigay ng sapat na pagkaing abot kaya.

Dagdag pa ng DOH, pinakamahalaga ang papel ng mga magulang,

dahil nasa kamay nila ang susi para mamuhay nang masigla ang mga bata.

12
METODOLOHIYA

Ang Metodolohiya ay ginagamit ng mga mananaliksik upang

mapatunayan ang mga suliranin ng kanilang pag aaral o para malaman ang

kasagutan sa kanilang suliranin. Ang halimbawa nito ay ang Survey

Questionnaire, Observation, Experimentation, Interview at iba pa. Ito ay

ginagamit upang makapaghanap ng mga datos o impormasyon na may

kaugnayan sa pananaliksik.

Dahil sa tamang pagpili ng metodolohiya na ginagamitan,

makatutulong ito upang mahanap ang sagot sa aming suliranin. Dahil rin dito,

mas magiging eksakto ang sagot na nais malaman ng mananaliksik. Ang

tamang napili ay makakatulong sa mga datos na nakalap upang makabuo ng

angkop na rekomendasyon.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay ginagamitan ng convenience

sampling na nakatuon lamang sa mga estudyanteng nakakaranas ng

malnutrisyon.. Sa pamamagitan nito, nakuha ang dalawampung (20)

respondents ng mananaliksik.

LOKAL NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Mt. Sioan Academy

na may 158 na estudyante na kung saan maraming hinaharap na

problema. Isa na dito ang malnutrisyon.

13
POPULASYON NG PAG AARAL

Ang populasyon ng pag aaral na ito ay nasa kabuuang isang daan

limampu’t walo (158) na nag aaral ng sekondarya sa paaralan ng Mt. Sioan

Academy.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang instrumento ng pananaliksik na ito ay mga impormasyon na

kinuha sa Internet, at mga libro ukol sa kalusugan kung saan nakuha ng

mananaliksik ang basehan sa mga suliranin sa pananaliksik na ito. Sa

pamamagitan nito, nakakuha ang mananaliksik ng mga mapagkakatiwalaang

mga impormasyon ukol sa pananaliksik na ito.

14
PARAAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Ang paraan sa paglikom ng datos sa pananaliksik na ito ay ginamitan

ng mga Survery Questionnaire na sinaguan ng mga respondents sa sagutang

papel ng mananaliksik na masusing sinuri ng mananaliksik. Pumili ang

mananaliksik ng respondents sa pamamagitan ng pagtimbang at pagkuha sa

taas ng mga respondents upang malaman ang kanilang BMI upang malaman

kung sila ay malnourished.

PARAAN SA PAGSUSURI NG DATOS

Sinuri ng mananaliksik ang mga datos sa pamamgitan ng mga Survey

Questionnaire at nakuha ang impormasyon mula sa nakalap na mga sagot

mula sa mga datos ng mananaliksik upang makuha ang mean at makagawa ng

interpretasyon at konklusyon.

SKORING AT KWANTIPIKASYON

Parametrikong Eskala

BATAYAN
DESKRIPSYON

4.9~5.4 OO

3.4~4.8 PWEDE

2.9~3.3 NEUTRAL

1.0~2.8 HINDI

15

You might also like