You are on page 1of 24

TEENAGE PREGNANCY

By

STEM-1 IKALAWANG PANGKAT


FILIPINO II

Papel ng pananaliksik

Na ipapasa sa

Electron College

Sa bahagyang katuparan ng mga


kinakailangan sa Filipino II

Abril 18, 2022

Pinangangasiwaan ni: Ginoóng Orly Famor


TALAAN NG MGA NILALAMAN
KABANATA I: SULIRANIN AT SALINGAN NG PAG-AARAL
PANIMULA 1
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAG-AARAL 2
BATAYANG TEORETIKAL 2-3
BALANGKAS KONSEPTWAL 3
PAGLALAHAD NG SULIRANIN4
MGA TIYAK NA SULIRANIN 4
HYPOTESIS O ASUMPSYON 4
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL 5
SAKLAW NG LIMITASYON NG PAG-AARAL5
KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN 5
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
LOKAL NA LITERATURA 6-7
LOKAL NA PAG-AARAL 7
BANYAGANG LITERATURA 8
BANYAGANG PAG-AARAL 9
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
DISENYO NG PANANALIKSIK 10
PAMAMARAAN NA GINAMIT SA PANANALIKSIK 11
TEKNIK SA PAGKUHA NG SAMPOL O KALAHOK SA PAG-AARAL 11
INSTRUMENTONG GINAMIT SA PAG-AARAL 11-13
PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS 13
KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS
PAGSUSURI 14
INTERPRETASYON 15-18
PALIWANAG/PAGSUSURI 18-19
KABANATA V: LAGON NG MGA NATUKLASAN AT REKOMENDASYON
LAGOM NG MGA NATUKLASAN 20
MGA KONKLUSYON 20-21
REKOMENDASYON 22
KABANATA I:
SULIRANIN AT SALINGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang teenage pregnancy o pagkabuntis ng mga babaeng wala pa sa 20 taong gulang ay isa sa
problema sa ating bansa. Ayon sa Commission on Population na si Pangulong Rodrigo Duterte
ay nilagdaan ang Executive Order No. 141 na nagtitibay sa implementasyon ng paraan sa
paghanap ng sanhi sa pagtaas ng bilang mga kabataang maagang nagbubuntis noong June 25,
2021 upang maging ‘national priority’.

Karamihan sa mga kabataan sa ating bansa ay may sarili nang anak. Dahil dito ay madaming
kabataan ang huminto sa pag-aaral upang gawin ang responsibilidad ng isang magulang. Sa
taong 2019 ay tumaas ng 7% ang mga batang nabubuntis at bumaba ng 10% sa taong 2020 ayon
sa PopCom. Ayon naman sa Philippine Statistic Authority na 31 sa 1000 na mga babae na
maagang nagkaanak sa taong 2020. Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman
kung ano ang mga problema at hirap sa mga maagang nabubuntis, bakit maagang nagkaroon ng
anak, paano nila ito hinaharap at mabigyan linaw ang isyung ito.
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAG-AARAL
Sinasabi na sa ginawang surbey noong hulyo ng taong 2010 na ang pagpapamilya noon at
ngayon ng pamilyang pilipino ay talagang sadyang magkaiba. Ang mga babae noon ay kailangan
muna ligawan or haranahin ito sa kanilang loob ng bahay o tahanan upang ito ay hingin ang
kamay ng babae sa mga magulang nito. At ang mga lalaki naman ay kailangan muna ipagbigay
alam sa mga magulang ng babae na kung ito ba ang pwedeng ligawan o sa madaling salita ay
hingin ang kamay ng kanilang anak.

Itinatayang nasa 112,508,994 humigit kumulang ang populasyon ng pilipinas at lalo pang
pinapangambahan ang pagdating ng 50 na tao kahit na ito ay limitahan ng mag asawa ang
kanilang pagkakaron ng magiging anak sa dalawa, ngunit walang pinagkaiba ang responsibilidad
ng mga magulang ukol sa pag aasawa at pagpapamilya noon hanggang ngayon, ang tanging
pinagkaiba lamang ay iginigiit na ngayon ang pagkakaron ng anak na sapat sa kapasidad ng mag
asawa, pinapaliwag din nito ang kaalaman ukol sa tamang pagpapamilya na sapat lang at kayang
hawakan ng mag asawa, ang mga dahilan nito o itinuturong dahilan ay ang mga kabataang nasa
edad 14-19 na maagang nabubuntis o pagkakaron ng sariling pamilya. Wastong pagpapamilya
ang kinakailangan upang maibsan ang kahirapan na ito. Ayon sa UN(united nations) na
iminungkahi noong 2002 ‘that family planning and reproductive health are essential to reducing
poverty" Sa maayos at wastong pagpapamilya masasabi na ito ay makakabawas ng gastusin sa
bawat pamilyang pilipino at makakatulong sa pag bawas ng kahirapan.

BATAYANG TEORETIKAL
Bilang batayan sa konsepto ng pagaaral na ito, nilahad ng mga bahaging ito ang mga teoryang
may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pagaaral. Ayon sa estadiska ng Save the
Children, labing tatlong milyong (13M) babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa
edad 20 pababa taun-taon.

Ayon naman sa World Health Organization (WHO), bente porsyento (20%) ng mga Pilipinong
kababaihan ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM ang mga batang ina
ay bumubuo tatlongpung porsyento (30%) sa lahat ng buntis sa buong mundo, 17% ang mga
kaso ng hinihimok na aborsyon (induced abortion), 21% ang mga normal napangaanganak , 6%
ng boluntaryong aborsyon.
Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga nasa gobyerno upang ibaba ang bilang
ngkaso ng maagang pagbubuntis.

Ayon naman sa pag aaral dito sa bansa sa isinagawang 1995 census, may halos 2 milyong
kalalakihan at kulang-kulang na 1 milyong kababaihang may edad 15 hanggang 24 ang sexually
active o aktibo na sa pakikipagtalik. Sa katunayan, ayon pa rin sa pananaliksik, 7 percent ng mga
kabataang sexally active ay hindi gumagamit ng contraceptives o pang-kontrol para hindi kaagad
magbuntis ang babae o magkaanak. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito malalaman ang
epekto at kungano mismo ang teenage pregnancy o ang tinatawag na maagang pagbubuntis. At
gagamitin natin ang ating matutunan sa pag-aaral na ito upang magbigay aral at magmulat sa
mga mata ng mga kabataan.

BALANGKAS KONSEPTWAL

PROSESO
Ang mga nananaliksik ay gagawa ng survey forms at ipapaklalat ito sa mga studyante at iilang
maatatanda. Ang survey forms ay naglalaman ng mga katanungan na makakatulong sa pag sagot
ng mga nais malaman ng mga nananaliksik.

INPUT
Ang teenage pregnancy ay isa sa mga napapanahong isyu. Ang pananaliksik na ito ay ginawa
para malaman ang mga epekto ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng isang teenager
sa buhay ng isang tao, sa kalagayan ng komyunidad at bansa. Nais rin ng nananaliksik kung ano
ano ang mga dahilan at factors kung bakit nagaganap ang maagang pagbubuntis.

OUTPUT
Ang mga nananaliksik ay umaasang maibigay ang mga kasagutan na ninanais nila. Inaasahan rin
ng mga nananaliksik na mabigyan ng solusyon ang isyung kanilang tinalakay. Ninanais rin nila
na mabigyan ng tama at maraming impormasyon ang mga tao upang maging aware at alam nila
ang tungkol sa isyu na ito.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makalakap ng impormasyon ukol sa maagang
pagbubuntis o 'teenage pregnancy' sa mga kabataan na may edad 16-19 taong gulang.
Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng mga kongkretong kaalaman,
datos at impormasyon upang maging aral na makapag papamulat sa mga kabataan ng hindi
magandang resulta ng sobrang kapusukan at padalos-dalos na pakikipag talik ng walang wastong
basbas ng sagradong kasal.

Layunin din nitong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1.) Paano makaka-apekto sa lipunan ang maagang pagbubuntis?
2.) Ano ang mga maaaring salik na magiging sanhi ng maagang pagbubuntis?
3.) Ano ang kahaharaping epekto nito sa kabataan?

MGA TIYAK NA SULIRANIN


Dito nilalahad ang panlahat na pagpapahayag ng suliranin kasunod ang mga tiyak na tanong o
problemang naghahati sa panlahat na suliranin. Bahagi ito kung saan makikita ang mga
pangkalahatang suliranin ng paksang pag aaralan. Makikita rin dito ang mga tiyak na katanungan
na kailangan natin masagot sa sulating pananaliksik, ang malawak at masaklaw na suliranin ay
dapat na hati hatiin sa mga payak at tiyak na tumutugon sa tanong.

HYPOTESIS O ASUMPSYON
Ang pagiging magulang sa murang edad ay nangangahulugan na ikaw nadagdagan ng
pakikipagsapalaran sa buhay, ito ay pinakamabuting kahalagahan na turuan ang mga kabataan
tungkol sa mga kahihinatnan ng pagiging aktibo sa pakikipagtalik sa murang edad kahit na
nangangahulugan ito ng paggamit ng condoms at paginom ng contraceptives pill. Kailangan din
nating hikayatin ang pag-uusap sa pagitan ng magulang at ng kanilang teenager na anak tungkol
sa pakikipagtalik at panganganak.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagmulat sa paningin ng mga kabataan sa masamang
maidudulot ng sobrang kapusukan ng pakikipagtalik ng walang lihitimong basbas ng kasal, at ng
magulang upang makatulong magbigay ng impormasyon at ideya sa pag-gabay at pagdisiplina sa
kanilang mga anak sa paraang di nila daramdamin ang mga payo at pangaral na hahantong sa
pagrerebelde, maaring magamit din ang pag-aaral na ito upang mag bigay ideya kung paano
masolusyonan ang lumalaking populasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagliit ng insidente ng
teenage pregnancy. Ang mga datos sa pag-aaral na to ay maaaring gamitin sa pagmulat ng
kamalayan ng nakararami tungkol sa teenage pregnancy.

SAKLAW NG LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang pag aaral ay gagawin sa Quezon city na kung saan maraming makakalap ng datos sa
pamamagitan ng survey. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag hahanap ng epekto ng
“Teenage pregnancy” sa mga kabataan gulang 16-19 na kung saan deskriptibong paraan ang
gagamitin sa pag lalahad ng nakuhang impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan
ng abril hanggang mayo sapat upang makagawa ng survey at makabuo ng konklusyon.

KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN


Ang pananaliksik ay nakatuon sa teenage pregancy. Ang mga kahulugan ng sumusunod na mga
salita ay maaaring makatulong sa mambabasa upang maunawaan ang mga salita. Ang mga
kahulugan ng salita ay galing sa internet at sa sariling pag-unawa ng mananaliksik.
Katuturan ng Katawagan:
Teenage Pregnancy – pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa 20 taong gulang.
Aborsyon – pagpapalaglag ng babae sa kanilang sanggol.
PopCom (Commission of Population) – isa sa ahensya ng gobyerno na namamahala at
tumutulong sa paggawa ng patakaran ukol sa populasyon.
PSA (Phillipine Statistic Authority) – Nagsisilbing sentro ng statitical authority ng gobyernos ng
Pilipinas sa pangunahing pangangalap ng datos.
WHO (World Health Organization) – ahensya ng United Nation na responsable sa internasyonal
na kalusugan. Contraceptive – ginagamit ito upang maiiwasan mabuntis ang nakipagtalik.
KABANATA II:
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

ANO ANG TEENAGE PREGNANCY

Kapag ang isang babaeng wala pa sa edad ng 20 ay nabuntis. Karaniwan itong tumutukoy sa mga
kabataan sa pagitan ng edad na 16-19. Ngunit maaaring kabilang dito ang mga batang babae na
kasing edad ng 10. Tinatawag din itong teen pregnancy o adolescent pregnancy.

Ang teenage pregnancy (na may mga paglilihi na karaniwang kinasasangkutan ng mga batang
babae sa pagitan ng edad na 16 at 19), ay higit na normal noong nakaraang mga siglo, at
karaniwan sa mga mauunlad na bansa noong ika-20 siglo.

Bagama't maraming iba't ibang paraan upang maiwasan ang isang teenager na babae na
mabuntis, ang isa lamang na ganap na epektibo ay ang pag-iwas sa pakikipagtalik. Ang
pamamaraang ito ay ang tanging paraan na ginagarantiyahan na walang panganib na mabuntis at
pinoprotektahan ang tinedyer mula sa pagkakaroon ng anumang STD.

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Ehlers (2003), napag-alaman na ang mga babaeng nagtitinda na mga mahihirap
na mag-aaral na may mababang hangarin sa edukasyon ay mas malamang na maging mga
tinedyer na ina kaysa sa kanilang mga kapantay na may mataas na tagumpay. Sa kabilang banda,
sinabi rin niya ang ilan sa mga sanhi ng teenage pregnancy tulad ng kawalan ng patnubay ng
magulang, sekswal na pag-uugali ng kabataan, hindi sapat na kaalaman tungkol sa ligtas na
pakikipagtalik, pagsasamantala ng matatandang lalaki at mga salik na sosyo-ekonomiko.
Kakulangan ng patnubay ng magulang karamihan sa mga tao ay umiiwas sa kanilang mga anak
mula sa pakikipag-usap tungkol sa sex. Sa ilang mga kaso, nagbibigay sila ng maling
impormasyon tungkol sa sex at hinihikayat ang kanilang mga anak na lumahok sa anumang
impormasyong talakayan tungkol sa sex. Sekswal na pag-uugali ng kabataan sa mga kabataan,
ang panggigipit ng mga kasamahan ay isang pangunahing salik na naghihikayat sa mga tinedyer
na lalaki at babae na magpakasawa sa mga sekswal na aktibidad.
Ayon kay Macleod at Durrheim (2003), ang teenage pregnancy bilang isang suliraning
panlipunan na humahantong sa pag hinto sa pag-aaral, hindi magandang resulta ng obstetric,
hindi magandang kakahantungn ng bata, mga paghihirap sa relasyon sa mga kamag-anak,
kasosyo at mga kapantay at demograpikong alalahanin tungkol sa pagtaas ng bilang ng
populasyon. Sa mga malalaking kaso, ang mga tinedyer na ina ay wala sa posisyon na bumalik sa
paaralan pagkatapos ng panganganak dahil napipilitan silang alagaan ang kanilang mga anak. Sa
ilang mga kaso, ang mga pisikal na kondisyong pangkalusugan ng mga batang ina na ito ay hindi
nagbibigay-daan sa kanila na bumalik sa paaralan.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa Cebu Normal University, Cebu City, Philippines(2001) ang kultura ay tumutukoy
sa kultura bilang paraan ng pamumuhay ng mga miyembro ng isang lipunan, o ng mga grupo sa
loob ng isang lipunan. Kabilang dito ang pananamit ng mga tao, ang kanilang mga kaugalian sa
pag-aasawa at buhay ng pamilya, ang kanilang mga pattern ng trabaho, mga seremonya sa
relihiyon at mga gawain sa paglilibang. Salik din ang pakikisalamuha. Tinukoy niya ang
pagsasapanlipunan bilang ang proseso kung saan natututo ang mga tao sa kultura ng kanilang
lipunan at naging mga miyembrong nasa hustong gulang ng lipunang kanilang ginagalawan. Ang
pagsasapanlipunan ay nagtuturo sa mga tao na mamuhay sa lipunan at kung ano ang itinuturing
na angkop na pag-uugali sa iba't ibang sitwasyon.

Ayon sa pag-aaral ni Quinlivan (2003) , ang kawalan ng tagumpay sa edukasyon ay isang


panganib na kadahilanan hindi lamang dahil sa limitadong mga pagkakataon sa karera at pang-
edukasyon kundi dahil din sa kaugnayan nito sa kakulangan ng pagganyak at ambisyon ang mga
kabataan na hindi sigurado sa isang layunin sa buhay o isang layunin sa karera ay nakikilala ang
pagiging magulang bilang isang papel sa hinaharap.

Ayon pag-aaral ni Darisi (2007) ang nagsabi na ang negatibong pananaw sa pagbubuntis ng
mga kabataan ay humahantong sa negatibong pananaw sa mga batang nagdadalang-tao. Ang
dalagang nagdadalang-tao ay nagpapakilos ng isang serye ng mga kaganapan na sa huli ay
humahantong sa kapahamakan ng isang tinedyer sa kapanganakan. Ang buntis na tinedyer ay
nagiging isang istatistika at ang mga pagpapalagay ay ginawa tungkol sa kanyang karakter,
katalinuhan at kapanahunan.

BANYAGANG LITERATURA

Ayon sa Guttmacher Institute (2006), isang organisasyong pananaliksik na nakabase sa New


York City, ay nag-ulat tungkol sa insidente tungkol sa teenage pregnancy sa Estados Unidos.
Bawat taon halos 750,000 babae sa pagitan ng edad na 15 at 19 ang nabubuntis. Ang teenage
pregnancy rate sa bansang ito ay nasa pinakamababang antas nito sa loob ng 30 taon, bumaba ng
36% na porsyento mula sa taaas nito noong 1990. Kasabay nito, ang problema ay patuloy na
nagiging makabuluhan at kumakatawan sa isang malaking hamon sa mga tagapagturo,
tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, at mga sistema ng suporta sa serbisyong
panlipunan.

Ayon sa Guttmacher Institute (2006), ang teenage birth rate noong 2002 ay 30 porsiyentong mas
mababa kaysa sa peak rate na 61.8 births kada 1,000 kababaihan na naabot noong 1991. Sa
pagitan ng 1988 at 2000, ang teenage pregnancy rate ay bumaba sa bawat estado at sa Distrito ng
Columbia. Iniulat din ng Guttmacher Institute (2006) na sa mga itim na kababaihan na may edad
15 hanggang 19, ang rate ng pagbubuntis ay bumaba ng 40 porsiyento sa pagitan ng 1990 at
2002, habang bumababa ng 34 porsiyento sa mga puting tinedyer sa parehong yugto ng panahon.
Sa mga Hispanic na tinedyer, na maaaring sa anumang lahi, bahagyang tumaas ang rate ng
pagbubuntis mula 1991 hanggang 1992 ngunit noong 2002 ay 19 porsiyentong mas mababa
kaysa noong 1990 rate.

Sa pangkalahatan, ang mga estado na may pinakamaraming bilang ng mga teenager ay may
posibilidad na magkaroon ng pinakamaraming bilang ng teenage pregnancy. Tinukoy ng
Guttmacher Institute (2006) ang mga sumusunod na estado bilang may pinakamataas na bilang
ng mga nagdadalaga na pagbubuntis ito ay ang California, Texas, New York, Florida, at Illinois.
Ang pinakamaliit na bilang ng teenage pregnancy ay nangyari sa Vermont, North Dakota,
Wyoming, South Dakota, at Alaska na bawat isa ay nag-ulat ng mas kaunti sa 2,000 na
pagbubuntis sa mga nasa pagitan ng edad na 15 at 19.
BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon sa mga pag-aaral ng National Demographic and Health Survey at ang


pinakabagong resulta ng 2011 Family Health Survey, ito ay nagpapakita na ang teenage
pregnancy sa Pilipinas, na sinusukat bilang proporsyon ng mga kababaihan na nagsimulang
manganak sa kanilang teenager years, ay patuloy na tumataas sa loob ng isang 35-taong panahon.
Ang mga teenager na ina na ito ay higit sa lahat mahirap, naninirahan sa mga rural na lugar at
may mababang edukasyon. Gayunpaman, ang papel na ito ay nagmamasid sa isang trend ng
pagtaas ng proporsyon ng mga tinedyer na hindi mahirap, na may mas mahusay na edukasyon at
mga residente ng mga urban na lugar, na nagsimulang mag-anak sa kanilang mga kabataan.
Kabilang sa mga salik na maaaring makatulong na ipaliwanag ang kalakaran na ito ay ang mas
bata na edad sa menarche, sekswal na aktibidad bago ang kasal sa murang edad, ang pagtaas ng
mga magkakasamang unyon sa pangkat ng edad na ito at ang posibleng pagbaba sa stigma ng
pagbubuntis sa labas ng kasal.

Ayon sa mga pag-aaral ng Vital Statistics Report na inilabas ng National Statistics Office,
In the Philippines 2008 ay may kabuuang 1,784,316 na mga kapanganakan ang naitala sa 10.4%
na ito, (186,527 na mga kapanganakan) ay ipinanganak sa mga ina na wala pang 20 taong
gulang. Ang kabuuang rehistradong mga kapanganakan noong 2008 ay tumaas ng 2% mula sa
nakaraang taon na 1,749,878 na mga kapanganakan habang ang mga kapanganakan sa mga
teenage na ina ay tumaas ng 7.6 %, mula sa 173,282 noong 2007. ng kabuuang panganganak at
panganganak sa mga malabata na ina ay nagpapahiwatig na ang fertility ay may mas mabilis na
takbo sa mga pinakabatang edad ng reproductive.
KABANATA III:
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makahanap ng kasagutan upang maka gawa ng


solusyon hingil sa isyu ng “teenage pregnancy”. Nang naka isip kami ng paksa, agad namin
naisip na ito ay magiging isang deskriptiv na pananaliksik. Kung saan kami ay mananaliksik at
ipapakita o ipapahayag ang mga kalagayan ng mga nasabing batang ina.

Ang aming paraan na ginamit sa paglakalap ng datos ay isang sarbey na deskriptiv, sarbey o
survey kung tawagin sa ingles ay ang pagtatanong ng ilang katanungan katulad ng pangalan,
edad, at iba pang maaaring itanong na tutugma at kinakailangan sa inyong pananaliksik.

Ang sarbey na ito ang siyang mapagkukuhanan ng impormasyon, kasagutan at nilalaman ng


pananaliksik. Ang ginawa naming sarbey ay naglalaman ng katanungan tulad ng pangalan, edad,
edad kung kailan nabuntis o naging ina, bakit ka nabuntis, at marami pang iba. Sa pag bibigay ng
ganitong katanungan, malalaman namin ang mga dahilan kung bakit napapadalas ang pagiging
ina at ama ng mga kabataan sa panahon ngayon.

Kung susumahin, maganda ang paraan at disenyo ng aming pananaliksik dahil dito ang mga
ipapahayag naming mga impormasyon ay talagang naranasan ng mga kabataan ngayon, sa
ganitong paraan mas maiintindihan ng bawat isa ang ang pananaliksik at magiging alerto sila na
ang isyu ng “teenage preganancy” ay hindi lamang patungkol sa pagbubuntis ng mga kabataan.
Mababago natin ang pananaw ng maraming tao, kung dati ay kapag naririnig nila ang teenage
pregnancy ang pumapasok sa isip nila ay ang kalandian ng kabataan, kabastusan, pagrerebelde,
matigas ang ulo, at iba pa.

Kapag nabasa nila ang aming pananaliksik mas mauunawaan nila kung bakit ito nangyayari sa
buhay ng isang kabataan at malalaman nila ang tunay na dahilan nito. Sa pamamagitan ng
deskriptiv na pananaliksik, mas maipapahayag namin ang mga impormasyon ng mas maayos at
mas kaaya aya sa mata ng mga mambabasa.
PAMAMARAAN NA GINAMIT SA PANANALIKSIK
Ang pamamaraang ginamit sa panananaliksik na ito ay sa paggawa ng sarbey. Dahil sa walang
face to face class ay gumamit kami ng Google form upang mailagay ang mga katanungan sa
Google form para sa sarbey at masagutan ng mga tao ng online. Sa pamamagitan nito ay mas
mapapadali ang pagkalap ng impormasyon para sa pananaliksik.

TEKNIK SA PAGKUHA NG SAMPOL O KALAHOK SA PAG-AARAL


Ang teknik na ginamit namin ay gumawa kami ng isang serbey sa isang google form at nilagyan
ng mananaliksik ng iilang mga katanungan na hindi nakakasakit sa mga damdamin ng mga
sasagot nito, pinakalat namin ito sa aming mga kagrupo at kami'y nakakuha ng bente(20)
kataong respondante na sumagot sa aming mga katanungan tungkol sa epekto ng teenage
pregnancy sakanilang buhay.

INSTRUMENTONG GINAMIT SA PAG-AARAL


Ang instrumentonginamit sa pag kuha ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral ay isang sarbey
kwestyuner.Ang mga babaeng nakaranas buhay batang ina ay ang aming ginawa sabjek ng pag
sagot ng sarbey kwestyuner. Ang pamaraan ng pangangalap ng datos ay mag simula sa pag gawa
ng talatanungan at sinundan ng pag ayos at maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang
matiyak ang kaangkupang mga tanong sa mga mananaliksik at pag hingi ng pahintulot sa bawat
kalahok.

Naarito ang questionnare na aming ginamit sa paglalakap ng mga datos tungkol sa mga
karanasan ng mga nakaranas ng teenage pregnancy.
PANGALAN:___________________ EDAD:: ___________________

Panuto: Basahin ng mabuti at unawain upanng, sagutan ng maayos ang bawat tanong.

1. ANO BUHAY NG SINGLE MOM O BATANG INA?

2. ANO ANG NAGING REAKSYON NG MAGULANG MO NUNG NALAMAN NA


BUNTIS KA SA GANONG EDAD?

3. NANGHIHINAYANG KABA OR NAGING MASAYA KA NUNG NAGKA ANAK KA


NG GANUNG EDAD?

4. ANO-ANO ANG MGA PAGHIHIRAP NA KINAKAHARAP MO BILANG ISANG


TEENAGE PREGNANCY?

5. KASAMA MOBA ANG AMA NG INYONG ANAK?

6. NAKARANAS KABA NG DISKRIMINASYON MULA SA IBANG TAO?

7. SA INYONG PALAGAY, KARAPAT DAPAT BANG HUSGAHAN ANG MGA


KABATAANG NAGIGING MAGULANG?

8. KUNG IKAW ANG TATANUNGIN, ANO ANG DAPAT GAWIN SA MGA


KABATAANG NAGIGING MAGULANG SA MURANG EDAD?

9. SANG AYON KABA SA ABORTION UPANG MAIBSAN ANG PAGLOBO NG


POPULASYON NA DULOT NG TEENAGE PREGNANCY?

10. ANO ANG KADALASANG DAHILAN KUNG BAKIT NABUBUNTIS NG MAAGA


ANG MGA KABATAAN?
11. SUMASANGAYON KABA SA NAKIKITA MO SA INTERNET, NA DAPAT NANG
IMODERNIZE ANG PAGIGING TEENAGE MOM AND DAD?

12. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA NAKARANAS DEN NG TEENAGE


PREGNANCY?

13.MULA SA IYONG KARANASAN ANO ANG MGA NAGING EPEKTO NG MAAGANG


PAGBUBUNTIS SA IYONG PANG ARAW-ARAW NA BUHAY?

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS


Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa pag gawa ng isang talatanungan at
sinundan ito ng pag aayos sa instrumento upang maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang
matiyak ang mga kaangkupang mga tanong sa mga mananaliksik at paghingi ng pahintulot sa
bawat kalahok at sa bawat problemang nais lutasin ng mga mananaliksik.. Ang paghingi ng
pahintulot sa mga bawat kalahok ang sumusunod sa personal na pinamamahalaan ng mga
mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibinibigay ang mga
tamang panuto sa mga problemang nais lutasin ng mga mananalikskm.. Ang paghingi ng
pahintulot sa mga bawat kalahok ang sumunod sa personal na pinamamahalaan ng mga
mananaliksik upang mabigyan ng tamang panuto ang ating mga kalahok upang makuha ang
nararapat na tugon..
KABANATA IV:
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

PAGSUSURI
Batay sa pagsusuri ng nananaliksik na ito ay hindi matapos tapos na isyung maagang
pagbubuntis ng mga kabataan. Ipinakita sa pag-aaral na ito ang patuloy na pagdami ng kabataang
nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas at Malaking bilang
ng mga kabataan na ang nahihilig sa pakikipagtalik. Ang premarital sex ay isa na sa problema ng
ating bansa. Nailahad dito ang mga rason kung bakit ito ipinanukala ng mga may posisyon sa
gobyerno gaya ng pagbibigay impormasyon sa mga mamamayan lalong lalo na ang mga
kabataan. Ito ay naipanukala dahil sa tumitinding pagtaas ng populasyon at mga krimeng may
kinalaman sa seks gaya ng rape, teenage pregnancy, mga sakit na nakakahawa sa pamamagitan
ng pakikipagtalik at marami pang iba. Hindi rin naiwasan ng ideyang ito ang banggaan ng mga
sangayon at salungat dito. Gayun pa man, ito ay nakapokus sa ikabubuti ng bansa ayon sa
gobyerno at ayon naman sa salungat, gaya ng simbahan, ito ay hindi mainam nasolusyon para sa
problemang kinakaharapng bansa. Ang isyung ito ay kasalukuyang pinagdedebatehan sa
kongreso kung ito ba ay itutuloy o hindi. Naipaliwanag ng pag-aaral na ito kung ano ang
maagang pagbubuntis at ang mga dahilan kung bakit nga ba madami ang nasasangkot rito.
Naipakita rin ng pag-aaral na ito ang hindi magagandang naidudulot ng maagang pagbubuntis sa
emosyonal, sosyal, kalusugan at pag-aaral ng kabataang nakaranas nito. Bukod dito nabatid din
na ang pagbubuntis ng mga kabataan ay nakaaapekto sa bansa at sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Sa pag-aaral na ito, napag-alaman din na maraming paraan upang maiwasan o
mapigilan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Makapagbibigay linaw sa mga kabataan
ang pag-aaral na ito tungkol sa katotohanan na maaring maidulot ng isang pagdedesisyon ng
hindi man lamang nag-iisip.
INTERPRETASYON
Sa parteng ito ay iipakita ang bawat sagot na nakalap sa pamamagitan ng table/talahalayan mula
sa sarbey ng aming pangkat.

1. Ano buhay ng isang single mom o batang ina?


SAGOT BILANG PORSIYENTO
Mahirap 14 70%
Hindi Mahirap 6 30%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot 14 o 70% ang sumagot ng


mahirap ang kanilang at 4 o 30% naman ang sumagot ng hindi mahirap ang kanilang
kalagayan bilang isang batang ina o single mom.

2. Ano ang naging reaksyon ng magulang mo nung nalaman na buntis ka sa ganong edad?
SAGOT BILANG PORSIYENTO
Nagalit 16 80%
Hindi Nagalit 4 20%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot 16 o 80% ang sumagot nagalit
ang kanilang magulang at 4 o 20% naman ang sumagot ng hindi nagalit nang nalaman na
sila ay buntis o nadadalang tao.

3. Nanghihinayang ka ba o naging masaya ka nun nagka-anak ka ng ganung edad?


SAGOT BILANG PORSIYENTO
Nanghihiyang 15 75%
Masiya 5 25%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot 15 o 75% ang ng nahihiyang


sila na magka anak sa murang edad at 5 o 25% naman ang naging masaya noong sila ay
nagka anak ng maaga.

4. Ano-ano ang mga paghihirap na kinakaharap mo bilang isang batang ina?


SAGOT BILANG PORSIYENTO
Stress at Pinansyal 14 70%
Diskriminasyon 5 25%
Pagaalaga ng bata habang 1 5%
nag aaral
Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot 14 o 70% ang naghihirap sa
stress at pinansyal bilang isang batang ina, 5 o 25% naman ang naghihirap sa
diskriminasyon at 1 o 5% ang nahihirapan sa pagaalaga ng bata habang nag aaral.

5. Kasama mo ba ang ama ng inyong anak?


SAGOT BILANG PORSIYENTO
Oo 8 40%
Hindi 12 60%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot walo(8) o 40% ang nagsabing
kasama nila ang ama ng kanilang anak at dose(12) o 60% naman ang nagsabing hindi nila
kasama ang ama ng bata.

6. Nakaranaas ka ba ng diskriminasyon mula sa ibang tao?


SAGOT BILANG PORSIYENTO
Oo 14 70%
Hindi 6 30%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot labing apat(14) o 70% ang
nakaranas ng diskriminasyon at anim(6) o 30% naman ang hindi nakaranas nito.

7. Sa inyong palagay, karapat dapat bang husgahan ang mga kabataang nagiging magulang?
SAGOT BILANG PORSIYENTO
Oo 4 20%
Hindi 16 80%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot labing anim(16) o 80% ang
sumagot ng hindi dapat husgahan ang mga batang maagang nagbuntis at apat(4) o 20%
naman ang sumagot ng oo na dapat itong husgahan ng mga tao.

8. Kung ikaw ang tatanungin ano ang dapat gawin sa mga kabataang nagiging magulang sa
murang edad?
SAGOT BILANG PORSIYENTO
Gabayan 8 45%
Pangaralan 7 40%
Wag huhusgahan 2 5%
Hindi Sumagot 3 10%
Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot walo(8) o 45% ang nagsabing
gabayan, pito(7) o 40% ang nagsabing pangaralan, dalawa(2) o 5% ang nagsabing wag
husgahan at may tatlo(3) o 10% naman ang hindi sumagot.

9. Sang-ayon ka ba sa aborsyon upang maibsan ang paglobo ng populasyon na dulot ng


teenage pregnancy?
SAGOT BILANG PORSIYENTO
Oo 9 45%
Hindi 11 55%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot labing isa(11) o 55% ang
hindi sumang-ayon habang nasa siyam(9) o 45% naman ang sumang-ayon sa aborsyon
upang maibsan ang paglobo ng populasyon na dulot ng teenage pregnancy.

10. Ano ang kadalasang dahilan kung bakit nabubuntis ng maaga ang mga kabataan?
SAGOT BILANG PORSIYENTO
Na ra-rape 2 11%
Pagtatalik 7 39%
Walang disiplina 9 50%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot siyam(9) o 50% ang sumagot
na dahil sa kawalan ng disiplina, nasa pito(7) o 39% ang sumagot ng dahil sa pagtatalik at
may dalawa(2) o 11% ang nagsabing dahil sa rape o pang gagahasa.

11. Sumasangayon ka ba sa nakikita mo sa internet na dapat nang imodernize ang pagiging


teenage parent?
SAGOT BILANG PORSIYENTO
Oo 0 0%
Hindi 14 70%
Hindi Sumagot 6 30%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot nasa labing apat(14) o 70%
ang nagsabing hindi dapat at mayroong anim(6) o 30% ang hindi sumagot sa
katanunganng ito.

12. Ano ang mapapayo mo sa mga nakaranas din ng teenage prenancy?


SAGOT BILANG PORSIYENTO
Wag mag papaapekto 4 20%
Maging Matatag 11 55%
Tuloy ang Pangarap 5 25%
Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot labing isa(11) o 55% ang
nagpayo na maging matatag, nasa lima(5) o 25% ang nagpayong ituloy ng pangarap at
apat(4) o 20% ang nagpayo na huwag mag papaapekto.
13. Mula sa iyong karanasan ano ang mga naging epekto ng maagang pagbubuntis sa iyong
parang araw-araw na buhay?
SAGOT BILANG PORSIYENTO
Nahirapan 5 25%
Natigil sa Pag-aaral 10 50%
Naninibago 5 25%

Ayon sa ipinapakitang datos, sa buong 20 na mga sumagot may sampu(10) o 50% natigil
sa pag-aaral, mayroong lima(5) o 25% ang nahirapan at may lima(5) o 25% ring nagsabi na
naninibago sila sa kanilang buhay bilang batang ina o teenage parent.

PALIWANAG/PAGSUSURI
Sa pagsusuring ito ipinapakita ang mga nalakalap mula sa tatlong pangunahing mga datos at mga
tanong sa aming sarbey.

EDAD AT BILANG NG MGA RESPONDATE

EDAD BILANG NG MGA SUMAGOT PORSYENTO

13-15 2 11.1%

15-17 4 22.2%

17-19 14 77.8%

Base sa chart sa itaas, sa lahat ng 20 respondents, ang edad na 17-19 na mayroong pinakamataas
na bilang labing apat (14) at (77.8%) na porsyento, at ang edad naman na 15-17 ay pumapagitna
na mayroong bilang na apat (4) at(22.2%) na porsyento, panghuli ay ang edad na 13-15 na may
pinakamababa na bilang dalawa (2) at (11.1%) na porsyento. Ayon sa chart ang edad na 17-19 ay
ang kadalasang  edad ng mga naging batang ina.
KASAMA MO BA ANG AMA NG IYONG ANAK?

SAGOT BILANG NG MGA SUMAGOT

OO 7

HINDI 13

Base sa chart, sa lahat ng 20 respondents, mas marami ang sumagot ng HINDI na may bilang na
labing-tatlo (13) samantalang ang OO ay may bilang na pito (7). Makikita sa chart mas marami
ang sumagot na hindi nila kasama ang ama ng kanilang anak.

NAKAKARANAS KA BA NG DISKRIMINASYON DAHIL SA MAAGANG


PAGBUBUNTIS?

SAGOT BILANG NG MGA SUMAGOT

OO  15

HINDI 5

Base sa chart, sa lahat ng 20 respondents, ang OO ang may pinakamataas na bilang labinlima
(15) at ang HINDI ay may bilang na lima (5). Sa kinalabasan ng chart marami ang nagsasabi na
sila ay nakakaranas ng diskriminasyon mula sa ibang tao sa kadahilanang sila ay maagang
nagbuntis.
KABANATA V:
LAGON NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM NG MGA NATUKLASAN


Ang teenage pregnancy o pagkabuntis ng mga babaeng wala pa sa 20 taong gulang isa sa
problema sa ating basa. Dahil dito ay madaming kabataan ang huminto sa pag-aaral upang gawin
ang responsibilidad ng isang magulang. Ayon sa aming pananaliksik sa mga matatanda at sa mga
nakakaranas ng ganitong isyu ay marami sa kanila ang nanghihinayang dahil dito. Merong mga
nanghuhusga sa kanila dahil sa pag kakaron ng anak sa murang edad at meron din namang mga
positibo na sinasabi ang mga iba tulad ng "kahit na humaharap sa ganitong problema ay ituloy
parin ang pangarap".

MGA KONKLUSYON
Ayon sa resultang nakuha, mula sa sarbey ang mga sumusunod na konklusyon ay maibibigay:

1. karamihan sa nabuntis na respondente ay nasa edad 17-19. At ang pinaka-kaunting nabuntis ay


noong sila ay nasa edad 13-15.
2. Ang ilan sa mga batang inang nabuntis ay nakipaglive-in o nagsama kahit hindi kasal, na
sinundan ng mga iniwan ng ama ng kanilang anak dahil natakot sa responsibilidad.
3. Halos lahat ng batang ina ay tumigil muna sa pag-aaral matapos nilang manganak at ang
pinakaunti ay hindi na pinagpatuloy
4. Sa mental na salik, ang mga positibong nararanasan ng mga batang ina ay nagkaroon sila ng
mga pangamba at agam-agam noong sila ay nabuntis agad. Nagkaroon sila ng pagdududa kung
kaya nga ba nilang maging isang ina sa mura nilang edad, iniisip din nila kung bakit sila naging
batang ina na sa halip na nag- aaral pa sila at walang problema ay nagkaroon sila ng mabigat
problema. Ang mga pangyayaring ito ay positibo nilang nararanasan o siguradong nararanasan
nila sa buhay bilang isang batang ina.
5. Sa pandamdaming salik, ang mga negatibong naranasan ng mga batang ina ay nakaranas sila
ng diskriminasyon mula sa ibang tao kadalasan ay sa kanila pang mismong pamilya. Na
nagdudulot ng pagkasakit ng kanilang damdamin. Ang mga pangyayaring ito ay negatibo nilang
nararanasan o siguradong naranasan nila sa buhay bilang isang batang ina.

6. Sa pinansiyal na salik, ang negatibong nararanasan ng mga batang ina ay nakakahingi pa sila
sa kanilang mga magulang na ang ibig sabihin ay umaasa pa lamang sila dahil hindi sila
makapag- trabaho dahil sa kakulangan sa edukasyon kaya't kailangan pa nilang manghiram sa
iba. Ang mga pangyayaring ito ay negatibo nilang nararanasan o siguradong nararanasan nila sa
buhay bilang isang batang ina.Ang mga positibo o nararanasan ng mga batang ina ay nabibili na
niya ang mga bagay na gusto niya alinsunod sa kanyang luho, magkaroon ng maraming stock ng
pagkain, at ang makakain sa labas katulad sa mga restawran.

7. Sa sosyal na salik, ang positibong nangyayari sa kanila ay tanggap sila ng ibang tao at mas
lalong tumibay ang relasyon nila sa isa't-isa at ang mga negatibong naman ay hindi na sila
nakakasali sa mga proyektong panlipunan, dahil kasama nila ang kanilang anak kaya hindi na
sila nakakapag party kasama ang kanilang mga kaibigan.

8. Sa relasyonal na salik, ang mga positibong nararanasan ng mga batang ina ay ang laging silang
napagsasabihan ng mga nakakatanda dahil sa hindi magandang nangyari sa kanila. Ang mga
negatibo o hindi nararanasan ng mga batang ina ay ang hindi sila malapit sa ama ng kanilang
anak at hindi na sila nakakasama sa mga kaibigan nila dahil nakapokus na lang ang atensyon nila
sa kanilang pamilya.
REKOMENDASYON
Matapus ang masusing pag-aaral sa datos na nabuo ang mga mananaliksik ay nakabuo ng
rekomendasyon maiwasan ang maagang pagbubuntis:

1. Parangal at payo ng magulang.


Mahalaga ito dahil upang malaman ng isang kabataan ang mga di dapat gawin.

2. Pakikipagrelasyon huwag makikiparelasyon kung ikaw ay wala pa sa tamang edad o sa


hustong pag iisip.

3. Pakikipagtalik kung ikaw ay wala pa sa tamang edad wag gagawin ang pakikipagtalik lalo na
kung dimo pa husto alam ang bagay na ito dahil sa pakikipagtalik dyan pede ka mabuntis ng
maaga o magkaroon ng sakit lalo na kung sa ibat iba tao ka nakikipagtalik.

4. Pag-aaral Mas maigi mag pag aralan ang Isang bagay na ito upang alam mo ang mga dapat at
di mo dapat gawin.

5. Bunga alamin momona ang magiging bunga kapag ginawa mo ang Isang bagay upang ang
iyong landas ay di maligawa.

PAGKILALA
Hindi ako makapagpahayag ng sapat na pasasalamat sa aking guro sa filipino na si sir Orly
Famor sa kanyang patuloy na suporta at pampatibay-loob sa paggawa ng aming pananaliksik sa
filipino II.

Ang pagkumpleto ng pananaliksik na ito ay hindi maisasakatuparan kung wala ang kooperasyon
at suporta ng aking mga kamag-aral: Eduardo P. Nadate III, Ceejhae Astorga, Cyril Ann
Llagas, Emmanuel Paquibot, Daven James Galicia ,Vin Dave Abelende, Bunny Mezzy
Gabay, Domingo Gabriel S. Santiago, Alyssa Briana Peralta, Clariza Tillerva at Emelyn
Grace Radam.

You might also like