You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-B MIMAROPA
Division of Puerto Princesa
SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL
Lomboy St., Barangay San Jose, Puerto Princesa City, Palawan

POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG ABORTION

Precious Rex Noelle P. Azarcon


Princess Nicole J. Padul
Trisha G. Timbal
Inihanda ni

Bb. Jane Marie R. Oreo


Guro sa Filipino

OKTOBRE 2022
PANIMULA

Ang mahigpit, kolonyal, at lipas na 1930 na Revised Penal Code na batas

sa pagpapalaglag ay hindi kailanman nakabawas sa bilang ng mga

kababaihang nag-uudyok sa pagpapalaglag. Nilagay lamang nito sa panganib

ang buhay ng daan-daang libong kababaihang Pilipino na gumawa ng mga

personal na desisyon na mag-udyok ng aborsyon sa iba't ibang dahilan

(ekonomiko - 75%; masyadong bata, wala pang 25 taong gulang - 46%; mga

kadahilanang pangkalusugan - isang-katlo; panggagahasa - 13%) ngunit hindi

ma-access ang mga ligtas na serbisyo sa pagpapalaglag.

Walang mahigpit na batas o relihiyosong dogma ang pumipigil sa mga

babaeng Pilipino, lalo na sa mga mahihirap na kababaihan na may hindi

bababa sa 3 anak, upang wakasan ang kanilang hindi sinasadya o hindi

gustong pagbubuntis. Ang ilan sa mga babaeng ito ay nabuntis bilang resulta

ng panggagahasa, napilitang dalhin ang kanilang mga pagbubuntis hanggang

sa wakas, at namatay dahil sa hindi ligtas na mga komplikasyon sa

pagpapalaglag.

Isang ginahasa ng kanyang ama ang namatay noong 2012; isa na isang

doktor, ginahasa ng isang matandang lalaki na nagpopondo sa kanyang

medikal na edukasyon, ay namatay noong 2004. Ang isa pa ay isang biktima

ng panggagahasa na may dwarfism na namatay noong 2015 dahil sa kanyang

mapanganib na panganganak.
Ang mga komplikasyon mula sa hindi ligtas na pagpapalaglag ay isa sa

limang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng ina at isang nangungunang

sanhi ng pagkaopsital sa Pilipinas. Ang panukalang batas na ito kapag naipasa

sa batas ay magbibigay ng access sa ligtas na pagpapalaglag at magliligtas ng

buhay ng libu-libung kababaihan.

Ang isyung ito sa kalusugan ng publiko ay dapat na agarang matugunan

lalo na ngayon na may epekto ng pandemya ng COVID-19, na nagreresulta sa

mas mataas na bilang ng hindi sinasadya at hindi gustong pagbubuntis dahil

sa kawalan ng access sa mga contraceptive at mas mataas na insidente ng

panggagahasa, karahasan sa intimate partner, at sekswal na pagsasamantala.

Sa panahon ng pandemyang ito, ang pang-araw-araw na realidad ng mga

babaeng ito ay kawalan ng trabaho, gutom, kahirapan, at pagiging natigil sa

bahay kasama ang kanilang mga nang-aabuso.

Binanggit ng Komisyon ng Populasyon na humigit-kumulang 40

hanggang 50 kabataang babae na may edad 10-14 ang nanganganak bawat

linggo. Napag-alaman na maraming kabataang babae na may edad na 15

pababa ang nabuntis dahil sa sekswal na pag-atake, na binibigyang-diin ang

pangangailangang tugunan ang karahasan na nakabatay sa kasarian nang

may angkop na pagsusumikap, kabilang ang pagbibigay ng access sa mga

emergency na contraceptive at ligtas na pagpapalaglag, at sa epektibong pag-


iwas sa pamamagitan ng pagtaas ng edad ng sekswal na pagpayag sa 16 bilang

inirerekomenda ng Committee on the Elimination of Discrimination Against

Women (CEDAW Committee).

Kung walang access sa ligtas na pagpapalaglag, marami sa mga babaeng

ito at kabataang babae ang hindi ligtas na ihihinto ang kanilang pagbubuntis

at maaaring mauwi sa tinatayang 26% na pagtaas ng 2020 maternal deaths

dahil sa pagkagambala ng pandemya sa pag-access sa mga serbisyong

pangkalusugan.

a.) Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pag-aaral at pagsusuri sa

pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa abortion.

b.) Layunin ng mga mag-aaral na ito ay ang malaman ang pananaw ng

ibang mga kamag-aral sa abortion. Layunin din nilang pag-aralan ang

mga kundisyon na posibleng mangyari kung gagawin ito at kung bakit

sang-ayon o di-sang-ayon ang mga mag-aaral.

c.)

1. Bakit sang-ayon at hindi sang-ayon ang mga mag aaral sa abortion?

2. Ano ang negatibo at positibong epekto ng abortion?

3. Bakit may mga nag-aaral na sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa

nasabing paksa?
d.) Sa panahon ngayon karamihan sa mga kabataan ay maaagang

nabubuntis dahil sa temptasyon, sa pag rerebelde, at sa pinaka

negatibong paraan, ang pang gagahasa.

4. Laput, Gualbero, Rising Number of Rape Cases in Dapitan Alarms

Authorities (August 15, 2022) nakuha sa

https://www.rappler.com/nation/mindanao/number-rape-cases-

dapitan-alarm-authorities/ nakuha ngayong Oktubre 21, 2022.

5. Padilla, Claire, Why we Need to Decriminalize Abortion, (September

28, 2020) nakuha sa https://www.rappler.com/voices/thought-

leaders/opinion-why-we- need-decriminalize-abortion/ nakuha

ngayong Oktubre 21, 2022

6.
Baloloy, Jim Rosare Ray, In the Eyes of the Rapist: Meanings and
Perceptions of Rape, Sex, and Women of Convicted Male Filipino
Rapists, (December 2014) nakuha sa
https://www.researchgate.net/publication/274312035_In_the_Eyes_
of_the_Rapist_Meanings_and_Perceptions_of_Rape_Sex_and_Women_o
f_Convicted_Male_Filipino_Rapists nakuha ngayong Oktubre 22, 2022
7. Recuenco, Aaron, PNP warns female students as 149 rape, sex
assaults reported since July 2022, (September 3, 2022) nakuha sa
https://mb.com.ph/2022/09/03/pnp-warns-female-students-as-
149-rape-sex-assaults-reported-since-july-2022/ nakuha ngayong
Oktubre 22, 2022
8. Statista Research Department, Number of rape cases Philippines

2018-2020, (August 30, 2022) nakusa sa

https://www.statista.com/statistics/1170653/philippines-number-

of-cases/ nakuha ngayong Oktubre 22, 2022


9. Unicef Philippines, UNICEF lauds passage of law increasing the age of

statutory rape, (March 7, 2022) nakuha sa

https://www.unicef.org/philippines/media/2676/file/Policy%20brief

%20-%20Increasing%20the%20Age%20of%20Statutory%20Rape

%20to%20Provide%20Stronger%20Protection%20for%20Children.pdf

nakuha ngayong Oktubre 22, 2022

10. Ablan, Rebee C., Legal Research On Rape in The Philippines,

(August 18, 2013) nakuha sa

https://www.scribd.com/document/321785644/Legal-Research-on-

Rape-in-the-Philippines nakuha ngayong Oktubre 22, 2022

Labis na sumasang ayon ang mga mananaliksik na ilegalize ang abortion

dahil sa mga kundisyon o problema na hinarap ng mga babae bago at matapos

mabuntis. Ang pag legalize ng abortion ay makakatulong sa ating bansa upang

mabawasan ang pag hihirap ng mga mamayanan. Maraming mga babae ang

nagagahasa kahit minor de edad pa lamang, ang isang bata o isang babae na

hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral o wala pang nararating na pangarap.

Karamihan sa mga mamamayan sa Pilipinas ay nag hihirap dahil

marami sa kanila ang wala pang maayos na trabaho at lalong-lalo na ang mga

babae na nabuntis ng wala sa kanilang kagustuhan ay dapat bigyan ng

karapatan sa kanilang dinadala at dapat na magkaroon ng kalayaan na


magdesisyon kung ipapa abort ang bata o hindi, nabuntis ang mga ibang

kabataan dahil sa panggagahasa. Hindi nila ito ginusto at kahit sino ay hindi

ito magugustuhan, ang mga rapist na gumagawa nito ay dapat isailalim sa

death penalty dahil ang kanilang ginawa ay walang kapantay na kaso. Dahil sa

kanila ang mga biktima ng rape ay nag kakaroon ng depression, anxiety, at iba

pa.

Sa halip na mag trabaho ang mga ito at mag aral ng maayos, mas pinili

nilang sumira ng buhay ng isang babae. Katawan at buhay ng babae ang

nakasalalay dito kung kaya't tama lang na sila ang magdesisyon sa anong

gagawin sa nasa sinapupunan na dinadala nila. Ang isang embryo ay hindi pa

bata, ito ay pinagsamang egg cell at sperm cell kung kaya't hindi ito matatawag

na pag patay sa isang bata kundi ito ay pagaalis ng posibilidad na maging

buong tao ang nasa isinapupunan ng isang babae.

ARGUMENTO NG MGA SANG-AYON SA ABORSYON

Ang iilang tao ay nainiwala na ang mga babae ay dapat na magkaroon ng

karapatan na sumailalim sa aborsyon, ano man ang kanyang dahilan. Ayon sa

kanila, hindi niya na dapat ipagpilitan sa mga doctor ang kanyang pasiya.

Narito ang kanilang mga argumento kung bakit.

Ang babae ang mag didisisyon sa kung ano ang dapat mangyari sa

kaniyang katawan. Ang bawat bata ay may karapatan sa tamang pangangalaga


at pagmamahal, kung hindi ito possible okay lang ang abosyon marami nang

unwanted baby sa mundong over populated.

Bakit ka pa mag daragdag kung pwede naman ang aborsyon ang babae

at kanyang kapamilya ay tiyak na may karapatan din, hindi lang ang hindi pa

naiisilang na sanggol. Ang mga babaeng ginahasa ay may karapatang

sumailalim sa aborsyon upang kahit unti lamang ay mabura sa kanilang

isipan habang lumalaki ang kanilang naging anak kung ang bata ay isinilang

na balbado o may kapansanan, ang ina lamang ang makapagdidisisyon kung

kaya niya bang asikasuhin ang bata.

Ang pamilya na mahirap ay mas lalo pang maghihirap kung

madaragdagan ng isa pang sanggol, ang buhay ay hindi pa nagsisimula

hanggang hindi pa naisisilang. Ang batang may malalang kaso ng

pagkabadaldo o kapansanan ay maaaring mag dulot ng di kanais nais na

buhay na maaari ding mag dulot ng trauma sa kanyang magulang. Mas

ikakabuti kung hindi nalang isisilang ang isang sanggol.

ARGUMENTO NG MGA DI SANG-AYON SA ABORTION

Maraming tao ang nainiwala na naging fetus sa sinapupunan ng nanay

ay isa nang ganap na tao at may karapatan na din tulad natin. Naniniwala sila

na ang aborsyon ay hindi mapangatwiran dahil ito ay pag patay ng isang

inosenteng tao. Narito ang kanilang mga argumento.


Bawat bata ay isang biyaya mula sa Diyos. Wala tayong karapatang

alisin ang karapatan ng isang sanggol upang mabuhay, ang walang muwang

na sanggol ay nangangailan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito

kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan. Ang karapatan ng isang bata sa

sinapupunan na mabuhay ay hindi dapat alisin.

Ang mga bata ay may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring

magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Ang aborsyon ay pagpatay ang

sadyang pagkitil ng buhay ng tao, ang mga doctor ay sumumpang magliligtas

ng buhay at hindi pumatay ang fetus ay nakakaramdam din ng sakit.

You might also like