You are on page 1of 2

Nabalitaan niyo ba?

Buntis daw ang anak ni Anita, Jusko paaral-aral pa sa Maynila, mag-aasawa lng din
naman pala ng maaga! Hay kabataan talaga! Pariwara, malandi at kaladkarin, ang mga salitang binabato
ng mga tao sa mga kababaihang kabataan na naging biktima ng teenage pregnancy. Ang diskriminasyong
dala-dala ng mga tao sa mga kababaihang kabataan ay nagreresulta sa pagtahak ng maling landas. Dito
nagsisimula ang pagbaba ng halaga at pagtingin nila sa kanilang sarili na nag-uugat ng epidemyang
teenage pregnancy.

Sa kanilang mga isipan ay walang pwedeng matakbuhan dahil puro lamang pangungutya at masasakit na
salita ang matatanggap mula sa ibang tao. Gayunpaman, ang mababang access ng mga kabataang
kababaihan sa edukasyong sekwal na pangkalusugan at maging ang mga kulturang nakaukit sa ating mga
Pilipino ay naging malaking bahagi sa paglaganap ng Teenage Pregnancy.

Batay sa Phillpine Statistics Authority, umabot sa halos 500 na sanggol ang ipinapanganak kada araw sa
Pilipinas mula sa mga kabataang edad 10 hanggang 19 taong gulang. Dahil dito, binansagan ang ating
bansa bilang the Philippine’s Baby Factory.

Ang kasalatan sa kaalaman at saradong isipinan ng komunindad ang tumutulak sa mga biktima ng
Teenage pregnancy sa bangin ng kahirapan at patuloy na kalugmukan. Itoy nagreresulta sa pag-iwas ng
mga kababaihang kabataan sa mga serbisyong sexual and reproductive health sapagkat mayroong mga
mapanghusgang mga mata ang nakaabang sa kanila.

Sa bawat tahanang Pinoy, limitado lamang ang pamilyang pinag-uusapan ang sexual and reproduction
health dahil tinuturing ito bilang hindi kaaya-aya o angkop na paksang dapat pag-usapan lalo na sa mga
kababaihan. Nananatili ang mga katanungan sa kanilang isipan dahil sa hindi mabisa at maayos na pag-
unawa patungkol dito. Dahil naman sa Abstinence is the key na paniniwala ng mga katoliko, tutol ito sa
paggamit ng kahit anong uri ng contrceptives, nabuo rin ang mga haka-haka na nagsasabing nagdudulot
ito ng malubhang karamdaman na sisira sa mga bahagi ng pangangatawan. Gayunpaman, ang malakas
na paniniwalang ito ay humihina dahil sa kuryosidad at tawag ng laman ng isang indibiduwal.

Subalit, hindi pa tapos ang laban, anumang kasarian ka nabibilang, babae , lalaki o sa LGBTQ+
community man ay may karapatan kang maunawaan ang iyong pisikal na pangangatawan sa murang
edad. Hindi kahalayan na maunawaan at malaman ang mga bagay na patungkol sa iyong sekwalidad na
kalusugan. Ang comprehensive sexuality education ang daan tungo sa ligtas at magandang kinabuksan
hindi lamang ng mga kababaihang kabataan pati na rin ang mga kalalakihan at kabahagi ng lesbian, gay,
transgender, queer at iba pa.

Tara na’t sugpuin ang epidemyang ito, huwag nating hayaan na may maiiwang kabataang babae, lalaki, at
kabahgi ng LGBT+ community ang lamunin ng pagkalugmok sa maling daan. Tumindig at makiisa sa ligtas
at malusog na kinabukasan ng bawat isa. Halina’t abutin ang mga pangarap tungo sa magandang
hinaharap. Ang pangarap ko, pangarap mo ay matutupad, sa pagkakapit-bisug nating lahat.

You might also like