You are on page 1of 13

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

THE PONTIFICAL AND ROYAL CATHOLIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

AURELIO, Julliana Marriel S. Oktubre 1, 2022


CAPISTRANO, Eunice Micol R. Bb. Maila M. Avila, LPT
GODOY, Lance Gabriel U.
ILAGAN, Zhawn Roi L.
LEVISTE, Josef Tristan D.
PARAGAS, Louraine Angel V.
RECASATA, Keith Angeline Q.
SALATAN, Lj Sophia Danielle D.
TAN, Ma. Hanna Isabel L.
YU, Quennie S.

FIL 2 - 12HA13
Posisyong Papel

ALPAS: Aborsyong Ligtas Patungo sa Abanteng Sambayanan

1
Panimula
Ang aborsyon o pagpapalaglag ay isang intensiyonal at pinag-isipang pagpapatanggal ng
isang sanggol mula sa sinapupunan ng isang ina habang ito ay hindi pa ganap na naisisilang. Ang
isyu ng aborsyon ay kadalasang nagiging paksa sa mga panlipunan at moral na diskusyon bilang
isang gawain na nagtataas ng napakaraming etikal, pilosopikal, siyentipiko, at lehitimong
katanungan kung saan madalas kakikitaan ng dalawang magkasalungat na posisyon: ang pro-
choice at pro-life. Ang mga “pro-choice”, ay ang mga taong sang-ayon sa pagpapalaglag
sapagkat naniniwala sila na ang bawat tao ay may karapatan na magpasya kung kailan sila
magkakaroon ng anak. Samantalang ang mga “pro-life” ay ang mga taong taliwas sa aborsyon
sapagkat naniniwala sila na ang buhay ng bawat tao ay pantay-pantay at mahalaga (Gale, 2022).
Gayundin, may kaibahan din sa paraan ng pag-iimplementa at pagpapatupad ng mga
batas at patakaran sa mga kaso ng aborsyon sa iba’t ibang lugar sa mundo. Sa pangkalahatan, ang
mga batas sa pagpapalaglag ay mas pinahihintulutan sa mga pinakamaunlad na bansa, kung saan
pito sa sampu - pangunahin sa Europa at Hilagang Amerika - ay nagpapahintulot sa
pagpapalaglag nang naaayon sa kahilingan ng babae, samantalang ang iba ay pinahihintulutan
lamang sa ilalim ng ilang partikular na kundisyon habang sa iba ito ay ganap na ipinagbabawal
(Guillaume & Rossier, 2018). Ayon sa Center for Reproductive Rights (n.d.), nasa
dalawampu’t-apat (24) na bansa sa mundo ay ganap na ipinagbabawal ang pagpapalaglag
kabilang na ang Pilipinas kung saan walang pagbubukod at eksepsyon na kakikitaan sa
probisyon na nagpapahintulot sa pagpapalaglag, maging ito man ay para sa pangangailangan at
desisyon ng ina, at pagligtas sa kaniyang kalusugan.
Gayunpaman, dahil sa kawalan ng access sa ligtas na pagpapalaglag sa bansa bilang
resulta ng pagbabawal at pagkakaroon ng batas kriminal sa aborsyon, ang mga kababaihang
Pilipino ay nawawalan ng paraan upang kontrolin ang kanilang panganganak at buhay pamilya,
at sa halip ay sumailalim sa mga hindi ligtas na pagpapalaglag na tinatayang umabot na sa
mahigit 1.26 milyon nang bilang (Baclig, 2022).
At dahil sa lumalaking banta ng mga insidente ng hindi ligtas na aborsyon sa bansa,
napili ng aming pangkat na magsaliksik at magsagawa ng isang posisyong papel na tumatalakay
sa kalusugang reproduktibo partikular ang batas na sumasaklaw sa estado at kalagayan ng
aborsyon sa Pilipinas sa layuning magiging daan ito sa ganap na pangangalaga at pagpapahalaga
sa karapatang pantao ng bawat kababaihang Pilipino upang maisakatuparan ang kanilang mga

2
karapatan sa lahat ng aspeto ng reproduktibong pamumuhay, kalusugan, relasyong pampamilya,
at sekswalidad na malaya mula sa anumang uri ng diskriminasyon, at malupit o hindi makataong
pagtrato dahil sa konsepto ng aborsyon.

Kontra-Argumento
Bakit kaya taliwas ang desisyon ng mga tao sa usapang aborsyon? Isa sa mga dahilan ay
dahil hindi ito ligtas. Binanggit ng World Health Organization (2021) na ang aborsyon ay
maaaring hindi maging ligtas hindi lamang para sa bata na nasa sinapupunan ng ina kung hindi
pati na rin ang nagdadala ng bata. Napakaraming komplikasyong nararanasan ng mga babaeng
Pilipino ayon sa isang pag-aaral noong 2004 (Finer & Hussain, 2013), 46% sa bahagdan, ang ina
ay nakaranas ng matinding komplikasyon dahil may mga natirang produktong ginagamit sa
proseso ng aborsyon. Ang mga komplikasyon na nararanasan ay hemorrhage o malakas na
pagdurugo, mga iba’t ibang impeksyon sa katawan kagaya ng pinsala sa sistemang reproduktibo
(lalong lalo na ang ari ng ina) at pagdurugo o pagkasira ng mga lamang loob. Karagdagang
impormasyon dito, maaaring makaranas din ng uterine perforation kung saan nangyayari ito
kapag ang uterus ng isang babae ay tinusok ng matalas na bagay. Hindi lamang komplikasyon
ang maaaring maidulot ng aborsyon kundi pati na rin ang kamatayan. Sapagkat ayon sa WHO,
mayroong 4.7-13.2% na inang namamatay dahil sa hindi ligtas na aborsyon.
Bagamat laganap na ang mga batas na pangkalusugan sa ating bansa, ang Pilipinas ay
nakararanas pa rin ng mga hindi inaasahang pagbubuntis na kadalasang humahantong sa
aborsyon na hindi sumasailalim sa ligtas na proseso. Dahil hindi pa naisasabatas ang pagiging
legal ng aborsyon, ang mga kadalasang paraang isinasagawa ay makaluma na maaaring
magdulot ng kapahamakan sa ina ng sanggol o magresulta ng kamatayan. Ito ay nangyayari dahil
mayroong kinakailangang tamang pag-aalaga pagkatapos ng aborsyon na karaniwang
natutustusan lamang ng mga may-kaya at mayayaman (Finer & Hussain, 2013).
Ngunit ang mga komplikasyong nabanggit ay dahil sa hindi ligtas na proseso ng aborsyon
at walang pangangasiwa ng doktor o health allied practitioners. Ayon sa International Planned
Parenthood Federation o IPPF (2021), ang aborsyon ay may tamang proseso kung saan may
propesyonal na doktor (o isang healthcare professional) na gumagamit ng manwal o elektrikal
na vacuum device, at ito ay tinatawag na surgical abortion. Isa pa sa mga pamamaraan na
binanggit ng IPPF ay ang medical abortion kung saan gumagamit ng mga tabletas upang

3
wakasan ang pagbubuntis, karaniwang ginagawa ito sa loob ng unang labingdalawang (12)
linggo ng pagbubuntis. Sa pamamagitan ng paggamit ng ligtas na aborsyon, ang mga
komplikasyon kagaya ng pagdurugo at pagkahilo ay hindi na pagdaraanan.
Ayon naman sa ProCon (2022), ang pagsasagawa ng aborsyon ay katumbas na rin ng
pagpatay ng buhay ng isang tao. Ito ay sapagkat sa oras na nabuo sa sinapupunan ng nanay ang
sanggol, kahit gaano pa kaliit, ay sinasabing may buhay na ito at nararapat itong pahalagahan at
alagaan. Ngunit ayon naman kay Gleiser (2011) ay wala pa talagang patunay sa kung kailan
nagsisimula ang buhay. Ito ay dahil masasabing may buhay ang isang tao kapag mabuhay siya ng
hindi dumudepende sa ibang tao. Kahit pa sabihin nating may puso at utak na ang sanggol, hindi
pa rin ito sapat upang pangatwiran na buhay ito sapagkat dumedepende pa rin ito sa placenta.

Posisyon
Sa ganitong usapin, ang aming pangkat ay tiyak na sumasang-ayon sa pagpapalaganap ng
aborsyon dahil ang hakbang na ito ay kinakikitaang magdudulot ng pag-unlad sa kalusugan ng
maraming Pilipinong kababaihan at kabataan at ito rin ay maaaring magbigay daan sa kaunlaran
ng ating bansa.
Bakit nga ba kinokonsidera ng ibang nagbubuntis ang pagsasailalim sa aborsyon? Ano
nga ba ang mga pribilehiyo nito? Isa sa mga maaaring dahilan sa pagsasailalim ng aborsyon ng
isang ina ay dahil sa kanyang kasalukuyang mga karamdaman. Kung mayroong mga
masasamang bisyo ang ina tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng droga, atbp. na
may masamang epekto sa kalusugan, mataas din ang posibilidad na ang sanggol ay makakuha ng
sakit, na nagiging isa pang rason upang sumailalim sa aborsyon (Stacey, 2022).
Ikalawa, ang aborsyon ay posibleng makaapekto sa kabuhayan ng mga pamilya. Ang
pagpilit sa mga kababaihan na ipagpatuloy ang pagbubuntis nang labag sa kanilang kalooban ay
maaaring magdulot ng lalong pinansyal na pasakit sa kanila. Sa isang artikulo ni Sanchez (2019),
ipinapakita na humigit-kumulang 73% ng mga babaeng sumasailalim sa pagpapalaglag ay
kawalang-tatag sa pinansyal na katayuan ang pangunahing nagtutulak sa kanilang desisyon. Ang
mga kababaihang ito ay pinipili ang terminasyon, sapagkat hindi kaya ng kanilang pinansyal na
katayuang magpalaki ng isang bata. Ayon kay Ludden (2022), ang mga kababaihan na hindi
nabibigyan ng karapatan sa ligtas na aborsyon ay maaaring lalong mabaon sa kahirapan, pati na
rin ang kanilang anak. Lumalabas sa pagsusuri na ang pagtanggal ng access sa aborsyon ay

4
posibleng magdulot ng malaking pagbagsak sa ating ekonomiya hanggang sa mga susunod na
henerasyon. Ang kawalan ng sapat na impormasyon ng mamamayan sa family planning at sex
education ay nagresulta sa maraming mga Pilipinong nakakaranas ng ‘di inaasahang pagbubuntis
at karamihan pa rito ay nabibilang sa mabababang antas ng lipunan. Sa kasong ito, para sa ilang
kababaihan ang pagpapalaglag ay isang pangangailangan at hindi lamang opsyon, sapagkat ang
pagpapatuloy sa kanilang pagbubuntis ay magiging mahirap sa parte ng ina at ng sanggol.
Ikatlo, ang aborsyon ay maaaring gawin upang mapabuti ang mental health ng isang tao.
Sa panahon natin ngayon, tiyak na laganap ang mga krimen sa ating bansa. Isa na rito ang mga
kaso ng rape o panggagahasa. Ayon sa datos ng Statista (2022), ang mga biktima ng rape sa
Pilipinas ay umabot na ng 2,168, noong taong 2020. Ang pagbubuntis ng isang babae ay minsang
dulot ng nabanggit na krimen kung saan ang babae ay biktima lamang, bagkus wala itong
planong mabuntis. Ang isang karanasang ito ay maaaring magdulot ng trauma o iba pang
problemang may kinalaman sa sikolohikal at mental na kalusugan. Ayon sa sulatin ng
Washington University in St. Louis (2022), ang isang biktima ng panggagahasa ay posibleng
makaranas ng RTS o Rape Trauma Syndrome na kadalasang maihahalintulad sa PTSD o Post
Traumatic Stress Disorder, ngunit ito ay mas naka-base sa trauma mula sa sexual assault.
Kabilang sa mga sintomas nito ang pagkakaroon ng gambala sa normal na pisikal, emosyonal, at
pag-iisip ng biktima. Bagkus, ang aborsyon ay maaaring maging isang paraan upang mabawasan
ang naturing stress na dulot nito. Base sa pag-aaral ni Cohen (2018), napagtanto rito na ang mga
babaeng may hindi planadong pagbubuntis na nagsagawa ng aborsyon ay may mas mababang
risk ng paglaganap ng problemang mental kaysa sa mga babaeng may hindi planadong
pagbubuntis na nagpatuloy sa panganganak. Marahil ito ay dahil tuwing pinagmamasdan ang
batang ipinanganak na resulta ng sekswal na abuso ay naipapaalala nito ang trauma na naidulot
ng masamang karanasan.

Kongklusyon
Bilang pagtatapos masasabing ang pagpapahalaga ng buhay ay nangangahulugang may
sariling pagpapasya sa sariling katawan. Kung gayon, ang babae na nagpasiyang ipagpaliban o
itigil ang pagbubuntis dahil sa medikal na kondisyon, kakayahan sa pag-iisip, at pagiging handa

5
ng sarili sa haharapin ay pagpapahalaga ng buhay. Binibigyang halaga din ang kondisyon ng bata
sa sinapupunan kung may kakayahan itong mabuhay batay sa kanyang medikal na kondisyon.
Ang mga puntong inilahad sa kontra-argumento ay nakatuon sa pag-didiin at
pagpapahalaga sa kaligtasan ng kababaihan at ang batang nasa sinapupunan nito sa iba’t ibang
komplikasyong dala ng aborsyon. Samakatuwid, nais isulong ng aming pangkat ang pag legalisa
ng ligtas na aborsyon. Upang tuluyang gawing legal ang aborsyon sa ating bansa, kailangan
muna nating kilalanin ang aborsyon bilang isang medikal na pamamaraan at bahagi ng
pangangalagang pangkalusugan o healthcare. Isa sa aming isinusulong ay ang mga karapatan ng
mga kababaihan upang mag desisyon para sa sarili nilang kapakanan — dahilan man ng
kalusugan, pinansyal na kabuhayan, kakayahan, at iba pa. Marahil ito ay buhat ng patriyarkal na
lipunan at sistema na bumuo sa karamihan ng ating mga batas magmula pa noon. Nararapat
lamang na agarang aksyonan ang suliraning ito upang maiwasan ang panganib at sakripisyong
kinakaharap ng mga kababaihang nais lamang makamtan ang kanilang karapatan. Dagdag pa
rito, isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng komplikasyon ay dahil sa kakulangan ng
akses sa ligtas at maayos na pagpapalaglag. Isa itong mahalagang bahagi ng karapatan sa
pangangalaga sa kalusugang reproduktibo at ang pagbabawal nito ay isang paglabag sa
karapatang tao ng mga Pilipinong may kakayahang magdalang tao. Sa ilalim ng R.A. 11223 o
ang Universal Health Care Act, lahat ng Pilipino ay ginagarantiyahan ng pantay na akses sa de-
kalidad at abot-kayang mga produkto at serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Ang
kriminalisasyon sa pagpapalaglag ay isang hadlang para sa mga kababaihan na makamtan ang
kanilang karapatang pangkalusugan. Hindi nito pinipigilan ang mga kababaihan na gawin ito, sa
halip, lalo lamang itong nagbibigay daan upang gawin sa hindi ligtas na proseso.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang na maaaring gawin upang isulong ang
usaping ligtas na aborsyon:
Una, simulan sa pinaka-ugat ng suliranin, ang kamalayan ng kabataan ukol sa
pakikipagtalik. Isulong ang batas na nagtataguyod ng sex education bilang bahagi ng kurikulum
ng paaralan. Palawakin pa ang kapasidad ng pagbibigay-alam sa bawat indibidwal ukol sa family
planning, kontrasepsiyon, at iba pang hindi nakasanayang paksa hinggil sa pakikipagtalik at
pagbuo ng isang bata, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan. Ito ay maaaring maisulong sa
pamamaraang pagbuo ng mga programang naglalayong mag-destigmatized ng usaping sekswal
sa pamamagitan ng mga seminar, kampanya sa mga paaralan, webinar, at iba pa.

6
Pangalawa, maging aktibo sa pagsulong ng mga batas at plataporma na nagtataguyod sa
dekriminalisasyon ng aborsyon, at pagbuo ng mga ligtas na paraan at oportunidad sa pagkamit
ng aborsyon. Kabilang dito ay ang pagpapatibay ng mga umiiral na batas tulad ng RH Law o
Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.
Ikatlo, magtakda ng ligtas na espasyo para sa pag-uusap tungkol sa aborsyon bilang isang
medikal na kasanayan batay sa mga siyentipikong pag-aaral at tumindig kasama ang mga NGOs
na naglalayon para sa ligtas na aborsyon tulad ng Philippine Safe Abortion Advocacy Network
(PINSAN) at Likhaan.
Sa pagtatapos, binibigyang-diin ng aming pangkat ang masidhing paninindigan para sa
pag legalisa sa ligtas at maayos na aborsyon para sa mga kababaihan sa ating bansa.

7
Mga Sanggunian:

Baclig, C. (2022, June 29). PH’s restrictive abortion laws lead to unsafe abortion,
deaths. Inquirer. Retrieved September 23, 2022, from
https://newsinfo.inquirer.net/1619070/for-posting-edited-phs-restrictive-abortion-
laws-lead-to-unsafe-abortion-deaths

Ipinapakita ng sanggunian na ito ang datos ng mga naitalang bilang ng aborsyon sa loob
ng bansa noong taong 2012 hanggang sa taong 2020 sa kabila ng pagkakaroon ng batas
sa paglabag nito. Gayundin ang mga matinding epekto ng kawalan ng access sa ligtas at
legal na aborsyon sa kalusugan at buhay ng mga kababaihan. Isinasaad na sa pagitan ng
taong 2015 at 2018, ang bilang sa kaso ng aborsyon sa Pilpinas ay tumaas sa 973,000
taun-taon at patuloy na dumadami hanggang sa umabot na sa mahigit 1.26 milyon noong
taong 2020. Nakatulong ang sanggunian na ito upang magkaroon ng background
knowledge sa kasalukuyang kalagayan ng mga kababaihang Pilipino na napipilitang
sumailalim sa hindi ligtas na pagpapalaglag dahil sa kawalan ng access sa legal na
aborsyon sa bansa, gayundin ang mga epekto at komplikasyon na kanilang nararanasan.

Center for Reproductive Rights (n.d.). The World’s Abortion Laws. Reproductive
Rights Organization. Retrieved September 23, 2022, from
https://reproductiverights.org/maps/worlds-abortion-laws/?category[1348]=1348

Ang sanggunian na ito ay nagpapakita ng tiyak na talaan ng legal na katayuan ng


aborsyon sa iba’t ibang bansa sa buong mundo kung saan kinakategorya ang aborsyon sa
isang continuum mula sa matinding paghihigpit hanggang sa relatibong liberalidad.
Gayundin, itinatala din ng sanggunian na ito ang mga bansa kung saan mahigpit na
ipinagbabawal at may batas ng kriminalisasyon sa pagsasagawa ng aborsyon kabilang na
ang bansang Pilipinas. Nakatulong ang sanggunian na ito upang maging batayan sa
pagpapakilala sa ilang mga bansang hindi parin ganap na naisasabatas ang aborsyon sa
mundo kung saan tayo ay kabilang, na nagbibigay ng karagdagang impormasyon at
patunay sa piniling posisyon ng aming pangkat.

8
Cohen, R. (2018, January 18). Denial of abortion leads to economic hardship for
low-income women. Reuters. Retrieved September 23, 2022, from
https://www.reuters.com/article/us-health-abortion-hardship-idUSKBN1F731Z

Sa sangguniang ito, nakasaad ang pagkukumpara sa mga mental na kalagayan ng


mga babaeng nakararanas ng hindi planadong pagbubuntis na nagsagawa ng aborsyon at
ang mga hindi nagsagawa ng aborsyon. Ito ay nakatulong upang makapagbigay ng
dagdag na impormasyon tungkol sa posibleng epekto ng pagsasagawa ng aborsyon sa
mental na kalusugan.

Finer, L. B., & Hussain, R. (2013, August 24). Unintended pregnancy and unsafe
abortion in the Philippines: Context and consequences. Guttmacher Institute.
Retrieved September 23, 2022, from
https://www.guttmacher.org/report/unintended-pregnancy-and-unsafe-abortion-
philippines-context-and-consequences?
fbclid=IwAR0s6YdA1X85mlZyzKnFYGkElXSKvdkV2tXDOesT6mTSU0_0qNoUo
bMXiVE

Nakasaad sa sangguniang ito na maraming komplikasyon ang nararanasan ng mga


babaeng Pilipino ng dahil sa aborsyon, at sa ibang pagkakataon ay humahantong ito sa
kamatayan, hindi lamang nung sanggol, kundi pati na rin ng ina. Nagsilbing batayan ang
sangguniang ito sa pagbubuo ng angkop na kontra-argumento pagdating sa usaping
aborsyon.

Gale (2022). Abortion. Opposing Viewpoints Online Collection. Retrieved


September 23, 2022, from
https://www.gale.com/open-access/abortion#:~:text=Others%2C%20such%20as
%20those%20requiring,to%20be%20a%20human%20life.

Isinasaad sa sanggunian na ito ang konspeto ng dalawang nagkakaibang panig pagdating


sa usapin ng aborsyon. Ito ay umiikot sa pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga tao
batay sa kanilang paniniwala at posisyon sa pagpapahalaga ng maalin sa buhay ng isang
ina o ng isang sanggol. Inilalahad dito na ang pagsuporta sa karapatang pantao ng

9
kababaihan upang makontrol ang mga medikal na desisyon tungkol sa kanyang sariling
katawan at buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa ligtas at legal na
aborsyon ay kinikilalang mga “pro-choice” samantalang ang pagsuporta sa pagpapatuloy
ng buhay ng sanggol sa pamamagitan ng pagtutol sa aborsyon ay kinikilalang “pro-life”.
Nakatulong ito upang magkaroon ng karagdagang impormasyon upang lubos na
maipakilala ang kalikasan ng napiling paksa tungkol sa aborsyon at ang relasyon nito sa
pagkakaroon at pagbibigay ng iba’t ibang pananaw at sariling posisyon ukol sa isyu.

Gleiser, M. (2011, September 14). When Does Life Begin? NPR. Retrieved
September 23, 2022, from
https://www.npr.org/sections/13.7/2011/09/14/140397576/when-does-life-begin
Nakasaad dito na walang patunay sa kung kailan nagsisimula ang buhay ng isang tao.
Mayroong mga argumentong nagsasabing may buhay ang isang indibidwal kapag kaya
na niyang mamuhay ng hindi dumedepende sa ibang tao. Naging malaki tulong ang
sangguniang ito sa pagpapakita kung bakit mali ang mga argumentong hindi sumasang-
ayon sa aborsyon na makikita sa kontra-argumento ng posisyong papel na ito.

Guillaume, A. & Rossier, C. (2018). Abortion around the world. An overview of


legislation, measures, trends, and consequences. Population, 73, 225-322. Retrieved
September 23, 2022, from https://www.cairn-int.info/article-E_POPU_1802_0225--
abortion-around-the-world-an-overview.htm

Inilalahad ng sanggunian na ito ang kaibahan ng mga batas na sumasaklaw sa kaso ng


aborsyon sa bawat kontinente sa mundo at mga bansang nasasakupan nito. Makikita sa
sanggunian na ito ang pangkalahatang posisyon ng mga bansang pinahihintulutan ang
aborsyon batay sa kanilang antas ng kaunlaran, kung saan naapektuhan ang pagtanggap at
pagpapatupad ng mga liberal na batas sa aborsyon batay sa kadahilanan at kondisyon na
maaaring dahil sa kahilingan ng babae o pagliligtas at pagprotekta sa kalusugan ng ina, o
para lamang sa mga kaso ng panggagahasa, incest, at kapansanan sa fetus. Nagsilbi itong
batayan sa paghahambing ng kaibahan sa pagtanggap at pagpapatupad ng batas upang
mabigyang solusyon ang pangangailangan ng aborsyon sa ibang bansa gayundin ang mga
posbileng eksepsyon at kundisyon sa pagsasabatas nito.

10
International Planned Parenthood Federation (IPPF). (2021, July 20). Safe and
effective abortion self-care. International Planned Parenthood Federation (IPPF).
Retrieved September 23, 2022, from https://www.ippf.org/blogs/safe-and-effective-
abortion-self-care
Nabanggit dito na kung nagagawa ang aborsyon sa tulong ng isang propesyonal na doktor
(o isang healthcare professional) ay mababawasan o maiiwasan ang mga sinasabing
kaakibat na panganib ng aborsyon sa buhay ng ina. Kapag isinasagawa ng ligtas ang
aborsyon ay maiiwasan ang mga kaakibat na komplikasyon nito, tulad ng pagdurugo at
pagkahilo. Malaki ang naitulong ng mga ito sa pagpapatunay na mali ang argumentong
hindi sumasang-ayon sa aborsyon at naipapalakas din ng sangguniang ito ang posisyon
ng pangkat pagdating sa aborsyon.

Ludden, J. (2022, May 26). Women who are denied abortions risk falling deeper
into poverty. So do their kids. NPR. Retrieved September 24, 2022, from
https://www.npr.org/2022/05/26/1100587366/banning-abortion-roe-economic-
consequences

Nakasaad sa artikulong ito ang kaganapang sosyal at legal sa Estados Unidos ukol
sa hindi pag legalisa ng aborsyon at ang direktang epekto nito sa pinansyal na estado ng
mga kababaihang nasa laylayan na ng bansa. Naglahad ng empirikal na pag-aaral hinggil
sa ugnayan ng pinansyal na estado at pag-akses sa aborsyon ang ulat na ito. Inilahad dito
na ang mga kababaihang nasa laylayan na walang akses sa legal na aborsyon ay
napatunayang mas lalong nalulugmok sa kahirapan kasama ang kanilang anak. Ito ay
nakatulong sa pamamagitan ng pagpapatibay sa argumentong malaki ang epekto ng
aborsyon para sa mga mahihirap.

ProCon. (2022, June 24). Should Abortion Be Legal? Abortion. Retrieved


September 23, 2022, from https://abortion.procon.org/

Nabanggit sa sangguniang ito na ang aborsyon ay katumbas ng pagpatay ng buhay ng


isang tao. Kahit gaano pa kaliit ang sanggol sa sinapupunan ng ina ay nararapat na itong
irespeto at pahalagahan. Mahalaga ang papel na ito sa paglalahad ng kontra-argumento
patungkol sa posisyon ng pangkat sa usaping aborsyon.

11
Sanchez, C. (2019, November 17) A woman’s right to choose: five minutes with . . .
Stella Creasy. Retrieved September 24, 2022, from https://doi.org/10.1136/bmj.l6424

Ang sangguniang ito ay naglalahad ng isang personal na karanasan mula kay


Stella Creasy, isang miyembro ng parlyamento ng Partido ng Paggawa at Kooperatiba sa
Walthamstow, London. Ang artikulong ito ay umiikot sa karahasan ng mga tinatawag na
Pro-Life laban sa awtor ng akda. Nabanggit din dito ang CBRUK na isang network ng
mga organisasyong anti-aborsyon sa buong mundo. Ang grupong ito ay sangkot sa mga
organisasyon sa Estados Unidos kung ay may naganap na barilan sa mga grupo ng
Planned Parenthood. Ito ay nakatulong sa pagbibigay ng impormasyon sa estado at pag-
uugali ng mga grupong kontra aborsyon sa aktwal na konteksto.

Stacey, D. (2022, July 16). Why do people have abortions? Verywell Health.
Retrieved September 23, 2022, from https://www.verywellhealth.com/reasons-for-
abortion-906589

Nabanggit dito ang mga pangunahing rason ng mga kababaihan kung bakit ginagawa ang
aborsyon. Isinasaad din dito ang mga maling akala tungkol sa pagpapalaglag kagaya na
lamang ng “kaginhawaan” o convinience. Nagamit ang sangguniang ito sa
pagsasangayon sa aborsyon dahil sa mga rason na bakit dapat ang aborsyon ay maging
legal.

Statista Research Department (2022, August 30). Philippines: Number of rape cases.
Statista. Retrieved September 23, 2022, from
https://www.statista.com/statistics/1170653/philippines-number-of-cases/#:~:text=In
%202020%2C%20the%20number%20of,pervasive%20issues%20in%20the
%20Philippines

Sa sangguniang ito nabanggit ang numero ng mga biktima ng rape sa Pilipinas


noong taong 2020. Ito ay nakatulong sa pagbibigay ng makabagong datos upang mas
maipahayag ang tindi o lebel ng isyung ito sa ating bansa. Ito rin ay naging batayan
upang maisama ang usaping rape sa usaping aborsyon.

12
Washington University in St. Louis (2022, December 14). Rape trauma syndrome.
Retrieved September 23, 2022, from https://students.wustl.edu/rape-trauma-
syndrome/

Sa sangguniang ito nabanggit ang mga epekto ng rape o sekswal na abuso sa


sikolohikal na kalusugan ng biktima. Nakasaad dito ang posibilidad na magkaroon ng
RTS o Rape Trauma Syndrome ang isang biktima. Ito ay posibleng makagambala sa
normal na kalusugan ng isang tao. Ang impormasyong ito ay nakatulong upang
makapagbigay ng mga epektong posibleng maidulot ng isyu.

World Health Organization. (2021, November 25). Abortion. World Health


Organization. Retrieved September 23, 2022, from https://www.who.int/news-
room/fact-sheets/detail/abortion
Nakasaad dito na may mga pagkakataong hindi nagiging ligtas ang aborsyon. Ito ay dahil
kapag hindi ito nagagawa nang wasto ay maaaring malagay sa panganib ang buhay ng
ina. Nagamit ang sangguniang ito sa paglalahad ng kontra-argumento na nagsasabing
hindi dapat tayo sumang-ayon sa pagsasagawa ng aborsyon.

13

You might also like