You are on page 1of 21

 “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.

Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan


kung wala siyang buhay. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang
mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa,
pamayanan, at bansa. Kaya kinakailangang isilang at mabuhay siya.”
Warning . . .
 This presentation may contain some videos, facts, and
photographs that may be considered as very disturbing
 Student's discretion is advised
ABORTION
ISANG ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY
Aborsiyon
-  paglaglag o pag-alis ng isang fetus o sanggol sa
sinanpupunan ng ina

- sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang


lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng
pamilya o populasyon

- sa Pilipinas, itinuturing ito isang krimen


       Dahil sa isyu tungkol sa aborsiyon, naging daan ito
upang magkaroon ng dalawang magkasalungat na posisyon
ang publiko: ang Pro-life at Pro-choice
Facts and Statistics

 Seventy percent of unwanted pregnancy in the


Philippines end in abortion

 In Quiapo, the best-selling abortifacient is Cytotec,


a drug for ulcer
Pro-Life at Pro-Choice
Pro-Life
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na:

     a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng


paglilihi; ito ay nangangahulugang ang pagpapalaglag sa kaniya ay
pagpatay, na tuwirang nilalabag ang mga pamantayang moral at batas
positibo. 
    

      b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina


(halimbawa, hindi niya ginawa ang tamang pag-iingat upang epektibong
maiwasan ang hindi nilalayong pagbubuntis), dapat niyang harapin ang
kahihinatnan nito. Tungkulin niya na iwasan ang pagbubuntis kung siya
at ang kaniyang asawa ay hindi nais magkaanak.
     c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon,
maaaring gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi
ituloy ang pagbubuntis. 
  

      d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa


na ipinalalaglag ay maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa
lipunan o sa buong mundo. 
  

      e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng


pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control dahil sa
paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami
(procreation) lamang at ang sinumang batang nabubuhay ay anak ng
Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay masama.
Facts and Statistics

 2004 national survey on abortion showed that nearly 90%


of those whoe induce abortion are Catholic

 Artificialcontraceptives anot widely used int he


Philippines, a largely Catholic country whose government
emphasises natural methods of family planning
Pro-Choice
Ang  mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinanatili na:

     a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at


alagaan. Ang tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay
karaniwang nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata
dahil may kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang
mga anak sa pisikal, emosyonal, at pinansiyal na aspekto. 
  

     b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala
pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahaybata ng kaniyang ina.
Hindi maituturing na pagpatay ang pagpapalaglag ng isang fetus dahil
umaaasa pa rin ito sa katawan ng kaniyang ina upang mabuhay.
Ang unang prayoridad samakatuwid, ay ang katawan ng
ina, at may karapatan siyang magpasiya para rito. Ang
katawan ng isang babae ay bahagi ng kaniyang sarili, at
nararapat siyang maging malaya na gawin kung ano sa
palagay niya ang kinakailangan para sa kaniyang katawan
at pangkalahatang kalusugan sa anumang sitwasyon. 
c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring
maging tagapagpaalala sa babae ng trauma na kaniyang
naranasan. Ayon sa ilang pananaliksik, ang mga sanggol na
ipinanganak bunga ng mga ganitong kaso ay nahaharap sa
mataas na panganib ng kapabayaan o pang-aabuso mula sa
kanilang mga ina. 
d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na
dalhin sa bahay ampunan ang sanggol pagkatapos, maraming
bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng
pangunahing pangangailangan ng mga bata. 
  e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan 
Mas mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-
21 na linggo ng pagbubuntis ang nagresulta ng mga pangunahing k
omplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon. Habang itinuturing i
tong iligal, tiyak na maraming babae ang patuloy na sasailalim nang
 palihim sa ganitong proseso at maglalagay sa kanilang kalusugan sa
 ditiyak na sitwasyon at maaaring mauwi sa kamatayan. 
Facts and Statistics

 Anestimated of 800 women die per year from


complications of abortion
SA MABABANG SALITA . . .
PRO-LIFE AND PRO-CHOICE
Pro-Life at Pro-Choice 
• Pro-Life puts the life Pro-Choice puts
  
of the fetus as the the woman's right
most important to choose what to
factor in the choice do with her own
to have an abortion body as the most
or not, and is important factor,
therefore the position and is therefore the
where you are position of letting
against letting women have the
women have the option of having an
option of an abortion if
abortion.  necessary.
Dalawang uri ng Aborsiyon
SAPILITAN AT KUSA
Kusa (Miscarriage)
- pagkawala ng isang sanggol bago
ang ika-20 linggo ng pagbubuntis
- tumutukoy sa natural na pangyayari,
at hindi ginagamitan ng medikal o
artipisyal na pamamaraan
Sapilitan (Induced)
- pagwawakas ng pagbubuntis at
pagpapaalis ng isang sanggol sa
pamamagitan ng pag-opera o
pagpapainom ng mga gamot

You might also like