You are on page 1of 2

Pagtanggal ng Biyaya

Isinulat ni: Betchemar B. Gonzales

“No person shall be deprived of life, liberty, or property without due


process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.” Ito
ang nakasaad sa Seksyon 1 ng Artikulo 3 ng 1987 Konstitusyon. Isa sa mga
ipinapahiwatig na hindi maaaring pagkaitan ang isang tao na mabuhay. Ngunit
paano kung habang nasa uterus ka palang ay binabawi na ito sa’yo?

Isa sa mga naging dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng
abortion sa Pilipinas ay ang hindi pagtanggap ng babae sa kaniyang dinadalang
bata na nagmula sa isang masamang trahedya. Base sa naging pag-aaral ng ilang
eksperto, 1.1 milyon taon-taong kaso ng “induced abortion” ang naitatala sa bansa
habang 1,000 naman ang nakararanas ng post-abortion complication. Noon lamang
2022, tumaas ng 14.6% ang kaso ng mga babaeng nagpalaglag mula 2020,
kasabay ng patuloy na paglaganap ng rape na umabot sa humigit kumulang 8,000
noong nakaraang taon.

Dulot na rin ng kahirapan at walang maayos na trabaho, halos kalahati ng


mga babaeng indibidwal sa bansa na naninirahan sa mga liblib na lugar ang mas
pinipili na ipalaglag nalang ang bata sa maling paraan. Ito’y dahil kanilang iniisip na
wala silang kakayahang mapunan ang mga pangangailangan nito kung ito man ay
kanilang tatanggapin sa buhay nila.

Noong 2008, ipinasa ng Pilipinas ang abortion bilang isang kriminal na


gawain matapos isama ito sa Revised Penal Code noong 1930. Nakasaad doon ang
pagpataw ng kaso sa simunang nagtangkang ipalaglag ang bata na may intensyion
o wala. Ilan sa mga maaring ikaso ay ang reclusion temporal o ang pagkakulong ng
labindalawang taon at isang araw, hanggang dalawampung taon, kung sakaling
gumamit ng kahit anong marahas na gawain ang isang tao sa isang buntis na babae
(Article 256 of the Revised Penal Code).

Sa pagsabay ng pagpapatupad ng batas, ang teenage pregnancy ay isa


rin sa dahilan ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso sa abortion. Dahil sa pre
marital sex o pagtatalik ng isang lalaki at babae ng hindi pa kasal, halos 8 sa 10
babae ang maagang nabubuntis edad 18 pababa na hindi pa handa para maging
isang ina. Ang pagnanais ng magkasintahan na maranasan ang sex ay itinuturing
masama ng karamihan, lalo na ng mga relihiyon, dahil para sa kanila, kinakailangan
munang magpakasal ang lalaki at babae nang sa gayon ay malaya silang makabuo
ng pamilya at anak na legal.

Ang hindi paggamit ng contraceptive o “condom” ang isa sa pinaka-ugat


kung bakit maraming mga indibidwal ang nakakakuha ng STD o Sexual Transmitted
Disease. Maraming mga tao at institusyon ang binabalewala ito sapagkat tingin nila
ay hinaharangan nito ang kalayaan ng magkasintahan na ipahayag ang kanilang
pagmamahalan

Tulad din sa abortion, maraming mga kababaihan ang nagsasabi na ang


pag-criminalize nito ay isang hadlang para pumili kung ano ang gagawin nila sa
batang nagmula sa isang masamang pangyayari. Kaya noong January 30, ang
Philippine Commission on Human Rights (PCHR) ay nagbigay ng suportang hindi
gawing pang-kriminal na gawin ang pag-aabort bilang daan sa pagsulong ng
karapatang pantao.

Sa panahon ngayon, iba-iba ang pananaw ng mga tao, lalo na ng mga


kababaihan, tungkol sa pagkakaroon ng anak, lalo na kung ito ay hindi planado at
nagbunga lamang sa isang kahalayan at takot. Kadalasan sa mga nasasangkot rito
ay nakararanas ng pagkabalisa na nahahantong sa paggawa ng krimen, at ito ay
ang pagpatay sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos. Nilabag nito ang Bill of Rights.

You might also like