You are on page 1of 2

Legalization of Abortion

Position Paper

Jafferson L. Cortez
Submitted By:

Bb. Cathryn Jane Engo


Submitted To:
Cortez , jafferson L. AP 1:00-2:30 PM
GRADE 10 ST. JOHN MAY 25, 2023
ARALING
PANLIPUNAN
“legalization of abortions”

Ang Aborsyon ay hindi dapat maging legal sa PilipinasAng aborsyon ay isa sa pinakamasamang bagay na
gagawin ng isang babae lalo na kungpag-uusapan ang diginidad bilang tao. Ito ay isang krimen laban sa ating
buhay. Walang nino-man ang may karapatan na kumitil ng isang buhay. Maraming mga bansa ang hindi
sumasang-ayon sa aborsyon at marami rin ang gumagawa ng mga hakbang para malaban ito kagaya ngating
bansa ang Pilipinas.

Ang aborsyon ay isang immoral at hindi dapat ito maging legal saPilipinas.Ang aborsyon ay isa sa mga
mapanganib na proseso sa buhay ng isang ina. Ang isang inaay maaaring magkaimpeksyon o hindi naman ay
ang tinatawag nila na “internal bleeding”. Mayposibilidad rin na hindi na siya nakapagbubuntis pang muli. Ang
aborsyon ay hindi laman angpagpatay sa bata kundi narin sa ina mismo. Kapag isinasagawa ang aborsyon kahit
pa mayanestisya, 97% parin ng mga ina ang nakakaranas ng sakit, at kung gumamit pa ng mas malakasna gamot
ay maaring magkaroon ng komplikasyon sa ina.

Ang aborsyon ay nananatiling labag sa batas sa Pilipinas sa ilalim ng lahat ng pagkakataon at ito ay lubos na
binibigyang stigmat. Bagama’t ang isang liberal na interpretasyon ng batas ay maaaring magpalibre sa
probisyon ng aborsyon mula sa kriminal na pananagutan kapag ginawa upang iligtas ang buhay ng babae,
walang ganoong tahasang mga probisyon. Maraming tao ang naniniwala na nag fetus sa sinapupunan ng nanay
ay isa nang ganap na tao at may mga karapatan na ring tulad ng sa atin. Naniniwala sila na ang aborsyon ay
hindi maipapangatwiran dahil ito ay pagpatay ng isang inosenteng tao.
Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang
ipaglaban ang kaniyang karapatan, Ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa kanyang
ina,Ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang buhay sa
hinaharap. Ang aborsyon dahil sa mga kapansanan ay para naring pagsabi na ang may mga kapansanan ay
walang kwenta
Ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao,Ang mga doktor at nurse ay sumumpang
magliligtas buhay, hindi pumatay,Ang fetus ay nakararamdam na rin ng sakit. Ano ang batas tungkol sa
aborsyon dito sa Pilipinas? Ang Article II ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa seksyon 12, sinasabi na
protektado ng batas ang buhay kapwa ng ina at ng hindi pa naisisilang na sanggol mula sa paglilihi. Dito sa
Pilipinas, bawal ang aborsyon at ang paglabag dito ay nangangahulgan ng pagkakakulong.

Source https://pagbubuntis.com/aborsyon/

You might also like