You are on page 1of 1

Filipino sa Piling Larangan

Marinel M. Secretario Enero 19, 2022


Grade 11 STEM F Honor Bb. Ana Victoria Oca

Ang aborsyon ay ang paglalaglag ng isang bata sa sinapupunan ng isang babae. Isa
ito sa pinagtatalunan ng mga tao ngayon. Ayon sa Article II ng 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas sa seksyon 12, Dapat nitong pangalagaan kapwa ang buhay ng ina at ang
buhay ng sanggol sa sinapupunan mula sa paglilihi kaya rito sa ating bansang Pilipinas,
ang aborsyon ay ilegal at krimen.

Ang aking pananaw sa aborsyon ay dapat itong maging legal dahil maraming
kababaihan ang hindi ginusto ang pagbubuntis. Paano nalang kung ito ay dulot ng
panggagahasa ng isang tao sa dalaga, hindi pa rin ba p’wede na ito ay ipalaglag? Para
sa akin, ito naman ay naka depende sa kagustuhan ng babae, katawan niya iyon kaya
s’ya lamang ang may karapatan kung ano ang desisyon niya para sa kaniyang sarili.

Ngunit kahit na maraming tao ang di sang ayon na maging ilegal ang aborsyon, ito
ay isinatupad pa rin ng pamahalaan. Kung hindi aaprubahan na maging legal ang
aborsyon baka mas lalong dumami ang populasyon ng tao sa ating mundo.

You might also like