Professional Documents
Culture Documents
Maraming tao ang naniniwala na nag fetus sa sinapupunan ng nanay ay isa nang ganap na tao at
may mga karapatan na ring tulad ng sa atin. Naniniwala sila na ang aborsyon ay hindi maipapangatwiran
dahil ito ay pagpatay ng inosenteng tao. Bawat bata ay isang mahalagang regalo mula sa Diyos. Wala
tayong karapatan na sirain ang regalong ito. Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng
espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan. Ang mga doktor at
nurse ay sumumpang magliligtas ng buhay, hindi pumatay. Ang aborsyon ay isang sensitibong usapin
lalo na dito sa bansang Pilipinas na maituturing na isang konserbatibong lugar. Alam naman natin na ang
aborsyon ay isang illegal na gawain dito sa bansa subalit mayroon dapat na mga panuntunan kung ano
ang limitasyon nito. Ang ilan dito ay ang pagkokonsidera ng kaligtasan ng ina, ang pagiging biktima nito
ng panggagahasa, o ang pagkonsidera sa kalagayang pang-ekonomiya ng magiging pamilya ng isang
bata. Sa aborsyon, mataas ang posibilidad na magkaroon ng septic abortion o impeksiyon. Ang
impeksiyon ay nakasentro sa inunan at may panganib na kumalat sa matris ng nanay, na nagiging sanhi
ng pelvic infection o maging sepsis at potensyal na pagkasira ng ibang bahagi ng katawan.
Ang usapin ng aborsyon ay hindi parin matapos-tapos. Mula noon ngayon ay marami pa rin ang
nagdedebate dito. Maraming naghahangad na maging legal ito ngunit marami din ang humahadlang
upang maging legal ito. Sa pagdaan ng panahon, di pa rin nawawala ang aborsyon sa lipunan ng bansa.
At sa bawat pag-ikot ng oras ay patuloy pa rin ang pagdami ng mga kababaihang nagsasagawa nito. Sa
isang konserbatibong bansa tulad ng Pilipinas ay matagal-tagal pa bago ito maging legal, kung ito man
magiging legal, dahil na rin sa lakas ng pananampalataya at pagkarelihiyoso ng mga Pilipino.
Modernisasyon at pag-unlad ang sigaw ng mga pumapabor dito, samantalang katarungan naman para sa
mga hindi sumasang-ayon. Subalit anu paman ang mga katwirang bumbalot dito, isipin natin kung
naaayon ito sa kabutihan ng lahat.